(Meeting his friend's first child)
"Good morning tita!" bati ko kay tita na nagpe-prepare ng lunchbox para kay Ahra. Maaga nang umalis si tito dahil may photoshoot daw ang BTS.Kagabi ko lang nalaman na Executive Assistant ni Mr. Bang Shi Hyuk si tito kaya pala kilala siya ni Jimin kahapon. Pocha kung alam ko lang! Nako sana nagtrabaho na ako doon. 7 years na din mahigit na assistant daw si tito. Hindi pa daw masyadong sikat ang kompanya ni PDnim eh assistant na si tito. Girlfriend palang niya noon si tita at nung nag debut na lahat ng members eh doon na nila napag-isipan magpakasal. Yun ang kwento nila kagabi! Kaya pala minsan eh nadadalas ang pang-iinggit ni tita kapag nakakakuha siya ng litrato ng Bangtan at sinisend sa'min!
"Oh, magandang umaga sa'yo... Kamusta ang tulog mo?" nilagay na niya ang lunch box sa bag ni Ahra at humarap sa direksiyon ko. Nilagay naman niya ang dalawang slices ng Egg sandwich sa lamesa.
"Okay naman po tita namamahay lang nang kaunti pero nakatulog naman kaagad. Teka, Ihahatid niyo po si Ahra sa School nila?"
Kumuha ako ng egg sandwich sa lamesa at inubos iyon kaagad. Sasamahan ko nalang si tita maghatid kay Ahra para naman ay malibang ako.
"Oo, sama ka? Sa susunod na buwan pa naman ang simula ng klase mo," yaya niya sa'kin.
Syempre di na ako tumanggi. Tumayo ako kaagad at nagtoothbrush. Sinout ko na rin ang bonet ko at coat dahil malamig sa labas.
Si Ahra ay handa na rin kasi bitbit na niya ang bag niya.
"Kaja!"
[Kaja=let's go]
"Siya nga pala, nasa loob lang ng village itong kindergarten kaya di na natin kailangang sumakay." ani ni tita habang naglalakad kami sa gilid ng daan.
"Sige po tita..." ilang minuto rin ang nakapilas bago kami tuluyang nakarating sa Kindergarten.
Wow! Ang ganda rin ng school nila. Tapos sa gilid nun ay playground at garden. Dali-dali namang tumakbo si Ahra sa direksiyon ng teacher niya.
"Good morning teacher!" Ahra bowed.
Nagbow na rin kami nang bumaling sa'min yung teacher. Ilang minuto pa ay iniwan muna kami ni tita para makapag-usap sila. Si Ahra naman ay hinila ako papunta kung saan.
"Ate, may ipapakilala akong friend ko!"
"Ah okay, sino?" nagpahila ako sa kaniya hanggang sa umabot kami sa batang babae na nag-aayos ng pencils nito. Mahaba ang buhok niya at itim na itim. Naka-ponytail na may kasamang ribbon na malaki ang nakatali sa kalahati ng buhok niya.
Ang gandang bata naman neto.
"Ahrashiii!" bigla itong tumakbo papunta sa direksiyon namin. She went to hug Ahra first and kissed each others cheeks.
Ang cute!
"Eunjooniiiee bogoshiposoo!" maarteng sabi ni Ahra.
"Nado! It's been a while since I'm absent for a week!"
Wow magaling mag-English. LOL. Katono niya si Namjoon!
"By the way, this is my cousin. Unnie Angel, she's from the Philippines!"
"Anyeonghaseyo, nice to meet you!" magiliw kong bati sa kaniya.
Ngumiti rin siya at niyakap nalang ako bigla.
YOU ARE READING
1 𝐈 𝐖𝐚𝐬 𝐇𝐢𝐬 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐅𝐚𝐧 » 𝐏𝐉𝐌
Fanfiction1 Not even planning on meeting her bias despite of living in the same country as them. but her Asthma happened and who would thought that this incident would be the best thing that ever happened in her entire life. Date Published: January 19, 2021 D...