Chapter 8 UNEDITED

3.6K 101 7
                                    

Chapter 8
written by: syaeinxxan

NAGISING ako ng maaga dahil mage-enroll pa pala ako ngayon sa university. Pasukan na kasi sa lunes. Ang bilis ng oras diba?

Naligo na ako at pagkatapos ay isinuot ko na ang rip jeans at pink t-shirt ko. Kinuha ko na ang resumé ko sa cabinet at kinuha ang shoulder bag.

Bumababa na ako at hindi ko nadatnan si Thea na nakabihis. Sabay dapat kasi kami papunta sa university pero parang hindi naman siya willing mag-aral. Mukhang mas gusto pa niya ata magtrabaho tuwing gabi kasama si Tita Rose.

"'La,hindi pa ba gising si Thea?" tanong ko kay lola habang nagpiprito ng tuyo sa kusina ako naman nagsusuot ng sneakers ko sa mahabang upuan na kawayan namin.

"Hindi pa!Pati ang nanay niya.Tuloy parin sa paghilik!"sagot niya. Alam kong pagod din si lola sa pagsesermon sa kanila kagabi pero hindi naman nila sinunod si lola. Tumuloy parin sila.

"Kaya mauna ka na,bago ka pa malate. Mag-almusal ka pala muna!" aya niya. Naupo na ako doon dahil hindi pa naman masyadong late. Ayoko ring gumastos pa doon kapag nagutom ako.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako at tsaka sumakay sa jeep papuntang university. Medyo malayo 'yon at kailangan pa ng ilang minuto bago makarating doon.Iyon lang naman kasi ang available na university dito sa lugar namin kaya no choice. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na iyon saakin sa syudad,e 'di sana doon na ako nag-aaral ngayon kaso nangyari na e.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami.Nagbayad na ako tsaka ako bumaba. Pinasadahan ko naman ng tingin sa taas ng universidad na may nakabalandrang St.Patrick University sa taas nito. May nakabantay sa gate na dalawang guard kaya hindi ako basta-basta makakapasok.

"I.D?" tanong nang isang guard. Ipinakita ko naman ang dati kong i.d noong highschool ako kaya pinapasok na nila ako.

Pagkapasok dumiretso ako sa guidance office pero agad na bumungad sakin ang mahabang pila. Mukhang kailangan ko pang mahintay ng matagal bago ako makapag-enroll,neto.

"Hoy bhe!Alam mo bang may bago tayong professor ngayon?" rinig kong saad ng babae sa harap ko sa kausap niya sa harap niya.

"Yes!At yun ang dahilan kung bakit ako lumipat!Ang gwapo nga daw e!Half American,bhe~!"

"Oo!Sana nga maging professor natin siya.Wala pa daw 'yon asawa!"

"Really?Well,handa akong maging asawa niya!" malanding saad nila at tumawa habang iniwawagay-way pa ang buhok nila na dahilan para tumama 'yon sa mukha ko.

"Excuse me miss,baka pwedeng huwag masyadong iwagayway yung buhok mo?Tumatama kasi sa mukha ko,e" magalang kong paki-usap ko sa kanya. Nilingon niya lang ako pero inirapan niya lang ako ng mata at tinalikuran.

Napabuntong hininga nalang ako. Masyado silang nadadala sa mukha. Bakit hindi kaya nila i-try tumingin sa loob ng isang tao?Kadalasan diyan tayo naloloko,e. Hindi kasi lahat ng nakikita natin ay totoo.

Ilang sandali pa ay ako na ang sumunod sa pila. Nagfill-up lang ako ng form at ibinigay ang printed copy ng resumé ko. Pagkatapos 'non dumiretso ako sa kung saan kumukuha ng litrato para sa school id.

Naghintay lang ako ng ilang oras at ibinigay narin sakin yung id ko. Kailangan kasi kapag pumasok na kami sa lunes mayroon na kaming id lahat.

Lumabas na ako ng office at nakangiting pinagmamasdan ang bago kong id. Bigla akong na-excite pumasok sa lunes!

Habang pinagmamasdan ang id,habang naglalakad,biglang may nabangga ako dahilan ng pagkakahulog ng id ko sa sahig. Matigas na bagay ang nabangga ko kaya alam ko namang tao yun.

"Sorry" saad ko at umupo ako para sana kunin ang id ko pero inunahan niya ako. Pagkaangat ko,hindi ko inaasahang makikita ko ang lalaking ito dito.

"So,Mariana pala ang pangalan mo hah?" nakangising sabi niya habang nakatingin sa id ko. Agad nagkasalubong ang kilay ko.

"Akin na nga yan!" sigaw ko habang pilit na kinukuha ang id sa kamay niya na itinataas-taas pa.

"Mukhang itinadhana talaga,tayo!Nice to meet,you MARIANA~"nakangiting sabi niya ng may pagdidiin sa pangalan ko. Agad kong hinablot yung id ko ng may pagkakataon na.

"Mukhang magkaklase pa tayo,ah?" tumawa siya.

"Nice!" ngising aniya. Hindi ko nalang yun pinansin at tinalikuran nalang siya.

Kapag minamalas nga naman tayo.Ang mundo hindi ko maintindihan. Iyong mga bagay talagang hindi natin inaasahan ang siyang dumadating. Hindi nalang sana iyong inaasahan natin ang dumating. Well,alam ko naman hindi ganun kadali ang buhay dahil kapag ganun,wala ng maghihirap pa.Pero maganda narin yun para matuto tayo at para narin may thrill kahit papaano ang buhay natin. Kadalasan doon tayo natututo. Sa mga challenges.

Napabuntong hininga nalang ako nang biglang tumaas ang balahibo ko habang naglalakad ako pathway ng university. Hindi naman malamig,at humangin at mas lalong wala naman sigurong multo dito.

Ang wirdo ang pakiramdam na ito.

Ewan ko ba kung bakit ganito yung pakiramdam ko.Pakiramdam ko may nakatitig saakin ng matalim. Napalunok ako at agad akong nagpalinga-linga sa buong university pero tanging ang mga nag-enroll lang na estudyante na tulad ko ang nakikita ko pero malayo naman sakin.

Imposible! Matibay ang security ng campus na'to! Baka guni-guni ko lang naman.

Napalunok nalang ako ulit..Bumilis ang tibok ng puso ko sa naiisip ko. Hindi naman siguro siya ang nakatingin sakin. Sana nga hindi siya.

Para akong hinahaunting na tumakbo palabas at nagmadali akong umalis sa university at umuwi ng bahay. Agad sumalubong ang malalaking tawa ni tita Rose.

"Saan mo nakuha ang malaking perang 'yan?" galit na tanong ni Lola. Hindi na ako magtataka kung bakit lagi ko nalang nadadatnan sila na pinapagalitan ni lola.

"Sumagot lang kami sa ilang tanong" tumatawang sagot niya habang ipinapay-pay ang pera sa mukha.

Mukhang pera nga...Haysst.

"Anong mga tanong?" Si lola.

"Well,tungkol iyon kay..."

Hindi na ako ulit nakinig. Dumiretso na ako ng kwarto ko at natulog hanggang mag-gabi. Ginising lang ako ni lola dahil akala ko ay yayayain niya ako para kumain ng tanghalian pero napansin ko agad ang isang bouquet ng red rose na hawak niya.

Mukhang may manliligaw na si lola,ah!
Napangiti nalang ako. Matagal nading wala si lolo kaya hindi naman siguro masama kung maglo-love life siya ulit kahit tanders na siya. Maganda pa naman siya ah.

"Uyy! Si lola may manliligaw!" nakangiting pang-aasar ko pero tumaas ang kilay ko ng iniabot niya sakin ang bulaklak.

"Ligaw! Ligaw ka diyan!Ikaw nga dapat ang tinatanong ko ng ganyan! Sino naman ang manliligaw mo?".Tanong niya.

Umangat ang kilay ko.

"Anong manliligaw lola? Wala po akong manliligaw!" depensa ko dahil wala naman talaga akong manliligaw.

"E,sinong nagbigay niyang sayo?" nguso niya sa bulaklak.Nagkibit balikat na lamang ako.

Tinitigan ko ang bulaklak at may nakita akong maliit na white card doon. Agad ko 'yon pinulot at binuksan.

Bigla akong kinabahan na naman. Hindi ako sigurado kung sino ang nagbigay dahil wala itong pangalan.

See you soon,baby...

Saad nito.sa papel. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay. Pero dalawa lang ang naiisip ko. Si Cris o si Gabrielle.

Ruined Bastards #01: Owned by a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon