Chapter Seven

69 4 0
                                    

A/n: See the video above for better reading❤️

(The flirting with a fan trend)

Dahan-dahan akong napabangon nang maamoy ang mabangong luto sa labas ng kwarto. Naalala ko nandito pa pala ako sa apartment ni Jimin. Aishh, pano ko siya pakikiharapan ngayon?!

Matapos ng pag-amin ko at yung halik, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakahiya nang humarap pa sa kaniya. Inayos ko ang hoodie ko at naghilamos muna bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nangunot naman ang noo ko nang marinig ang boses ng mga lalaki mula sa kusina. Parang boses nila Jungkook.

Naabutan ko sila sa kusina na Nagke-kwentuhan. Nagluluto si Yoongi ng breakfast habang si Jimin naman at Jungkook ay nagtatawanan sa counter. Tatlo pala sila rito. Tiningnan ko ang oras sa wall clock sa gilid at 6 am palang pala. Tinali ko ang buhok ko bago tuluyang pumasok sa kusina.

"Good morning Angelshi," bati sa'kin ni Jungkook. Dalawang taon lang ang tanda niya sa'kin. Pero parang ka-edad niya lang ako sa mukha niya.

Nginitian ko siya at binati pabalik. Si Jimin naman ay agad na lumapit sa'kin.

"You want water? Here," agad niya ding binigay sa'kin ang isang basong tubig. Nang mainom ko iyon ay inalalayan niya pa ako paupo sa upuan na nasa tabi niya. Ang weird ng lalaking toh.

Mapagdudang tumingin sa'min si Yoongi at tumawa. Nilagay niya muna ang kimchi fried rice sa bowl bago nagsalita.

"Are you two dating? Lol, you're both obvious," palipat-lipat pa sa aming dalawa ang tingin ni Yoongi. Tila hinihintay rin ang sagot namin.

Nakabukas naman ang bibig ni Jungkook habang naghihintay rin.

"Ahm... ahh We're-"

Di ko na natuloy ang isasagot ko nang marinig ang sigaw sa living room ng apartment/penthouse ni Jimin.

"Where's the Adovow ha?!!" lihim akong napabuntong-hininga sa boses ni Jin.

Mukhang kakarating lang nito dahil nakasukbit pa siya ng Jacket niya. Dumiretso siya sa kusina at binuksan kaagad ang refrigerator at naghanap ng makakain. Kinuha niya doon ang isang cup ng yogurt at kinain.

Parang walang pake namang tumingin sa kaniya ang iba pang kasama ko rito sa bahay. Sanay na rin naman ako. Mag-iisang taon na yata ko silang kasama eh. Sa mga shows nga nila ganito rin ang set up eh. Kaso ngayon personal ko nang nakikita ang mga kakulitan nila at kalokohan.

Dahil doon nakalimutan na nila ang tinanong nila sa'kin. Wala nang natira sa adobo kagabi kaya hindi na nakatikim si SeokJin.

Nagdagdag ulit si Yoongi ng agahan, si Jungkook ay nagprito rin ng bacon para sa sandwich na gusto niya. Kumuha na rin siya ng banana milk sa refrigerator. Dalawa ang kinuha niya at binigay sa'kin yung isa.

Ngumiti nalang din ako sa kaniya at nagpasalamat. Matapos nun ay sinimulan na naming kumaing lima doon. Nasa gitna ako ni Jimin at Jungkook habang si Jin at Yoongi ang magkatabi. Nagtatawanan pa sila dahil sa mga kalokohag ginagawa ni Jin habang kumakain.

Yung mga Old Jokes niya talaga ang malupit doon, muntik pa ngang mabuga ni Jungkook ang Fried rice dahil doon.

"How was your school, dongsaeng?" SeokJin asked while maneuvering the Car we are riding.

Actually kotse ni Jimin ang minamaneho niya pero kaming lima na ang nakasakay sa loob dahil sasabay na lang daw sila sa amin pabalik ng Village. Matapos kasi ng agahan ay nagprepare nalang din kami para bumalik sa village. Kusang pina-iwan doon ni Jimin ang mga extra kong damit. Ewan ko ba kung bakit pero hinayaan ko nalang doon. Dinala ko lang yung mga personal necessities ko.

1 𝐈 𝐖𝐚𝐬 𝐇𝐢𝐬 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐅𝐚𝐧 » 𝐏𝐉𝐌Where stories live. Discover now