(Angel's POV)
“Aghhh, nomu appayo!” reklamo ni Jia habang naglalakad na kami ngayon papunta sa Van na sasakyan na'min pabalik ng Seoul.
“Yan kasi, andami mong nainom kagabi... nahirapan pa ako sa'yo. Ang bigat mo pa!” binatukan ko siya.
“Ni hindi nga kita naalala kagabi. Parang iniwan mo nga ako eh!” sabi niya pa habang nakahawak parin sa ulo niya.
Napairap naman ako.
“Anong iniwan! Tinawagan ko anak ko, langya ka! It's not even my fault if you're a drunk woman!”
“Hmp! F.O. na tayo!”
Nagpapapadyak siyang umalis at naunang umakyat sa Van. Nauna nang umalis yung members sa location dahil ini-film pa kasi yun. Pinagtatawanan naman siya ng ibang mga katrabaho na'min.
Sumunod na rin ako sa kaniya kalaunan. Hindi rin naman tumagal ang byahe at nakarating na rin kami sa seoul.
“Jalgayo, josimhaeyo, Director-nim! See you on Monday!” paalam ng isa naming kasamahan.
[Translation: Goodbye, take care Miss director! See you on Monday!]
“Ne, Jalgayo!” paalam ko bago nagpaalam na.
Sa tapat ng stop na rin ako naghintay ng masasakyan. Sumakay lang rin ulit ako ng Cab para makarating sa Village.
“Good morning Tita Anny!” bati ko kay tita bago naupo sa sofa at tinanggal ang coat ko.
“Oh Angel, Nandito kana pala. Good morning din. So, kamusta ang stay niyo doon?” tinapos ni tita ang pagcho-chop at nilagay na ang mga gulay sa kawali.
“Okay lang naman po. Nakakapagod lang pero kaya naman. Si Seiichi po nasaan?”
“Day-off ng Tito mo ngayon, pinasyal niya muna si Seiichi sa labas. Sa School naman ngayon si Ahra kaya tayong dalawa palang ang tao rito.”
“Ahh, ganun po ba... maliligo lang po ako at tutulong sa'yo mamaya tita,” tumayo na rin ako at dinala ang bag ko sa kwarto. Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa banyo para maligo. Naglinis na rin ako ng kwarto at nagligpit ng mga stuff toys na nakalatag sa sahig.
After ng kwarto ay tumulong na rin ako sa paglilinis ng bahay. Tinapon ko na rin sa garbage bin ang mga basura sa loob. I took off my mask and throw it on the garbage bin too.
“Salamat jel, oh sige na kumain na tayo. Maghugas kana ng kamay mo at kakain na tayo.”
“Eh sina Tito po hindi pa po sila uuwi?” tanong ko bago umupo na sa katapat na upuan ni tita sa mesa.
“Wag kana mag-alala diyan masyado. Si tito mo na bahala sa kakainin ng baby mo.” pag-aassure ni tita bago sinimulan na ang pagkain.
I just shrugged and continued my eating.
Hapon na rin nakarating sila tito. Uuwi lang rin kami sa apartment ko after dinner so may 2 days pa ako para magpahinga kasama ang anak ko.
“Cuddle mommy,” aniya habang nakahiga na sa kama namin.
I gave him his milk and I also laid on the bed beside him. We are currently watching cartoons on my laptop and silently tapping his hips to let him sleep.
YOU ARE READING
1 𝐈 𝐖𝐚𝐬 𝐇𝐢𝐬 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐅𝐚𝐧 » 𝐏𝐉𝐌
Hayran Kurgu1 Not even planning on meeting her bias despite of living in the same country as them. but her Asthma happened and who would thought that this incident would be the best thing that ever happened in her entire life. Date Published: January 19, 2021 D...