Chapter 29- Happy?Birthday

1.4K 37 0
                                    

Celine POV

"Mahal wag ka ng magulo, tulungan mo nalang akong mag ayos dito" saway ko kay Joseph na panay ang yakap sakin.

"Sige, basta mamaya..." tsaka ako tinitigan ng may ngiting di mo malaman kung maganda ba o ano ang ibig sabihin. "Magtigil ka lang Joseph Lee ha! Tulungan mo ko dito ng tahimik para hindi sila magising" Pananakot ko.

"Nagbibiro lang naman commander ha-ha oo na po aayusin ko na" pfft. hahaha he's really obedient when it comes to me ofcourse. Tahimik kaming nag aayos para sa birthday ng mga anak ko. Hindi naman malakihang party to, ang mga lalaking malapit sa kanilang apat, mga kaibigan nila sa ibang storya at mga---

"Good morning Mom!!" sigaw ni GD habang nagmamadaling pumasok. "Anong mom?!" tanong naman ni Joseph. hahaha mga lalaki talaga.

"W-wala po tito, ang sabi ko po uhmm mom...mom..mamon po. May dala akong mamon he-he-he ._."

"Napakagulo mo pre, Uhmm good morning po Tito Joseph Tita Celine. Nandito po kami para tumulong sa paghahanda" Bati ni Louie. i smiled tsaka tumango. "Iwan nyo na muna ang mga dala nyo dyan sa lamesa." sabi ko tsaka kinuha sa kusina ang iba pang niluto ko.

"Tita, pwede na po bang kumain?--hehe joke lang po" Tomo. "Oo naman. teka--"

"Joke lang po tita hehe" Naguguluhan ko syang tinignan kaya lumingon ako kay Joseph at.. "Wag mo nang takutin ang bata!" Saway ko. kung nakakapatay lang ang masamang tingin, malamang sa malamang wala na tong mga binatang ito.

"Uhmm Tita, pwede po ba kong umakyat sa kwarto ni Tres--"

"Hinde!!" Sagot agad ni joseph. Hay! "Joseph para kang bata. Fiance na sya ni Selena kaya hayaan na" tinitigan nya ko na parang Bawiin-mo-yan-look pero nginitian ko lang sya.

"psh!" Wala syang nagawa kaya sinenyasan ko na si Sebastian na umakyat.

"Okay! bilisan na natin mag ayos. maya maya lang magigising na sila" Sabi ko. Time check. 4:49 am. Kaya pa to.

Sebastian POV

Nakahinga ako ng maluwag ng payagan ako ni Tita celine umakyat dito. Nakakatakot talaga si Tito Joseph tsk. Nagmadali kong hinanap yung pintuan ng kwarto ni Life.

"Nasan na? nilagyan ko yun ng palatandaan eh" Nilagyan ko ng bubble gum yung gilid ng pinto ni Tres. Haha sorry, wala akong bagay na pwede gamitin nung araw na yun maliban sa nginunguya kong chicklet. Nasan na ba--Bingo!! Hindi na yung bubble gum yung nakita ko pero sure ako, eto yun.

Humanda sa katapusan ang sinumang papasok ng walang paalam.

Pfft. Nakadikit yan sa pinto nya. Pinihit ko yung knob tsaka pumasok ng dahan dahan. Sabagay, mag 5am palang kaya malamang tulog pa talaga to. Lumapit ako sa tabi ng kama nya tsaka sya tinitigan. ang life ko tsk tsk, tulog na nga nakakunot padin ang noo. Hinawi ko ang ilang hair strands nya para mas makita ko ang mukha nya. Naka head set padin pfft.

"Life" tawag ko. nagulat ako ng bigla syang dumilat at dinakot ang mukha ko -__- "Who the fuck are--Love?" o_O

"Yeah" sagot ko. bigla naman syang ngumiti tsaka ako niyakap, nabigla ako nung una pero niyakap ko din sya pabalik. Mukhang kailangan ko ng masanay sa kalambingan neto.

"Bakit ka nandito?" tanong nya tsaka umupo. "Syempre special day to ng life ko kaya dapat present ang gwapo nyang fiance" tsaka ko tinaas baba ang kilay ko. "Unggoy!" Tsaka ako iniwan at lumabas ng kwarto -_- "Hintay naman life!!" Sigaw ko. Pambihira talaga tong isang to.

Naabutan ko syang pumapasok sa kwarto ng mga kapatid nya. at tumatakbo palabas.

"Selena urgggh!!!" sigaw ng isa.

Proposing to a Stranger --COMPLETED--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon