Chapter Eleven

80 3 0
                                    

R-18

"I'm sorry sa ginawa ni Daddy, Gel... Sorry talaga!" nakahawak ang kamay na pagso-sorry sa'kin ni Lilly.

Nakaupo na kami ngayon sa isang upuan malapit sa counter ng food stall namin. Nagliligpit na ngayon ang mga tao sa loob at handa ng umalis. Umalis na rin sa tabi namin si Jimin dahil tinawag silang dalawa ni Taehyung at kinausap ni Namjoon.

Inalis ko ang kamay ko at ginulo ang buhok niya. Nakayuko lang siya doon at nagso-sorry nang paulit-ulit. Eh hindi naman niya kasalanan ang ginawa ng Daddy niya.

"Wala yun. Saan ka niyan uuwi? Siguro kaya malaki bag mo kanina dahil sa mga damit mo no?" biro ko na ikinangiti naman niya.

Bigla namang tumabi samin si Jia at binigyan kami ng dalawang baso ng tubig.

"Sa apartment namin muna ni Rose si Lilly magsi-stay. Yun! Sure yun na hindi alam ng Daddy niya ang address." aniya habang sinusuklay ang buhok ko dahil medyo basa pa.

Hindi na nakalapit ulit sa'min ang grupo dahil nagpaalam na silang umalis. Tumango lang ako nang senyasan ako ni Jimin na tatawag siya mamaya.

Lumapit naman sa'min si Miss Yoo para ibigay sa'min ang kabuuang bayad nila. Nagcongrats lang siya sa'min at nagpaalam na ring umalis. Ang kitang nakuha namin ay mapupunta lang rin sa fund para sa field Trip in the next months. Balita ko masaya daw yun ayun sa kwento nila Rose. Buong section kasi ang aalis.

"Tapos na namin iligpit lahat. Sure kayong okay na kayo?" naghila ng mauupuan si Jerick at tumabi kay Lilly.

Tumango lang ako at ngumiti kay Jerick pero si Lilly parang paiyak na naman.

"Oy Lilly, Tahan na... Hindi na babalik yun. Sabi naman sa'yo eh, dapat dati kapa umalis doon. Kita mo nangyari sa inyo." pangaral niya ulit kay Lilly.

Ngayon ko lang nalamang sa buong magbabarkada si Jerick lang yung may alam talaga sa nangyayari. Matagal na rin palang ganito ang trato ng daddy niya kay Lilly. Ni hindi niya yun nabanggit sa'kin o sa aming lahat. Nakakatampo lang pero may rason naman siguro siya kaya niya nilihim yun sa'min. Natakot rin siguro.

Sunod-sunod na pumasok sa tent yung iba pa naming kaklaseng lalaki para tulungan kaming magligpit. Tuwang-tuwa pa sila dahil malaki ang kita ng food stall namin at tiyak mag-eenjoy ang lahat sa susunod na field trip.

"Angel, You're viral on Instagram!" sigaw ng isa kong kaklase at dahil nga rin na international University ito ay required kaming magsalita ng Ingles. Siguro tungkol yun sa performance kanina.

"Oteoke! I wish I was youu~ everyone's asking for your name and the #luckyfan on Twitter is in number 2 trending in Korea and other country. Wahhh!"

Medyo natigilan ako doon. Chi-neck ko nga ang pinakita nila sa'king evidences at andaming videos nun! Meron na ring mga videos na focus ay ang pagkanta namin at pag akbay ng konti ni Jhope sa'kin. Lagot ako nito. Siguradong nakita na ito ng pinsan ko!

Lihim akong napamura dahil may ilang nagshi-ship at nagwi-wish na sana sila daw ako. Diyos ko naman. Kailangan ko na iprivate ang Instagram account ko.

"Sana all, instant celebrity! Nako pakiss nga sa Angel na yan!" Niyakap ako at tinawanan ni Rose. Nako naman.

Tahimik ko lang na tinanggap lahat ng biro nila hanggang sa may tumawag sa cellphone ko.

"I'm waiting at the back gate of your school." seryosong saad niya kaya minadali ko nang kinuha ang gamit ko at nagpaalam na sa kanilang umuwi.

"Oy, you're leaving?" Habol ni Yeungmin sa'kin.

"Your Hyung is waiting..." nag-aalangan kong sagot.

Binigyan niya ako ng pabirong tingin na parang may kasalanan ako.

1 𝐈 𝐖𝐚𝐬 𝐇𝐢𝐬 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐅𝐚𝐧 » 𝐏𝐉𝐌Where stories live. Discover now