SAMPU
ᜐᜋ᜔ᜌᜓ
LOVE AND OTHER HYPOTHESESLUNES nang kami'y inatake ng mga taong-buwaya. Martes nang bumisita naman ang Tandayag. Today is Wednesday. Anong klaseng halimaw na naman ang gagambala sa dati ko nang tahimik na buhay?
Maya't-maya ang punta ko sa CR namin dahil nangangati na ang mga kaliskis ko sa braso na umabot na rin sa bandang balikat. Buti na lamang ay nakahablot ako ng jacket kagabi. Suot ko 'to buong araw para walang makakita ng mga kaliskis ko. Akalain pang may sakit ako sa balat. At para 'di mawala sa paningin ko ang bolo ni Lola, bitbit ko rin buong araw ang stroller bag kong may design na Barbie.
Magkatabi kami ni Lily sa Chemistry class sa laboratory sa may third floor ng building. Tumatagos sa suot kong jacket ang lamig ng aircon kaya hindi ako makapag-concentrate ng maayos. Parang gusto kong matulog.
Si Lily naman, panay lang ang tanghod sa teacher namin habang nagdi-discuss ng tungkol sa molecular compounds. Hindi ako maka-focus ng maayos dahil sa mga tanong na sumasagi sa isip ko.
"I still don't get it," usal kong 'di ko sadiya.
"Ang alin?" tanong ni Lily na napalingon sa gawi ko. Jasmine ang disenyo ng hair pin niya ngayon na 'di ko mawari kung bakit naamoy ko.
Nag-isip muna ako bago ituloy pero magaan naman ang loob ko kay Lily kaya siguro'y okay lang magsabi sa kaniya ng opinyon. "Paano siya naging girlfriend ni Ian? I mean, anong ugali niya ang ka-fall fall?" Naka-pout ang labi ko sa direksiyon ni Andrea sa first row.
Tumahimik lamang ang kausap ko na inaasahan ko na rin dahil Punong Maharlika ang pinag-uusapan namin pero bigla rin siyang nagsalita. "Hindi ko rin alam pero ang nasagap kong tsismis, isang Maharlika rin ang pinakamatagal na naging GF ni I—Sir Ian." Mataman akong nakinig. "Pero iniwan siya 'ata nito. 'Di ako sigurado. Simula no'n, paiba-iba na siya ng girlfriend. Karamihan ay mga timawa o normal na tao lang, walang dugong bughaw."
Kinabahan ako bigla nang lumingon sa amin ang mataray na mukha ni Andrea. Anlakas rin ng radar. Nasagap 'ata ng malaking butas ng ilong niya ang pagtsitsimisan namin. Nagpanggap akong nakatingin lang sa pisara at hinintay ang irap niya pero hindi. Mabilis lang niyang iniwas ang tingin. Wala 'atang gana makipag-away ngayon, ah.
"Actually, naaawa nga ako sa kaniya, eh," komento ni Lily.
"Kay Ian? Kahit sino naman siguro."
"Hinde, kay Andrea," bulong niya. "Kasi lately madalang na sila lumabas. Busy rin kasi ang Punong Maharlika sa pamamahala ng Klab habang wala pa ang Chapter Advisor. Saka—"
"Saka ano?"
"Hindi naman sa panghihimasok pero minsan napapansin ko 'yung lamig at kawalan ng gana sa tuwing sinusundo niya si Andrea sa tambayan ng club namin. Alam mo 'yun? Pero baka hindi lang din tugma ang oras nila. Masiyadong occupied si Sir Ian ng responsibilidad niya."
BINABASA MO ANG
Klab Maharlika at ang Sumpa ng Ibalóng
FantasiA serpent demigoddess. A maligno-slayer. And a young santelmo. If you're experiencing problematic encounters with mythical creatures, Klab Maharlika is at your service! A Balete Chronicles spin-off novel. Text Copyright © bernardcatam ™ 2020 Written...