Chapter 11- Weight? Date? (2.0)

1.9K 51 1
                                    

Zeus Pov

"Saan ba magandang mag-date?" Tanong ni Miyo. Tsk buti pa sila pa date-date nalang.

"Sila nalang pag-isipin natin" Erza.

"Naks, nakiki-cooperate si Erza. Mukhang excited ka na maka-date si pareng Tomo aah" pang-inis ko. Aba! Dati rati ni hindi nga nagsasalita yan eh, tapos ngayon? Iba na to tsong.

"Tigilan mo ko Kuya, excited ako sa plano ko kay Yamamoto hindi sa date -_____-" bored nyang sagot tsaka itinuloy ang pagbabasa.

"Ano yang binabasa mo princess?" tanong ko, nasa wattpad kasi eh mejo nagbabasa din kasi ako ng mga storya jan.

"Yung 'Living with Ms. Cool' extra kasi tayo dito. Pero dipa na p-publish, sakin palang pinabasa ni Ms. T. Pinahiram niya yung account niya. Ang hirap ng role mo dito kuya pala-asar tsk tsk. Baka di mo kayanin" Erza. Wow! New project maeexpose na naman ang kagwapuhan ko.

[Pfft. Wattpad reader ka Zeus? Hahaha]

Oh? Anong iniisip nyo? Alam nyo kasi mga beautiful ladies, kaming mga gwapo eh nagbabasa-basa din naman ng mga ganyan.

Tignan mo si pareng aah hindi ko maalala eh. Basta yung Author ng 'Gangster Vs. Assasin' gwapo pero nagsusulat. Hindi naman kasi nakakabawas ng pagkalalaki ang pagsusulat or pagbabasa ng wattpad. Infact, I LOVE WATTPAD. But i love myself more.

[Lakas maka plug :D Living with Ms. Cool po. Coming very very soon in Wattpad. Extra po ang Stranger's family jan hehehe]

Anyway, bago pa mawala sa line ng story si Ms. T eh si Tamara naman ang pagt-tripan ko.

"Ikaw Tam-tam, balita ko binasted mo si Darling aah" Tanong ko. Isa ding masungit to eh bukod ka Erza.

"Yeah! Walang kwentang tao lang ang makikipag-date sa Butete na yun. As in me? with him? Ohmygod" Iritang sagot niya habang nag c-cutics. Mga babae nga naman -___-

"Wag ka magsalita ng tapos princess, ikaw din baka mamaya isa ka nadin sa mga umiiyak ng dahil kay GD" Sabi ko. Wow serious kunware ^___^

"That will never happen, if it is. Kill me please" tska ako inirapan. Grabe talaga to.

"Teka, bat parang tahimik ang Soon to be Mrs. Carter?" pang-iinis ko. Ine-expect ko na lalapitan nya ko at kokotongan pero wala.

"Princess?"

". . . . . . . . ."

"L.Q?" tanong ko. Na ikinalingon niya. Aaah. Alam na this \m/

"Tsk! Pahinga lang ako" sabi niya tsaka tumayo pero. . . .

"TRES!"

"PRINCESS!"

"SELENA!"

Sabay-sabay na sigaw namin. Bigla kasi syang natumba. Inalalayan ko si tres papuntang sofa tska iniupo.

"Tres, what happen? Bat ka natumba?" Miyo na tarantang naglalakad ng pabalik-balik.

"Mahina na ba tuhod mo? May rayuma ka ba? Gusto mo ibili kita ng anlene?" dugtong nya. Pffft. Pero nanatili lang na nakapikit si Tres.

"Princess?" ako habang hinihimas ang ulo nya.

"Sino kumain ng saging?" biglang tanung nya. Saging? Bak-- tinignan ko agad yung lugar na pinagtumbahan niya.

O_____O pffft.

"HA-HA-HA grabe naman. Sino kumain nun? Tsk. Sige ahm may gagawin pa pala ko. Maya nalang" nagmamadaling sabi ni Miyo. Tignan mo to. Siya pala salarin.

"Miyo come back! Burara ka talaga grrr~" Tres.

Hahaha. Ang baliw ng mga kapatid ko. Buti nalang ako hindi.

Proposing to a Stranger --COMPLETED--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon