(When she said she likes me too.
-Park Jimin)
(Angel's POV)"Tita alis na po ako!" paalam ko kay tita. Nakasuot na rin ako ngayon ng bagong uniform. Maiksi iyon at kulay maroon yung fitted skirt, nakawhite longsleeve at may thin ribbon na maroon din. Pinaresan ko na rin yun ng black shoes na may 1 inch heel.
Tinuruan na din niya ako sa mga pasikot-sikot ng lugar. Mag-iisang buwan na rin simula nung nakarating ako rito at isang linggo na rin mula nung natulog si Jimin sa bahay nila tita.
Nakakahiya parin kasi eh. Kinabukasan kasi nun ay late akong nagising at pagkagising ko nakadapa lang siya sa tabi ko at naglalaro sa cellphone niya. Nagtaka nga ako dahil tanghali na at hindi parin siya umuuwi nang araw na iyon. Sumabay pa siya sa amin ng tanghalian pati narin nung tinanggal na nung private doctor ng Company yung dextrose ko, nandoon rin siya.
Oo, private doctor ng company. Ayaw kasi ng issue ni tito dahil dadagdag iyon sa mga issueng meron ang BTS. Mas mabuti nalang raw na kilala nila ang doctor dahil naroon din naman si Jimin. Baka kung ibang doktor yun baka nagkalat na sa buong pilipinas na may swerteng fan na nakasama ni Jimin sa iisang lugar.
Hayss kalimutan ko na, 1 week na ang nakalipas eh.
"Ingat ka papunta dun ha, tawagan mo ako kapag naligaw ka" binigay naman ni tita sa'kin ang baon ko. Pati na rin yung card para sa bus na sasakyan ko papuntang school.
Kumaway ako at nagbow doon sa mabait na guard ng Village. Siya na rin ang nagbukas ng malaki na gate para sa'kin. Matagal na raw siyang guard dito at kilala na niya halos lahat ng residente sa tagal niya.
Sinakto ko nalang ang bilis ng lakad ko dahil 6 am pa naman at 30 minutes daw ang byahe ng bus papuntang University at 9 am pa ang simula ng klase.
Natawa pa ako nang bahagya dahil sa mga messages sa GC.
|Jia: Oh simula na ulit ng 2nd sem. Sa school na ba kayo? Kakagising ko palang.|
|Jerick: Walang may nagtatanong.|
|Rose: Hahaha. Grabi ka Jerick!|
|Jerick: Nasa School na kami babae, ikaw lang yata dito ang hindi nagbabago eh.|
|Jia: 6 am palang! Sinong kasama mo? Mga multo? Nagmamadali ka sir?!|
|Chini: hahaha tama na yan. Mag-ayos kana jan. @Angel papunta kana?|
Dahil sa pagmention sa'kin ni Chini ay nagreply na ako.
|Angel: Naglalakad palang ako papuntang bus stop. Saan tayo magkikita? Di ko kabisado yung school eh.|
|Chini: Hintayin ka naming lima sa tapat ng school. Angel ingat ka!|
|Angel: Thank you @Chini kayo rin ingat!|
Napasinghap ako nang may umakbay sa akin na di ko naman kilala at nakahinga rin nang maluwag nang marinig ko ang boses niya
"Going to school? Come on I'll give you a ride," aniya at hinila nalang ako bigla papunta sa Itim na malaking Van na kakahinto pa lang.
Sinundan niya ba ako hanggang dito?
"Jimin oppa, it's okay... I can ride on my own..."
Lumingon siya sa'kin. Blonde na ang kulay ng buhok niya. Nakahoodie siya at nakamask. Nakajeans din siya at black shoes mukhang may dadaanan. Lumapit naman siya bigla sa akin at tinulak pababa ang mask niya.
YOU ARE READING
1 𝐈 𝐖𝐚𝐬 𝐇𝐢𝐬 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐅𝐚𝐧 » 𝐏𝐉𝐌
Fanfiction1 Not even planning on meeting her bias despite of living in the same country as them. but her Asthma happened and who would thought that this incident would be the best thing that ever happened in her entire life. Date Published: January 19, 2021 D...