Chapter 29 UNEDITED

1.9K 78 19
                                    

Chapter 29
written by syaeinxxan

Mariana's Point of View

Hindi parin ako makapaniwala sa mga ginagawa ni Anghelita sakin kaya I prefer na hindi siya pansinin.Pati narin si Rios na lagi niyang kasama na kulang nalang pagbuhulin yung mga katawan nila sa isa't isa.

Hindi ako nabubuwisit pero naaasar ako.Hindi ko alam kung bakit!

Ilang buwan narin hindi kami nagkakausap ni Rios because I know wala namang dahilan at simula non,ang bigat na ng nararamdaman ko.Pilit ko lang tinatago sa tuwing nakikita ko silang masaya,naghahalikan,at nagtatawanan sa isa't isa.

Sina Gian and Giana naman ay umuwi na sila ng pilipinas kasama si Nurse Anne.Mas mabuting doon muna sila kay lola.Malapit narin ang schooling.

Si Cris naman, hangang ngayon,wala paring malay.Ni hindi ko nga alam kung kailangan siya magigising.Minsan,nawawalan na ako ng pag-asa.Ayoko siyang nahihirapan pero ayoko rin siyang mawala sakin.

Pero,kakayanin kong maghintay.Para sayo,Cris.I'll wait 'till you wake up.

Habang nagtutupi ay nagsasalansan ng ilang damit ni Dra.Bea sa closet niya.Aksidente kong nahulog ang isang framw mula sa closet at nabasag ito sa sahig.

Dali-dali akong umupo para kunin yun at napadaing nalang ako ng mahawakan ang bubog.

"Minamalas ka naman,oh!" Sabi ko sa sarili at pinulot yon.Baka magalit pa si Dra.Bea sakin.
Dahan-dahan kong pinulot yung frames at nung picture.

Namataan ko naman kung ano yung nasa picture.Nangunot ang kilay ko ng makitang isa itong lalaking naka-patient uniform na may maraming nakakabit sa ulo at nakabandage ang noo nito.Mahimbing itong natutulog at tila parang langtang gulay.

"This isn't,Rios," sabi ko ng hindi talaga si Rios 'yon.Mas lalo ko itong tinitigan ang agad nanlaki ang mga mata ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng paghigpit ng puso ko.

"G-gabrielle?"

Napailing-iling ako.

"Hindi!Hindi siya,'to!Ano ka ba, Mariana!"

Natigilan ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko.Agad ko itong kinuha sa kama at sinagot ito.

"Mariana!Come here!Cris is critical!"

Hindi agad ako nakasagot.Halo-halo ang mga emosyon sa puso ko.Hindi ko maintindihan,naguguluhan ako!

Hindi ko alam kung ano o sino ang dapat kong uunahin sa kanila!

"Mariana! Bilisan mo!"

Nang matauhan ako sa boses ni Dra.Bea.Patakbo akong lumabas ng kwarto at agad kinuha ang kotse ni Rios.Wala akong pakealam kahit magalit siya!

Napapaluha akong pumasok sa hospital at tinungo ang kwarto ni Cris at naabutan ko si Dra Bea kasama ang ilang doctor na nakatayo roon at nakatungo lang habang si Dra.Bea ay napapailing habang lumuluha.

"A-anong nangyari?" Kinakabahan at utal kong tanong sa kanila.

"Mariana,"agad akong sinalubong ng yakap si Dra.Bea ng yakap habang humikhikbi.Napaluha nalang ako ng marinig ang bulong niya sakin.

"He's gone, Mariana.Cris is gone..."

"N-no!"sigaw ko at agad kumalas sa yakap para puntahan si Cris sa kama niya pero niyakap ako ni Dra.Bea ng mahigpit.

"Wala na siya, Mariana." Napaupo nalang ako sa sahig habang napayakap sakin si Dra.Bea kasabay ng hagulgol ko at paghilamos ng sariling kamay sa mukha ko.

Ruined Bastards #01: Owned by a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon