Chapter 17 UNEDITED

2.3K 66 5
                                    

Chapter 17
written by syaeinxxan

Mariana's Point of View

"Gabrielle!!! Buti at ligtas ka!"nakangiti at agad akong yumakap sa kanya sa saya na makita siya ulit.Hinigpitan ko ang yakap ng dalawang kamay ko sa katawan niya kasabay ng luha ko na bumuhos sa suot niyang grey suit sa sobrang saya ko.

"What the! How dare you hugging my fiance!?" napadaing ako nang biglang may humugot sa buhok ko dahilan para mapahiwalay ako roon at mapaupo sa sahig.

"You filthy Bitch!!" Hindi pa ako nakakatayo ay agad dumapo ang kamay niya sa mukha ko.Napahawak nalang ako sa pisngi ko.Pakiramdam ko namamanhid pa ito sa lakas ng sampal.Tumingin ako sa babae at yun ay ang sinasabing fianceé ni Gabrielle
Maganda siyang blonde'ng babae at sosyal ang pananamit nito.

Imbis na tulungan ako ng mga taong nagsisilapitan sa direksyon namin,mas inuna pa nilang magchismisan tungkol sakin at 'yong iba ay masama ang tingin sakin at paniguradong iniisip nilang malandi ako.

"Mariana,okay ka lang?" tinulungan ako ni Ayah na tumayo at agad pinagpagan ako.Tumango ako at tsaka muling tumingin sa babae at kay Gabrielle.

"Ms.Mali po ang iniisip niyo, masaya lang kasi ako masyado na makita si Gabrielle ulit"aniya ko habang napipilitang ngumiti at nakangiti sa kanya pero nakataas lang ang kilay niya na para bang natatawa.

Narinig kong suminghal yung babae at tumaas agad ang kilay nito kasabay ng pagkapit sa braso ni Gabri5.

"What an idiot! Magdadahilan ka na nga, bulok pa! He's not Gabrielle or what ever! He's Elle Alexis! My fiance! "sigaw niya sakin at lumapit sakin para itinulak-tulak ako.

Napabuntong hininga nalang ako.Hindi naman sa inaagaw ang fianceé niya,masaya lang akong makitang ligtas siya at nakalaya siya sa kulungan ng maayos.

"Naiintindihan ko kung ayaw mo na akong makita Gabrielle pero sana malaman mo na masaya ako sa bagong buhay mo."saad ko at ngumiti sa kanya.

"I'm sorry Ms.Mariana, I'm not Gabrielle...baka napagkamalan mo lang siguro ako"putol niya.Bumuntong hininga nalang ako ng malalim.

Ayos lang sakin kahit hindi na niya ako kilala tutal wala naman ng dahilan.

"Kung ganon,pasensya na po...napagkamalan ko lang siguro kayo." ngumiti ako yumuko ako ng bahagya bilang paggalang at paghingi ng tawad sa kanila at tsaka tumalikod na pero bago pa man din ako makaalis agad may humawak sa braso.

"Mariana,wait!"Lumingon ako kay Mr.Elle at nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Bakit po?"maalumanay at magalang na tanong ko.

"You're the winner so I want to invite you in my engagement party"

"Po?"hindi siguradong tanong ko at tsaka napatingin sa fiancee niya na binilugan lang ako ng mata.

"It's a reward, Mariana" ngumiti ito sabay abot ng kulay red na invitation card.Tumitig ako ng bahagya invitation card bago ko 'yon kinuha.

"Sige po" sagot ko.

Binitawan na niya ang braso ko at tumalikod na ngunit ramdam ko parin ang titig mula sa likod ko. Kung hindi ako nagkakamali, Yung fianceé niya ito.

Hindi na ako tumingin pa at umuwi nalang kami diretso papuntang syudad ng mga anak ko.Wala pa si Cris pagdating namin kaya napagpasyahan kong tawagan nalang siya.

("Yes, honey?")

Napangiti ako dahil agad niya na yon sinagot.Humiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame habang pinapakinggan ang boses niya.

Ruined Bastards #01: Owned by a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon