Chapter 26 UNEDITED

1.7K 63 12
                                    

Chapter 26
written by syaeinxxan

Mariana's Point of View

"Thanks for helping us to clean our house Mariana.Napaluto ka pa tuloy.Dadating kasi ngayon yung brother ko and tamang-tama lang na maglinis at magluto.I like your recipes and I'm sure magugustuhan ni Little Bro ito." Nurse Anne stated at napangiti nalang akonng bahagya habang hinahalo yung niluluto kong adobo.

"Ako po dapat ang magpasalamat sa inyo nurse anne.Maraming salamat at pinatira niyo kami dito habang hindi pa nagigising si Cris,"

"Cheer up Mariana.Magigising si Cris Okay?At tsaka how many times do I have to tell you na ayos lang ano ka ba?Besides,mabuti at may kasama kami dito sa bahay.Wala si Dad at yung kapatid ko ngayon palang uuwi.Btw,diba nagtatrabaho ka sa airlines?"biglang tanong nito at humarap ako sa kanya na nagbabalat ng patatas habang nakaupo sa island.

"Opo.Isa po akong flight attendant sa Binx Airlines.Bakit niyo po natanong?"

"E,kasi my brother works there.He's a captain.Just asking kung nakita mo na siya doon or nakatrabaho mo na siya doon?"

Sa pagkakaalam ko,wala akong kilalang kapamilya nila doon kaya kung meron man,malalaman ko pero wala naman akong kilala.

Baka sa ibang eroplano nagtatrabaho yung kapatid niya.

"Ano po bang pangalan niya?"

"His name is-" naputol ang sasabihin niya ng biglang pumasok sa kusina si Gian.Nagtataka akong tumingin sa kanya kung bakit ganun nalang ang itsura niya.Parang may problema siya.

"Bakit Gian?Anong problema?"

Naka-crossed arms siyang sumandal sa pinto habang magkasalubong ang kilay.

"Someone's bad mood right now.Better Get out of here.Hintayin nalang kita sa labas." saad ni Nurse Anne at humawak pa sa ulo ni Gian na wala man lang reaksyon.Diretso parin siya ng tingin sakin.

Napapansin ko ngayon nakaraang araw,laging ganito siya.Parang may laging iniisip.Hindi naman ganito si Giana besides, she's friendly at close kay Dra.Bea na kasama niya sa hospital ngayon.

"Tell me, mom? Who's Gabrielle?"

Agad akong natigilan sa paghahalo at nanlaki ang mata ko sa biglang sambit niya.Pano niya nalaman ang pangalan na 'yan?

"S-saan mo narinig 'yan,Gian?"

Napalunok nalang ako bigla.

"Just tell me mom,who is Gabrielle in your life?Is he related to us?"

Hindi niya dapat malaman ang totoo.Wala na siya sa buhay namin at hindi niya dapat aasahan na babalik pa siya gaya ng patuloy na pag-expect kong babalik siya ulit.

Ayokong masaktan si Gian at Giana kapag nalaman nilang...

Si Gabrielle na matagal ng hindi nagpapakita ang tunay na ama nila.

"H-he's just a friend,Gian.Huwag mo na siyang isipin,"

Tumalikod na ako sa kanya pero may sinabi pa siya bago umalis ng kusina.

"I knew he's not mom, he's your love one and not dad Cris.It's so fucking childish but you love him more than dad Cris!"

Biglang lumabas ang butil sa mata ko at hindi ko alan kung bakit.

Nagu-guilty ako ngayon.

"Hindi Gian.Mahal ko ang daddy mo at pwede bang kalimutan mo nalang siya?Wala na siyang koneksyon sa buhay natin."

"Sinabi mo 'yan mom and I don't want to be so officious so it's for you to answer kung totoo ba ang mga sinasabi mo."

Hindi na akong nakinig sa kanya at pinatay ko muna ang kalan bago siya iwan sa kusina.

Ruined Bastards #01: Owned by a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon