Chapter Thirteen

32 3 0
                                    

•Jungkook and Jimin's argument•

"I helped them to be okay, but I failed to talk to him that day,"

Angel's POV

"Good morning tito... si tita po?"

"Good Morning, hinatid si Ahra sa School. She told me to send you to school today. Exam niyo right?"

"Yes po..." I smiled.

Yes, ngayon na nga ang finals namin at kailangan ko talagang ipasa ito. Isang buwan rin akong nag-aral para sa araw na ito noh. Sayang naman kung mafi-fail ko lang. Malaki-laki rin ang ginastos ni Tito sa'kin. Ayokong mapunta lang yun sa wala.

"Sige. Finish your food. We should not be late. Exams are important. Haeng-unel bileoyo, Angelssi! Fighting!" he cheered.

"Ne! Fighting!"

[Translation: Haeng-unel bileoyo = Good luck]


.....

Minutes had passed at nakarating narin ako sa school. Anim na exams ang sinagutan namin kanina. Mas mahirap pa pala toh sa inaasahan ko. Sina Jia nga panay lang ang kamot ng ulo kanina. Una kaming nakalabas at si Lilly at Rose nalang ang nasa loob pa ng room.


Dito nalang rin kami sa canteen naghintay sa kanila. Kanina pa kasi ako nangangating kumain ng Fried Chicken.

"Oh... dahan-dahan sa pagkain, friend. Hindi naman kami makikihati sa'yo noh!" natatawang puna ni Jia sa'kin.

Tinawanan ko lang siya. Sarap na sarap lang talaga ako eh. Ewan ko ba bigla nalang akong nagcrave.

Umupo naman sa tabi ko si Yeungmin at nilagay ang Banana milk sa tabi ng plate ko.

"Sorry, Their banana milk is out of stock here so I went to the convenient store outside the campus."

"Oh, ah jinja? gwaenchana... thank you oppa!" I giggled. Nagpabili kasi ako sa kaniya ng banana milk kanina.

Ininom ko naman yun after kong matapos kumain ng chicken.


"Girls Dito!" tawag ni Chini sa dalawang kakapasok lang ng canteen.

Nagsi-upo na sila sa bakanteng upuan at nag-umpisa na ring kumain. Si Rose naman ay panay reklamo sa hirap ng isa naming subject.

"Langya naman si Sir Yi, Ang hirap ng exam niya! Ano bang alam ko sa film directing?! Jusko!"


"Paniguradong ipapasa yun ni Jia at Angel, haha" Tugon ni Chini habang kumakain na rin ng pasta.

Nilapag naman ni Lilly ang sushi rolls na binili sa mesa at umupo sa tapat ko.

"Panigurado yun. Adik kaya sa filming tong si Angel. At si Jia, alam nating lahat kung sino ang dahilan niya para magpatuloy sa film directing." aniya pa.


Nagtawanan lang kami sa sinabing iyon ni Lilly.

"Ni hindi pa nga niya pinapakilala sa'king pinsan niya yung lalaking yun no!" sumbat naman ni Jerick.

Tinawanan ko lang ang mga sagutan nila.

"Oh wait where's Yeonhee?" Lilly suddenly asked.


"Oh ayan na pala siya eh!"

"Hi guys! Guess what?" she exclaimed as she stand in front of us.

1 𝐈 𝐖𝐚𝐬 𝐇𝐢𝐬 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐅𝐚𝐧 » 𝐏𝐉𝐌Where stories live. Discover now