Chapter 12 UNEDITED

3.2K 96 18
                                    

Chapter 12
written by: syaeinxxan

Mariana's Point Of View

"O-oo... Hindi ka karapat-dapat mahalin at magmahal! !" Humihikbing aniya ko sa harap niya.Ngumiti ako ng pilit sa harap niya."...at kahit kailan hindi kita mamahalin!" Huling saad ko at tuluyan na ngang nilisan ang classroom na 'yon.

Sobrang naguguluhan ang isip at puso ko kaya hindi ko na naisipan pang pumasok sa ibang klase ko hanggang uwian na ng hapon.

"Mariana!!" nilingon ko kung sino ang sumigaw habang naglalakad ako sa pathway papauwi.Si Cris.Baka siguro hinahanap na naman niya sakin si Veronica.

"Bakit?" tanong ko habang hindi tumitingin sa kanya nang magkatapat na kami.Narinig ko siyang suminghal kaya napatingin ako sa kanya.

"You know what? Para akong natrauma sa ulo kanina"kwento niya habang nakikita ko parin sa mga mata niya ang kaba at takot."... Saan mo pala 'yon tinago?" dagdag pa niyang tanong.

Napatigil ako bigla at tumingin sa kanya.

"Bakit?Anong gagawin mo doon?" Agad na tanong ko at ipinagpatuloy ang paglalakad habang sumasabay parin siya sakin.

Ayoko kasing madamay pa siya.Ayokong pakealaman niya pa ang mga ganong bagay dahil hindi malabong madamay siya.

"Wala lang.Tinatanong ko lang kasi baka mangangamoy 'yon kapag nagtagal. Are sir Gabby, really sure na hindi na pwedeng Ireport? What I mean is, bakit naman niya itatago? "nagtataka siyang tumingin sakin pero diretso parin ang tingin ko sa daan.

Mas mabuting sundin mo nalang siya bago bumaliktad ang sitwasyon mo, Cris...

"..At tsaka hindi ka ba natatakot na baka, magparamdam nalang sayo 'yon?Yung dumating pa sa puntong nasa tabi mo na siya sa kama!? Geezz! Scary!! "Umakto siyang parang natatakot habang niyayakap ang sarili pero hindi ko 'yon pinansin.

Mas natatakot ako sa kanya. Kung anong kaya niyang gawin para idamay niya pati pamilya ko.

"Pero mas natatakot akong hindi mo ako sagutin,Mariana!Pwedeng manligaw?"nagulat ako sa prangkang tanong niya.Tinignan ko nalang siya at isinawalangbahala 'yon.

"Hindi pwede, Cris" huling aniya ko at nagkahiwalay na kami sa gate.Pero pa kami nagkahiwalay,nagbigayan pa kami ng number para daw sa copy ng discussion kaninang hindi ako umattend sa klase.Ibinigay ko nalang dahil kailanga ko din naman 'yon,kahit papaano.

Pagkarating ng bahay,hindi pa ako nakakapasok ng pinto,malakas na tawa na naman agad ulit ang naririnig ko. Si tita Rose na naman ito at mukhang marami na namang kinita.

"Ang galing natin anak!" Masayang sigaw ni tita Rose.Tumawa naman si Thea.

"I know right!Ang yaman talaga nung lalaking 'yon noh ma?Buti nalang at tungkol lang kay Mariana lang ang tinanong satin! O edi nagkaroon na tayo ng pera! Hahahah! May silbi din pala ang babaeng 'yon!"

Napatigil ako at agad nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa kanila.Kung ganon,sila ang nagsabi kung saan ako nakatira?!

"... Pero nakakapagtaka lang.Ano kayang kailangan niya kay Mariana? Boyfriend niya ba 'yon?Sayang ang cheap ng taste kung si Mariana pa! Di nalang ako! Di hamak na mas maganda ako kesa sakanya 'no-*BAM!"

Padabog kong binuksan ang pinto at silang dalawa ay napatigil sa pagbibilang ng pera sa mesa ng sala.Agad nangunot ang noo ni tita Rose habang nakatingin sakin.

"Bastos kang bata ka!!Pwede ka namang pumasok na hindi dinadarag ang pinto!Nakikitira ka lang dito!Buwusit!"sigaw niya sakin.Diretso lang ako ng tingin sa kanila habang nakakuyom ang kamay ko sa sobrang sama ng loob ko..

Ruined Bastards #01: Owned by a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon