(Angel's POV)
"Angel, yung mga labahin mo nalaba mo na ba? Maggo-grocery ako. Isasama kita," aya sa'kin ni tita. Wala si tito ngayon dahil may shooting daw at may pasok naman si Ahra kaya kami palagi ni tita ang magkasama dito sa bahay.
"Sige tita. By the way natawagan ko na po pala si mama kahapon tungkol doon sa ipapadala niyo. Ang sabi niya salamat daw at may pwede na siyang pandagdag sa paninda sa palengke..." imporma ko sa kaniya.
"Mabuti naman kung ganoon, alam mo naman di ako nakakatawag gamit number namin dito kaya nag vi-video call nalang kami ni ate."
Di na rin nagtagal ay nakalabas na kami ng Village. Nagpagawa na rin pala si tita ng ID pass ko para kapag may klase na ay makakapasok parin ako kahit mag-isa.
Pumara naman si tita ng taxi at sumakay naman kami kaagad. Dahil sa katahimikan naisipan kong magbukas ng social media account ko.
Napansin ko kaagad na may bagong notification sa account ko. Sa pag-aakalang si Jenny yun binuksan ko kaagad ang notification button pero ibang tao naman ang nakalagay.
|@jminiee, @ggggguuk and 5 others started following you.|
|@teyungie liked your photo|
|@jminiee replied to your story|
"Mga Army na naman siguro toh?"
Because of curiosity, I opened my messages and saw the message from
@jminiee:
|They're cute but you're cuter 💜|
Style bulok din toh eh! Sino tong mokong nato?!
I clicked his or her name, arghh! I didn't even know his gender! So ayun nga pagka-open ko ay puro candid lang ang kuha niya. Puro lugar, pagkain, gamit, benches sa playground, kalye, at ang latest post niya ay yung ponytail.
Lol! Pareho pa kami ng design.
Pero panglalaki ang kamay niya habang nakalagay yun sa wrist niya.
Natawa ako sandali bago bumalik sa message niya. Nireplyan ko na rin.
|Hi thank you! Are you an army too?|
7 hours ago pa siya active kaya di ko na hinintay reply niya.
"Kamsahamnida,"
Chi-narge na ni tita ang bayad sa account ni manong bago kami makababa. Matapos nun ay dire-diretso na kaming pumasok sa loob ng mall, sa grocery area.
Humawak ako nang mahigpit kay tita nang makita ang dami ng tao sa paligid. Maraming bumibili ngayon. Kumuha si tita ng push cart at nagsimula na kaming mamili. Puro supplies sa bahay at inumin, gatas ni Ahra at marami pang pagkain.
YOU ARE READING
1 𝐈 𝐖𝐚𝐬 𝐇𝐢𝐬 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐅𝐚𝐧 » 𝐏𝐉𝐌
Fanfic1 Not even planning on meeting her bias despite of living in the same country as them. but her Asthma happened and who would thought that this incident would be the best thing that ever happened in her entire life. Date Published: January 19, 2021 D...