Chapter 4 UNEDITED

4.7K 120 20
                                    

Chapter 4
written by: syaeinxxan

"YOU damn flirty woman!!"


Pagkarating ng bahay agad niya akong idinala sa kwarto at doon pinagsasampal na naman ulit. At iyak na naman ulit ang magagawa ko.


"GINUSTO MO YUN DIBA?!" sigaw niya habang ang mukha ay tila sa demonyo. Wala, iyak lang ang kaya kong magawa. Habang nag-aalalang baka ako na ang sunod.


Hindi ko maintindihan kung bakit kanina ay kaya niyang pumatay para sakin pero bakit ngayon? Bakit ako na ang mukhang papatayin niya? Bakit iniisip niyang ginusto ko ang paghaplos sa likod ko ng lalaking pinatay niya?

Wala naman akong ginawa pero ganito na siya.


"H-hindi...Hi-hindi!" Utal na saad ko habang lumuluha.


"Pffft!Hahahaha!" tumawa siya at biglang nagbago at sumeryoso ang mukha niya "I'M NOT FOOL!" matigas niyang sabi at sinampal ulit ako. Namanhid ang pisngi ko.


"H-hindi kita niloloko, Gabrielle. Hindi ko kilala yung lalaking iyon!" Bukas tapang kong sigaw sa kanya habang umaatras sa kung saan sa loob ng kwarto hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader.


"I AM SO FULL ABOUT YOU WOMAN!.I'LL KILL-" Natigilan siya nang mapahawak sa kanyang buhok.

"FUCK!"


Ito na naman siya.


Pagkakataon ko ng tumakas.


Itinulak ko siya ng marahas para makalabas ako sa kwarto. Nanginginig akong tumakbo at bumaba ng hagdan para makalabas ako ng mansyon ngunit mayroon akong nakitang gwardiya kaya't hindi ako tumuloy sa daang iyon.


Tanging ang kaba takot at nangangambang mapatay ang nararamdaman ko kaya't inisip kong kung paano ako makakatakas.


May nakita akong isang pintuan sa bandang likod at salamat at walang nagbabantay roon, pero pagkalabas ko ay may nakita akong parang simbahan..May nakadikit na cross sa taas nito ngunit pabaligtad.

Hindi ko alam na mayroon palang ganito sa lugar na ito..Sa sampung araw ko dito sa impyernong ito,ngayon ko lang nakita ang lugar na to.

Agad akong naglakad doon at lumapit.


Ang pintura ng parang simbahan ay purong itim. May apoy sa gilid-gilid at kung titigan mo ay matatakot ka na.Biglang tumayo ang balahibo ko ng humangin ng malakas.



"COME HERE BITCH!! "


Narinig ko ang pagsigaw ni Gabrielle ng makalapit sakin kaya't wala na akong nagawa kung hindi pumasok sa simbahang iyon kahit nangangamba ako sa lugar na 'yon.


Ipinapangako ko sa sarili kong hindi ako mamatay sa kamay niya. Kahit na anong mangyari, hindi ako papayag na mapatay niya ako.

Pagkapasok sa simbahang iyon, halos malaglag ang puso ko sa nakita ko sa loob. Masangsang ang amoy na tila amoy ng nabubulok na katawan.


Ang pader ng lugar na iyon ay nagmistulang napinturahan ng pulang pintura ngunit hindi 'yon pintura dahil dugo iyon.



Tumaas ang balahibo ko nang masulyapan ang nakasulat sa pader gamit ang dugo.



'DIE!'


Napayakap nalang ako sa sarili kasabay ng paulit-ulit kong paglunok. Nakakatakot! Pero mas uunahin ko pa bang maniwala sa mga multo kaysa sa taong hindi magdadalawang isip na patayin ako?



Ruined Bastards #01: Owned by a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon