LABINTATLO
ᜎᜊᜒᜈ᜔ᜆᜆ᜔ᜎᜓ
A VAMPIRE'S CURSE:
TAMING THE BEASTTHE first place that came to my mind ay sa parking area. Baka maabutan ko pa sila doon kung sakali nga. Halos matisod ako ng mga idaemonon na bigla na lang naglalabasan sa lupa. Muntikan pa nga ako habulin ng guard nang makitang ambilis kong tumakbo papunta sa kabilang dulo ng school lalo na't ala-singko na ng hapon at dapat ay nakauwi na ang mga estudyante.
Naabutan ko ang parking area na tahimik, walang katao-tao. Saan naman kaya sila nagpunta? Kung kilala ko lang 'yung isang kasamahan nilang zombie ay natanong ko na siya. Para kahit paano ay may silbi naman siya sa grupo.
Inikot-ikot ko ang buong area. Sinilip ko pa ang loob ng bawat sasakyan doon. Maging sa backgate pero wala talaga. Hayst. Kung nagsabi lang sana agad si Joy ng totoo, baka mas maayos namin ang kaso na 'to. Or baka hindi rin. Hindi naman ako magaling sa ganito. Bakit nga ba ako napunta rito? Ang kailangan ko lang naman ay makasali sa isang club para makaabot sa honor's list. Bakit ba namomroblema ako ng problema ng ibang tao . . . at ibang maligno? Kung tutuusin mas maayos naman ang buhay ko rati. Hay, na-miss ko bigla si Lola.
Habang palakad-lakad sa dakong iyon, pumukaw ng atensyon ko ang isang itim na stick sa may sahig, sa bukana ng Science building. Akala ko pa nga ay isa na namang idaemonon iyon. Nang aking uusisain, isa pa lang itim na balahibo ng ibon. Wait. Saan 'to galing?
Nilingon ko ang paligid pero wala namang ibang pwedeng panggalingan ng balahibong iyon. Hangang sa mapalinga ang ulo ko sa itaas, sa tuktok ng building mismo.
Kraash! Luminaw sa pandinig ko ang mga ingay na 'yon. Parang may mga tao sa rooftop. Oras ba ng maintenance? Hanggang sa sumilip ang dulo ng pakpak ni Simm. Andon sila!
Hindi na ako nagdalawang-isip at mabilis na inakyat ang hagdan. Bigla akong napagod sa limang floors na inakyat ko hangang sa makaaabot sa pinakamataas na pinto papuntang rooftop.
Nakasara ito at nakakadena pa ang lock. Sinubukan kong sumilip sa maliit na butas. Sakto. Kitang-kita ko si Simm, nakabuka ang malalaki niyang pakpak. Dalawang metro mula sa kaniya ay nakatayo si DM. Mas maputla pa siya ngayon kaysa sa normal na itsura niya. Kita ko na halos lahat ng ugat niya sa katawan. May mga sugat na siyang natamo. Dumura pa siya saglit ng dugo at pinunasan ang madungis na bibig.
Bakit sila nag-aaway? At paano sila nakarating dito kung sarado naman ang pinto? Hindi kaya dinagit pa siya ni Simm papunta sa lugar na malaya silang makakakilos?
Masama na ang lagay ni DM. 'Di hamak na mas lamang ang mahahabang kuko ni Simm. Nakalilipad pa siya. Kaysa sa bampirang si DM na ang panlaban lang ay mga pangil niyang hindi naman eepekto sa malayuang labanan.
Nagsimula na uli silang sumugod sa isa't isa. Jusko, ano ba naman 'tong mga lalaking 'to?
Sinubukan kong kalasin ang kadena pero ano namang magagawa ko sa bakal. Kahit sipa-sipain ko pa ang pinto, hindi ako ganoon kalakas para mabuksan ito. Isip, Gwen, isip.
BINABASA MO ANG
Klab Maharlika at ang Sumpa ng Ibalóng
FantasyA serpent demigoddess. A maligno-slayer. And a young santelmo. If you're experiencing problematic encounters with mythical creatures, Klab Maharlika is at your service! A Balete Chronicles spin-off novel. Text Copyright © bernardcatam ™ 2020 Written...