Chapter Four

51 3 0
                                    

(When he slept with me for the first time)



(Angel's POV)

I woke up feeling heavy. Nang idilat ko ang mga mata ay agad akong nagtaka nang makita ang di pamilyar na kwarto. Napakaliwanag nun. Hindi na rin sobrang lamig. Nang tingnan ko ang paligid ay napansin ko kaagad ang kamay ko na may dextrose.




Anong nangyari?



Agad naman iyon nasagot nang may taong pumasok sa kwarto na inuukupahan ko.

"Mabuti naman at okay kana hija. Ang tagal mo ring hindi nagising. Mga tatlong araw na nag-aalala kami ng Tito mo," sabi ni tita sabay haplos ng pisngi ko.


Nangunot naman ang noo ko.
"Nasaan po ako?" I asked.


"Nasa pilipinas ka nagbakasyon kami rito, remember? Inatake ka ng hika mo nung PE niyo. Di mo ba naaalala?"

Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko nang marinig ang sinabi ni tita. Di ko naman napigilan ang sarili kong naiyak sa sinabi niya. Ibig-sabihin panaginip ko lang yun lahat?

"Na-mild coma ka daw sabi ng doktor. Buti nagising ka, salamat sa diyos" sabi ni tita habang bakas parin ang pag-aalala sa mukha niya.

"P-pero pano si Jimin?"

"Ha?"

"Titaa!" di ko na napigilang umiyak ng todo. Iyak lang ako ng iyak doon at napatigil ako nang tumawa nang malakas si tita.

"HAHAHAHA biro lang! Sa Korea tayo. Pati si Jimin totoo. Dumalaw nga siya habang nasa mild coma ka pero umalis din kasi lilipad sila papuntang Japan para sa concert nila doon. Kasama rin doon si Tito mo kaya tayong tatlo nalang ang naiwan dito,"

"Tita naman eh! Kinabahan naman ako sa'yo..."


"Sige ipaghahanda muna kita ng makakain. Yung cellphone mo nandiyan sa side table, kanina pa nagri-ring," Sabi ni tita bago lumabas ng kwarto at magluluto daw.


Sa Japan na pala sila. Binuksan ko ang cellphone at nagulat sa dami ng message notifications. Binuksan ko iyon at tumambad sa'kin ang bagong Groupchat.


<Pinoys in Hankook>

Chini added you to the group.

Chini: Guys! Welcome niyo si Angel! Welcome to Korea Angel ❤️

Rose: Hii Angel Classmates tayo sa section A! 😂

Jia: Ay ako dinnn pati si Jerick hahaha

Jerick: tayong lima kaya ang classmates niya.

Jia: Suplado ng only boy natin 🤦🏼‍♀️

Napangiti ako nang makilala silang lahat. Kaya nagchat na ako sa Groupchat.

Angel: Hello guys, nice to meet you all!

Chaeni: See you sa University next week Angel!

1 𝐈 𝐖𝐚𝐬 𝐇𝐢𝐬 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐅𝐚𝐧 » 𝐏𝐉𝐌Where stories live. Discover now