LABING-ISA
ᜎᜊᜒᜅ-ᜁᜐ
BOYS WITHOUT SHOWER"OKAY, can you tell us the details?" request ko kay Jhona. Joy? Rose? Ang haba naman ng pangalan nito.
Maging sina Simm at Elmo ay nag-aabang ng kaniyang sagot. Lalo na at isa palang Maharlika ang aming unang kliyente. Kung tama ang hinuha ni Simm, nasa paligid lamang si Rabot at unti-unti na siyang nagpaparamdam. Ilang Klab members na rin daw ang nabiktima nito kaya medyo kinabahan ako sa sinabi ni Joy. Joy na lang.
"Well . . ." Nagpagala-gala muna ang mga mata ng kausap namin bago sumagot. Inayos niya ang naka-ponytail na buhok. Tagaktak ang pawis sa leeg niya na 'di ko mawari kung dahil ba sa pagtakbo niya, sa training niya o sa kabado siyang nagpapaliwanag ngayon. "Hindi naman literal na papatayin. My boyfriend is very possessive and toxic. Nasasakal na ako. Gusto niya lagi kaming dalawa lang ang magkasama. Lagi siyang galit kapag may ka-sparring ako sa training. 'Yung mga kasamahan ko sa Taekwondo, palagi niyang napagdidiskitahan. Tapos—"
"W-w-w-wait," pigil ko sa kaniya. "Are you telling me, love life problems ang ipinunta mo rito?"
"Medyo."
"Anak ng tikbalang!" dismaya ko at napasubsob pa ang mukha ko sa aking mga palad.
"Miss, this is an official club business. Don't make this a joke," mariing sabi ni Simm, halata ang panggigigil.
"Please hear me out muna," hinaing ni Joy. "My boyfriend, he's . . . he's not just any ordinary student," sabi niya na may pagiling-iling pa. Pero ramdam ko ang takot sa mga mata niya. "He's Damian from Grade 12-Banahaw."
"Sino naman siya?" tanong ni Elmo. Kahit pa isa ako sa mga popular student sa school, hindi naman ako pamilyar sa lahat ng students dito.
"Hindi niyo siya kilala? Si Damian? Also known as DM, lider ng F4?"
"F4?" tanong ni Simm. Muntik na 'kong matawa sa blanko niyang reaksiyon na para bang pinaglalaruan lang kami ng kliyente namin.
"'Yun ang tawag niya sa grupo nila. He's from a gangster family. Malakas ang impluwensiya niya sa school na 'to kaya hindi madali sa akin na makatakas sa kaniya."
"And?" dugtong ko.
"Isa siyang Danag, isang uri ng mga bampira."
Interesting. Napataas ako ng kilay at napa-pout. So, were dealing with supernatural love problems here.
"Bakit hindi mo siya kayang komprontahin mismo? Girlfriend ka niya. Saka isa pa, isa kang Maharlika. Hindi ba magigiting kayong sundalo ng mga anito?" pagtataka ko.
"She's not," singit ni Simm na nakahalukipkip na ang mga braso at medyo kalmado na rin. "Ang mga hinlog na nagmula sa lahi ng mga anito ay tinatawag na Maginoo dahil sa dugong bughaw na nananalaytay sa dugo namin. Matatawag lang na Maharlika kapag inilaan na namin ang aming kakayahan bilang agent ng mga anito laban sa mga mapang-abusong maligno at iba pang Maginoong kumikilos ng hindi naaayon sa layunin ni Bathalang Maykapal."
BINABASA MO ANG
Klab Maharlika at ang Sumpa ng Ibalóng
FantasyA serpent demigoddess. A maligno-slayer. And a young santelmo. If you're experiencing problematic encounters with mythical creatures, Klab Maharlika is at your service! A Balete Chronicles spin-off novel. Text Copyright © bernardcatam ™ 2020 Written...