Dan POV at Lee Residence
Tahimik ang buong bahay ng mga Lee dahil napuyat sila ate at kuya magbantay kay tita Celine na ngayon ay maayos na ang kalagayan at nakakaalala na.
"Mahal, anong gusto mong lutuin ko?" Tanong ni tita Celine kay tito Joseph.
"Kahit ano, basta luto mo" sagot naman nya sabay kindat.
"May pagkain bang kahit ano?" Kunot noong tanong tita
"Hahaha, maayos na nga ang lagay mo mahal ko, nababara mo na ko eh. Alam mo, yan ang namana sayo ng anak nating si Erza" tito
"Wag kang maingay, natutulog pa ang mga bata" tita
"Okay okay haha i'm just happy. Happy because you are here, akala ko hindi mangyayari to" nakangiting sabi ni tito.
"Wag kang mag-alala, hinding hinding hindi na ulit ako mawawala. Hanggat malakas pa ko, aalagaan at pagsisilbihan ko kayo" tita Celine.
"Salamat" tito tsaka yinakap ang asawa nito.
"Mahal, ano kaya kung sundan na natin si Miyo?" Tito na ikinagulat ni tita Celine.
"A-ano??!! Dyos ko joseph, walo na ang anak natin kilabutan ka nga, ang tanda-tanda mo na. Baka hindi mo na kaya"
"*smirk* baka hindi ko na kaya? Gusto mo ng sample mahal ko? Ha?" Tito
"Hahahaha a-ano hahahaha ano ba joseph stop it!! Hahahaha" pigil ni.tita Celine habang hinuhuli ang kamay ng asawa ng kinikiliti sya.
"Goodmorning love birds" Bati ni kuya Zach habang nakangiting bumababa sa hagdan. Nandito nga pala ako sa taas, pinapanuod ko sila tito. Ang saya siguro kung buhay pa si papa.
"Gising ka na pala anak, halika maghanda tayo ng umagahan" aya ni tita na masaya namang sinunod ni kuya Zach. P-pero tama ba yung nadinig kong sinabi ni tita Celine?
"A-ano??!! Dyos ko joseph, walo na ang anak natin kilabutan ka nga, ang tanda-tanda mo na. Baka hindi mo na kaya"
Walo? Pero anim lang naman sina ate Erza ah. Pero kung idadagdag kami ni Robin--- I-ibig sabihin, tinuturing nya talaga kaming tunay na anak at hindi lang isang ampon?
"Dan! Anong ginagawa mo dyan? Tara dito at bumaba" tawag ni tito sakin, nakita pala niya ko.
"Goodmorning po tito Joseph, tita Celine" bati ko pagkababa.
"Oh Dan halika, anong gusto mong kainin iluluto ko" tita.
"Kahit ano po, basta luto nyo" sagot niya na ikinatawa ni tito.
"Kita mo mahal? Sabi ko sayo kahit ano basta luto mo eh, hahaha"
"Ewan ko sainyong mag-ama, mga lalaki talaga hay!!" Tita tsaka pumasok sa kusina.
Mag ama? I-ibig sabihin talagang tanggap niya ako?
Salamat po sa bagong taga gabay papa lord.
*dingdong*dingdong
"Ang aga pa para sa bisita ah" tito na pupunta sana sa labas.
"Ako na po" tsaka ako lumabas at binuksan ang gate.
"GOODMORNING!!" Bati nina Seb, Tomo, Louie at GD.
"Shit! Nakakagulat naman kayo" aatakihin ako sa puso sa apat na to =___=
"Sino ba yung dumating?" Tito Joseph.
"Wag kang mabibigla tito" ako.
"KAMI PO!!"
"Nako! Ang aga namang may bisita ng mga prinsesa ko. Tulog pa sila eh" tita.
"Grabe, ganyan kayo kapursigido sa mga ate ko?" Tanong ko.
"Oo naman Dan, tsaka nag-aalala din ako sa ate Tam mo baka di na siya makahanap ng kasing gwapo ko *smirk*" Gd sabay akbay sakin, feeling close tong siraulong to =___=
"Subukan nyo lang na paiyakin sila, lintik lang ang walang ganti" ako.
"Uhhm hihintayin nalang po namin sila magising" Tomo.
"Wag na, akyatin nyo na sa taas at gisingin, tutal papasok na din kami" Sabi ni kuya Zach na ikinagiti ng apat.
"Okay!!"
"Teka teka teka, anong aakyat sa taas? Hinde! Dito lang kayo at hintayin nyo silang bumaba" tito.
"Mahal naman hahahaha" natatawang tawag ni tita.
"Hahaha Dad hayaan mo na, don't worry pag may ginawa silang hindi maganda ako yayari sa mga yan, diba?" Kuya Zach.
"At ako din" sabat ko. Simula ngayon ituturing ko na din silang pamilya ko.
"Siguraduhin nyo lang apat na wala kayong gagawin kung ayaw nyong tanggalin ko kayo ng alaga" tito. Pfft nagulat yung apat tsaka nagtatango na parang aso, yung display sa kotse? Hahaha
"O-oo naman, mahal ko po si Tamara kaya wala kayong dapat--"
"Ano ba yang sinasabi mo pre, wala ka pa sa simbahan para mag speech ng ganyan, nakakahiya ka" Seb.
"Kanya-kanyang style yan ungas" Gd
"Teka andami nyong bitbit ah, iwan nyo muna kaya sa sala?" Sabi ko. Mag-aalay ata tong mga to sa dami ng dala eh.
"Hindi na, surprise ko to kay Miyo eh" Louie
"Kayo bahala" Sagot ko. At umakyat na nga sila sa taas.
"Dan, sundan mo sila sa taas kunwari may kukunin ka lang bilis" tito sabay tapik sakin sa balikat.
"Akong bahala tito" tsaka ako nag Ok sign.
-------------
A/N
Pasensya na yan lang nakayanan ng utak ko hehe, may challenge kasi kami ng kaibigan kong Elyeen xD yung Author ng Making henrietta fall na gumawa ng UD within 30 minutes so eto na po. Pagpasensyahan nyo na talaga. XD para sayo to @elyeen
Mt
BINABASA MO ANG
Proposing to a Stranger --COMPLETED--
General FictionIsang problemadong lalaki ang naghahanap nang Fianće na makakasagip sa kanyang Fixed marriage sa babaeng kinaiinisan nya. Isang Idea na nanggaling sa kaibigan. Ito nga ba ang makaka ayos sa kanyang problema o mag dudulot pa ng mas malaking kaguluh...