Chapter 9 UNEDITED

3.5K 99 8
                                    

Chapter 9
written by: syaeinxxan

Mariana's POV

"Gising na apo" rinig kong sambit ni lola mula sa labas. Napangiti ako dahil boses niya ang una kong narinig. Sa syudad kasi,malamig na tubig agad na sumasalubong sa mukha ko tuwing umaga. Ganun,kabait yung tito ko.

"Good Morning lola!" nakangiting bati ko sabay halik sa pisngi niya nang makababa na ako. Nagluto siya ng sinangag at hotdog.

"Ang sarap naman niyan" ngiting aniya ko habang ang mga mata ay nasa pagkain. Naupo na ako at napansin kong wala pa si tita Rose at Thea. Lunes kaya ngayon, 'no! Wala bang balak pumasok si Thea?

"Morneng!"

Speaking ofThea at tita Rose. Kagigising lang nila at mga mukha silang nakadrugs sa laki ng eyebags nila habang ang mga buhok nila ay todo sa pagtaas. Sure akong hanggang madaling araw sila sa bar kaya ganyan ang mga mukha nila.

Umupo na sila at kumain ng iniluto ni lola. Tahimik kaming kumakain ng biglang may nag-bell mula sa labas. Tatayo na sana ako ng inunahan na ako ni Thea.

"Igan na ata yung order kong bagong loptop mommy" maarteng sabi niya at tumakbo papalabas.Iyan na ata ang pinaggamitan nila ng pera'ng nakuha raw nila sa pagsagot ng ewan kagabi.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain dahil baka ma-late ako sa first day ng kolehiyo. First year collage na ako at apat na taon pa bago ako makagraduate.

Narinig ko ang mabibigat na yapak ni Thea papasok kaya agad akong napalingon sa kanya. Nakabusangot siya habang may dalang red roses. Bigla akong kinabahan dahil baka 'yon ay para sakin. Kagaya rin ito ng unang bulaklak.

"Hindi naman pala loptop,e!Hmmp!"

Ungot niya.Lalo akong kinabahan ng pabagsak niyan itapon sakin ang roses.

"Oh!Distorbo ang letcheng roses na yan!" sabi niya at nakabusangot na naupo.

"P-para sakin 'to?"tanong ko. Hindi ako sigurado pero sana nga hindi ito tulad ng iniisip ko.

"Pake ko?" sarkastikong sagot niya ang nag-rolled eyes.

"Nakow!Yang apo niyo,mama. Naglalandi na,kadadating lang!" singit naman ni tita Rose habang kinakamay iyong sinangag sa pinggan niya.

"Hindi naman siya naglalandi. Sila ang lumalandi sa kanila. Sa ganda ba naman niyan ni Mariana? Naku,kung nandito lang sana ni Niña sigurado akong pagkakaguluhan silang dalawa dito!" nakangiting aniya ni lola. Agad naman akong napatungo at nakaramdam ng guilt at sama ng loob. Hindi ko masabi-sabi kay lola dahil asa'ng-asa pa siyang buhay si ate. Ayoko siyang masaktan pero kailangan niya din malaman na patay na si ate. Na pinatay lang siya ni Gabrielle.

"Syempre mas angat ang anak ko,'no!Walang-wala sila kay Thea!" pagmamayabang ni tita sa anak niya.

"Tch!Maganda nga pero kaladkarin naman! At ikaw ang nagturo non sa kanya" sagot ni lola.

Agad ko nalang tinapos ang pagkain at isinawalang bahala nalang ang rose na 'yon. Itinapon ko nalang ito sa labas pagkatapos maligo at nagpalit na civilian clothes. Isinuot ko na ang I.d ko at isinakbit ang shoulder bag tsaka pumara ng jeep.

Hindi ko na hinintay si Thea dahil baka siya ang dahilan upang hindi ako makapasok ng maaga o baka malate pa ako. Sabagay,hindi naman kami close kaya ayos lang naman saakin. Hindi ko lang alam sa kanya.

Pagkatapos magbayad bumaba na ako ng jeep at pumasok pagkatapos ipakita ang id ko sa mga guards.

Habang naglalakad papuntang room ng college na kakikita ko lang din sa Bulletin board ay biglang may tumawag sa pangalan ko.. Boses lalaki.

"Mariana!" sigaw nito. Agad akong napalingon kung saan nanggagaling ang boses at agad nagkasalubong ang kilay ko pagkatapos makita kung sino 'yon.

Agad ko siyang tinalikuran pero nahabol parin niya ako.

"Hey!Mariana nagustuhan mo ba yung pinadala kong roses?" tanong niya na nagpahinto sakin. Hinarap ko siya at tinignan ko siya ng may nagtatakang mukha.

"Sayo nanggaling 'yon?" Agad na tanong ko.

"Oo,bakit?" Ngumiti siya at ako naman nakahinga ng maluwag. Hayyst.

"Mabuti naman..." bulong ko.

"Anong sabi mo?" nakangiti niyang tanong pero hindi ko nalang siya pinansin at tinalikuran nalang siya papuntang room.

Nakasunod siya sakin kaya tunignan ko siya ng magkasalubong ang kilay.

"Ano?Susundan mo ba talaga ako hanggang dito?" tanong ko.

"Tch!This is also my room,baby" napatulala ako sa paraan ng pagsasalita niya. Agad pumasok sa isip ko ang mukha niya habang nakangisi na puno ng dugo ang mukha niya.

Siya...

"Hey!Hindi ka ba papasok?Balak mo bang magklase sa labas?" nabalik ako sa ulirat ko sa boses niya kaya dumiretso nalang ako sa room at iniwala siya sa isip ko.

Lahat ng nakikita kong mukha sa loob ng room ay bago maliban sa mayabang na ito na naisipan pang tumabi saakin. Hindi ko nalang siya pinansin at ibinaba ko nalang ang bag ko sa mesa tska inilabas ang notebook ko at isinulat ang time schedule na nakasulat din sa white board.

"Mariana,Do you have a boyfriend?"

"Where are from?"

"Anong bussiness ng family mo?"

"Dito ka ba nakatira?"

Bwusit! Naiinis na ako sa sunod-sunod niyang ungot. Nangangati ba ang tainga ko sa boses niya! Ang tagal naman kasi yung professor namin,e. First day na first day alangan naman late?

Maya-maya pa...

"Kyahhhhhh!"

"Owemji!ampogi ni sir!"

Napalingon ako sa sinisigawan ng mga babae sa bagong dating na tao. Kung hindi ako nagkakamali ayon sa tilian nila, siya ang bagong professor namin.

"Tsh!'Di hamak na mas gwapo naman ako kesa diyan!" ungot ni Cris sa tabi ko pero hindi ko nalang siya pinansin ulit.

Tumingin ako kay professor na bago. Medyo hindi ko makita ang mukha dahil nakatungo siya habang may tinitignan sa libro.

Pinagmamasdan ko siya ng maayos. Nakasuot siya ng eyes glasses habang ang suot niya naman ay long green sleeves na nakatupi ng kaunti sa kanyang bisig habang nakatock-in pa sa black pants niya. Masasabi kong gwapo nga siya kung tititigan mo ng maayos.

"Kyahhhh!!Sir amgwapo mo~"

"Sir,pasave number mo~"

Sigawan ng mga tao sa loob lalo na ang mga kababaihan at kabaklaan.

"Kyahhhh!!Angwapo ng dimple mo sir~" napatingin ako sa sigaw ng isang babae sa kanya.

Pagtaas ng mukha niya samin,nanlaki agad ang mga mata ko sa gulat kasabay ng bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko na naririnig ko na ngayon.

Nagugulat ako sa nakita ko ngayon.

Totoo ba 'tong nakikita ko?Siya ba 'yan?

Ang mga ngiti niyang 'yan.

Ang mga mata niya.

at mukha niya.

Gabrielle?

Panong nangyaring?

"Hey! Mariana!?Are you okay?" Nabalik ako sa realidad ng tapikin ako sa noo ni Cris.

"O-okay lang ako" utal na sabi ko habang hinahabol ang hininga sa kaba ko. Parang naiiyak pa ang mga mata ko sa gulat at kaba.

"In that case?" Pinag-aralan niya anv mukha ko. "Nope! You're not okay!" pagkasabi niya agad siyang tumayo at humarap sa professor namin.

"Sir,Mariana is not feeling well,so can you let me take her to the clinic?" tanong niya sa kanya. Agad akong napatungo at bahagyang nagtago sa likod ni Cris.

"Nope.Let me" saad niya. Nanlaki ang mata ko ng naririnig ko na ang yapak niya papalapit sakin.

Ruined Bastards #01: Owned by a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon