Chapter 22 UNEDITED

1.8K 65 17
                                    

Chapter 22
written by syaeinxxan

Rios Hart's Point of View

"Teka, hon! May tao ata!"

Nagising ako sa mga boses na naririnig ko mula sa taas kaya't agad akong napamulat.Sinag na ng araw ang agad na tumama kaya't bahagya akong napapikit bago makita ang dalawang tao sa taas mula sa butas kung saan kami nahulog ni Mariana.

Napatingin naman ako sa kanya,mahimbing siyang natutulog sa tabi ko suot-suot ang ang white uniform ko na pinasuot ko sa kanya.

Kahit tulog,ang ganda parin.Hayy.Kailan kaya ako magkakaroon ng ganitong babae?

Napabuntong hininga nalang ako nang bahagyang pumasok sa isip ang nangyari kagabi.Kung paano siya umiyak habang hinahalikan ko siya.

Nagtataka ako kung bakit siya umiiyak and then I feel sorry when she told me about her family.Her fiance and her two kids.Pakiramdam ko,napakasama ko.Mayroon na siyang pamilya pero nagawa ko parin 'yon sa kanya.

Such an asshole Rios!

Such an jerk heart!

Ni hindi ko man lang naisip ang mararamdam ng iba.

"Ah,hello?"

"Ahm, kailangan niyo ba ng tulong.diyan?" rinig kong sigaw ng dalawang tao sa taas.Dali-dali naman akong tumayo ako mula sa pagkakaupo at tsaka humingi ng tulong sa kanila.

"Yes please help us!" sigaw ko.

Dali dali naman silang naghanap ng lubid na pwedeng paghila samin.Habang naghahanap sila sa taas ay ginising ko na Mariana mula sa pagkakatulog.

Umungol siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata siya.Agad namang nagtama ang mga mata namin sa isa't isa kaya't agad akong umiwas.

Gusto ko pa sanang titigan ang mga 'yon,pero baka mas lalong magmukha lang akong gago.

"Wake up,sleepy head," aniya ko habang hindi parin tumitingin sa kanya.Kahit nakatalikod ako,nararamdaman ko parin ang mga titig niya sakin ngunit hindi parin ako tumitingin. Ewan ko ba, magmula ng malaman kong may anak at asawa na siya, pakiramdam ko ang gago ko na nga.

I felt like everytime I admire her from afar,I sined.

Imagine, I'm stole'ng someone's property? Damn! I'm not like that! Oo gago ako pero hindi ako yung taong aagaw ng isang bagay na hindi naman akin. I'm not that desperate hungry thief na kukuha ng mga bagay-bagay kapag gutom.

"Umakyat kayo dito!"

Nang makabalik na ang dalawang taong tumulong samin which is actually mag-asawa.Pinaakyat ko si Mariana sa lubid habang hinihila naman nila tsaka naman ako sumunod.

"Salamat po," saad ni Mariana sa mag-asawa.They look like in 40s aged at it seems mababait sila.

"Nothing to worry,iha" aniya naman nung matamdang babae na nagngangalang Remi at 'yong asawa naman niya ay Rex.

Sila pala ang nagmamay-ari ng isla at saktong bumisita lang pala sila dito.They noticed our dirty clothes at rinig na rinig ang tiyan kong tumutunog na.

"Haha,gutom ka na,iho.Halika kayo sa rest house namin."

Inimbita nila kami sa rest house nila-na hindi ko man lang nakita ng mas maaga-at doon muna nagpahinga at kumain.

Binigyan nila kami ng extra clothes at tsaka kami naligo at kumain.Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom because usually,hindi ako nagugutom.Lagi akong busog at hindi ko hinahayaang tumunog ang tiyan ko.

Ruined Bastards #01: Owned by a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon