Chapter 10 UNEDITED

3.6K 90 35
                                    

Chapter 10
written by: syaeinxxan

Mariana's Point Of View

Lumapit siya saamin at bahagyang pinaalis si Cris sa harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko para alalayan. Iba ang pagkakahawak niya, hindi ito mabigat dahil mahinhin lang ito.

Hindi ako makatingin sa kanya habang naglalakad kami papunta ng clinic. Pakiramdam ko,mamamatay na ako ngayon. Pakiramdam ko nasasakal ako.

"What's your name, young lady?" biglaang tanong niya. Nataranta ako dahil parang hindi niya ako kilala. Kung ganun, hindi siya si Gabrielle? Hindi ba talaga?

"A-ako po si Mariana Friaz, sir" magalang na sagot ko sa kanya. Paulit-ulit akong napapalunok sa tuwing tumitingin siya sakin.

"Ang lamig din ng kamay mo, Mariana." Mahinhin na saad niya. Oo,para nga siyang ibang tao pero paano kung siya talaga ito? Papatayin na ba niya ako ?

Ilang sandali pa ay nakarating na kami ng clinic. Agad na sumalubong saamin iyong nurse na malagkit ang tingin sa kanya. Binigyan niya ako ng thermometer sa kili-kili habang kumukuha sa gamot sa cabinet.

"Wala kang lagnat. Ninenerbyos ka lang miss." aniya pagkatapos tignan ang normal kong temperature at ibinigay sakin ang gamot.

"Siguro ninenerbyos ka sa kapogian ni Prof. Gabby, ano?" Pabulong niya sabi.Napatingin naman ako sa kanya.

"Gabby?" takang tanong ko.

"Oo,yong teacher na nagdala sayo dito. Si professor Gabby Gomez, iyan!" paliwanag niya habang nakangiting pinagmamasdan si sir Gabby raw na naka upo sa isang upuan.

Kung ganon,hindi siya si Gabrielle na kilalako? Nakahinga ako ng maluwag ng malamang hindi siya ang naiisip ko. Dahil baka magkamukha lang sila.

Pagkatapos kong makapagpahinga,um-okay na ang pakiramdam ko kaya bumalik nalang kami ng classroom.

"Sana lahat sinamahan ni sir~"

"Sir, masakit ang ulo ko~"

Iyan ang pinagsasabi nila ng dumating kami sa room. Natawa pa si sir Gabby pero hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa upuan ko kung saan nakikita ko na naman si Cris. Pakiramdan ko nai-stress ako kapag nakikita ko ang mukha niya.

"Okay ka na ba?" May pag-aalalang tanong niya.

"Oo.Salamat" kahit naiinis ako sa kanya. Kailangan ko ding magpasalamat kasi kahit papaano,natulungan niya ako.

Ngumiti siya."Of course... it's for the sake of my future wife" mahanging sabi niya.Inismidan ko lang siya at hindi ko nalang siya pinansin tsaka nakinig nalang sa discussed ni sir.

Ngayon ko lang napatunayan na hindi nga siya si Gabrielle. Ibang-iba si Gabrielle sa kanya. Ang bawat galaw ni sir ay mahinhin maayos magturo at sa tingin ko,matalino. May dimple siya gaya rin ni Gabrielle kaya nga lang wala akong nakikitang bakas sa kanya ni Gabrielle bukod sa mukha pero sa pananamit, pananalita,at galaw niya,ibang-iba talaga.

Kampante akong nakinig sa discussed niya nang hindi natatakot,kinakabahan,at napa-praning dahil alam ko at kampante akong hindi siya,siya.

Ilang sandali pa,nagbell na na hudyat ng break time. Agad naman akong niyaya ni Cris, pumayag nalang ako dahil parang pasasalamat narin kahit papaano.

Napansin kong hindi parin umaalis si sir kaya nilapitan namin siya at tinanong.

"Sir,hindi po ba kayo magbi-break time?" tanong ko. Ngumiti siya samin. Ibang-iba talaga.

"Sige lang Ms.Friaz,susunod ako. May aasikasuhin lang ako" sagot niya.Nagpaalam na kami at pumunta sa cafeteria.

Nag-order si Cris ng pagkain sa counter habang ako ay naghihintay sa mesa. Ilang sandali pa ay dumating na siya sabay lapag ang inorder niya saamin.

Ruined Bastards #01: Owned by a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon