Chapter 19

0 0 0
                                    

Humihikbi ng tahimik si Xam habang hawak ang kamay ng walang malay na si Jay. May nakakabit dito na dextrose at may oxygen ito sa ilong. Para lang itong mapayapang natutulog, Hindi batid ang tunay na kalagayan nito.

Madaling araw na pero wala pa silang tulog magkakaibigan. Nagsibalikan  muna ang iba sa resort dahil masyado silang madami para magbantay dito. Si Xym, Vein at Luke ang kasama ni Xam sa loob ng kwarto ni Jay.

Ayaw umuwi ni Xam kaya hindi rin umuwi si Xym at Vein. Dapat kasi ay si Luke at Ralph muna ang magbabantay dahil sanay naman ang mga ito sa puyatan. Nakaupo ang mga ito sa sofa nasa paanan banda ng ospital bed ni Jay.

Si Luke ay titig na titig sa kaibigang walang malay habang naka halukipkip ang mga braso sa dibdib. Si Xym ay unti-unti ng bumabagsak ang ulo habang ng siko ay nakatukod sa armrest ng sofa at nakatukod sa kamao ang noo. Si Vein ay nakatigtig sa dalagang humihikbi. Gising na gising ang diwa dahil sa pagaalala at dami na rin ng katanungan sa isipan –puno ng pagtataka at kaguluhan.

Bumalik sa alaala ni Vein ang lahat ng pangyayari ng gabing iyon.

Nagsitayuan silang magkakaibigan ng lumabas ang doctor na sumuri kay Jay. Nasa labas silang lahat ng Emergency Room. Agad na lumapit ang kanina pa hindi mapakali na si Clau. Nagsilapitan na rin sila rito.

"Doc, Ano po kamusta po ang kaibigan namin?Ano lagay nya?Maayos lang po ba? What's wrong with him" Clau bombared the doctor with questions.

Bakas sa mukha nila ang Pag aalala para sa kaibigan. They are looking to the doctor with a hopeful eye.
Napabuntong hininga na lang ang doctor "He is suffering with Celebral edema and resultant intracranial hypertension. At dahil napabayaan, Lumala ito para mag cause ng seizure sa pasyente"Doctor dissappointedly shake her head" And, I'm sorry to say this but his condition is already in critical state and it's already hopeless"

"Sabi na nga ba eh" bulong ni Dawn sa sarili. Pero hindi yun narinig ng mga kaibigan.

"Ho??" naguguluhang tanong ni Emerald

"Ano hong ibig nyong sabihin?"Si Clau ulit.

"Cerebral edema and resultant intracranial hypertension are associated with unfavorable prognosis in traumatic brain injury. CE is a leading cause of in-hospital mortality, occurring in >60% of patients with mass lesions, and ∼15% of those with normal initial computed tomography scans" Doctor explained it with them

Nagugulat ang magkakaibigan sa mga salitang lumalabas sa bibig ng doctor maliban lang kay Dawn.

"G-Ganon kalala?" Emerald exclaimed.

"Shit! bakit hindi man lang sya nagsasabi" magkahalong iritasyon at magaalalang wika ni Bryan.

Nag kanya-kanya ng bulungan ang iba. Pero si Xam na nasa bisig ni Vein ay nakatulala lang at naluluha. Hindi nya maibuka ang mga labi.

"Hey, He will gonna be okay. Stop crying" Pangaalo ni Vein sa dalaga habang mabagal na hinahaplos niya ang balikat nito.

"Did any one of knows what is the cause?"

Nagsiilingan naman silang lahat dahil wala talaga silang ideya sa nangyayari sa kaibigan.

"His condition is in high risk"Medyo nabahala na ito dahil wala man lang sa mga magkakaibigan ang may alam "At malaking pagkakamali ang pabayaan ang isang taong may ganung kalagayan" Nailing muli ito "Where is the parent of the patient?"

"Nasa Manila po, Doc"

"They are in Manila, Doc"

"I need to talk to them" sabi nito bago umalis.

Chance Series#1: Second Chance of love(On-going)Where stories live. Discover now