21. Ang Bagong Klab Maharlika

144 24 63
                                    

DALAWAMPU'T ISAᜇᜎᜏᜋ᜔ᜉᜓᜆ ᜁᜐANG BAGONG KLAB MAHARLIKA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DALAWAMPU'T ISA
ᜇᜎᜏᜋ᜔ᜉᜓᜆ ᜁᜐ
ANG BAGONG KLAB MAHARLIKA

"Our class valedictorian, from Grade 10 Ibalóng . . ."

Weeks had passed since that Rabot incident. Hanggang ngayon nga ay ginagawa pa rin ang nawasak na pader ng Chemistry Laboratory. Leaked chemical gas daw ang sanhi, sabi ng school administrators. Pero siyempre kami lang ni Simm ang nakakaalam ng tunay na nangyari.

Maging si Ma'am del Valle nga na host ngayon ng aming Moving Up Ceremony ay tuluyan nang nalimutan ang pagsanib sa kaniya ni Rabot. Bagama't nababanaag ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot at pagtataka. Kahit pa na-promote na siya ngayon at magiging Principal na namin sa sunod na pasukan, pilat na kaniyang babaunin habambuhay ang mga sandaling pinakilos siya ng halimaw.

Ako rin naman. Hinding-hindi ko na malilimutan ang mga huling sandali ng school year. Sa isang iglap ay nawalan ako ng lola, ang nag-iisang taong nasasandalan ko araw-araw. Palagi pa rin akong nananaginip ng masama at nakakaramdam ng di-kasiguraduhan kahit pa ilang beses kong inuulit na kaya ko 'to. Inaalala ko lang lagi ang bilin sa akin ni Lola. I'll make her proud.

Medyo umiinit na ang pwetan ko sa pagkakaupo. Nasa itaas kami ng stage, sa harap ng iba pang mga magsisipagtapos na Junior High School students. Naka-simpleng uniforms lang kami. Aabangan ko talaga ang graduation ng Senior High para mas ma-feel ko ang suot na toga at cap.

Maraming nagbago sa loob ng isang linggo. Hindi na nga ako sanay pagtinginan ng mga tao ngayon. Pero masaya pa rin ako sa achievements ko. Tulad na lang ng tattoo na ngayon ko lang napansin sa pulso ko, hugis baboy-ramo na may dalawang mala-sungay na pangil. Ngayon lang kasi tuluyang nawala ang mga kaliskis ko. Sabi ni Simm, marka ito ng katagumpayan dahil sa pagkakapugot ko sa tandayag. Hindi nga lang ganoon kaganda 'yung pagkakatatak pero puwede na.

"Andrea Taylor." Umulan ng palakpakan sa school ground. Bago tumayo ay lumingon muna sa akin ang katabi kong si Andrea at tumungo. Maaliwalas tignan ang mukha niya dahil sa light make-up. 'Di na tulad ng dating may pa-eye shadow pang hindi naman bagay.

Tumugon ako ng ngiti bilang pagbigay suporta na rin sa speech niya. Good luck sa grammar.

Taas-noo siyang lumapit sa podium at inabot ang mike mula kay Ma'am del Valle. Nagsimula na ang talumpati ng class valedictorian.

It feels weird pero hindi ko inaasahang magiging masaya ako na Top 2 lang. Hindi ko nakumpleto ang lahat ng requirement ng club namin. Na-disqualify pa nga dahil sa ginawa naming play. Pero may mga scholarships pa rin naman akong makukuha kahit papano. At wala akong pinagsisisihan; wala akong maramdamang panghihinayang.

Nairaos namin nang matiwasay ang final examinations. Medyo occupied pa ang utak ko ng mga kaganapan pero wala naman na akong nasasagap na preseniya ng halimaw ng kalibutan. Tuluyan na siyang tinunaw ng apoy.

Napahawak ako bigla sa pendant ng suot kong kuwintas—isang berdeng binhi, mukhang maliit na version ng niyog, ang tanging bagay na iniwan ni Elmo sa amin.

Klab Maharlika at ang Sumpa ng IbalóngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon