Chapter Fourteen

22 3 1
                                    


"Happy Birthday anak!" I giggled as soon as I heard my mother's greetings. Dumating na nga yung birthday ko at kahapon lang din dumating ang ipinadala kong cellphone kay mama para makatawag ako nang madalas. Nakakahiya rin kasi sa pinsan ko, palagi siyang busy sa trabaho at baka maistorbo ko kapag kakausap ako kay mama.


"Wow ang ganda natin ngayon Ma ha! Aba't nakabestida pa ho kayo."


"Aba kaarawan ngayon ng anak ko, siyempre kailangan kong mag-ayos kasi magvi-video call tayo. At saka kamusta kayo diyan ng tita mo anak?" aniya bago umayos ng upo at pinatong sa kung saan ang cellphone.



"Okay lang naman po kami ma, mahirap lang yung mga lessons pero kaya naman po. Si Ahra po mag-gi-grade 2 na po sa susunod na pasukan! Ang talinong bata, hindi na sila tita at tito nahihirapan sa pagtuturo."



Huminto muna ako sa pagsasalita nang mapansin kong umubo siya saglit sa gilid.

"Okay lang ho ba kayo ma? May sakit ho ba kayo ngayon?"


"Ay, wala to anak... inulan kasi ako kahapon kaya ganito."





Napansin ko ang pag-aalangan sa mata ni mama nang tinitigan ko siya nang matagal.

"Hmm... nalimutan niyo na naman po ang bilin kong magdala ng payong palagi kapag lalabas no? Sa susunod ho, wag niyo nang kalimutan ha?"


Tumawa lang siya saglit bago tumango.
"Sige anak tatandaan ko... Oh, si Jia na ba yan?"


Nilingon ko kaagad si Jia na kalalabas lang ng banyo dahil kakatapos lang rin maligo.

"Opo, Dito po siya natulog mula Wednesday pa po."



Matagal ko nang naipakilala si Jia sa kaniya at iba pang kaibigan ko. Mabait rin kasi si Mama sa mga nakakaibigan ko kasi minsan lang daw ako magkaroon ng napakaraming kaibigan. Eh si Jenny lang naman daw ang naipakilala ko sa kaniya noon.


Narinig naman yun ni Jia kaya lumapit na siya at bumati.

"Hello tita, nagliligpit lang po kami para sa Field trip mamaya."



"Ay Oo nga pala no! Sige anak paalam na at mag-aayos pa pala kayo. Baka maiwan kayo ng bus diyan. Ingat kayo, tawag ako mamaya kapag natapos ko na ang pagtitinda sa palengke. Bye anak! Happy Birthday ulit! I love you!"


"I love you too ma! Ingat kayo ha?"


Nang tumango siya ay ako na rin ang pumatay ng tawag. Ilang minuto pa ay natapos na rin ako sa pagpasok ng mga importanteng gamit na dadalhin ko mamaya.


"Kumpleto na ba lahat?" tanong ni Jia nang lumabas na ako ng kwarto. Nasa living room na rin kasi siya ng bahay.



"Yes, nandito na gamit ko. Teka kunin ko lang yung ginawa kong Dorayaki kanina." sagot ko at dumiretso muna sa Refrigerator at kinuha ang isang box ng Dorayaki. Nakita ko lang sa internet yung recipe nato kaya napagdeskitahan ko na. Oreo flavored siya kasi mas masarap daw kaya sinubukan ko at masarap nga.



Ipapadala ko kasi ito kay Hoseok dahil siya daw ang maghahatid sa'min ni Jia sa school. Kaarawan ni Jimin kahapon kaya ginawan ko siya ng dorayaki at mahilig rin kasi yun sa sweets. Hindi ko siya nabati kahapon kaya ngayon ko nalang gagawin. Alam kong hindi pa kami nagkaka-ayos pero kahit na. Ipapadala ko parin.


"Oh nandyan na pala siya, Oppa! Yeogi-esseoyo,"

[Translation: Brother(kuya/endearment), we're here!]



1 𝐈 𝐖𝐚𝐬 𝐇𝐢𝐬 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐅𝐚𝐧 » 𝐏𝐉𝐌Where stories live. Discover now