UNJUST
Written by: Wade ArtemisI was sixteen when I met a demon. A demon who ruined my life. I thought he will protect me the way he protected my mom.
Naglalakad ako pauwi galing sa aming paaralan dahil sa tinapos ko pa ang project ko. Masaya kong iwinawasiwas ang kamay ko habang hawak ang isang supot ng pansit na pasalubong ko sa kuya at papa ko. Si kuya ay pulis habang si papa ay isang judge. They really love me even if I see myself as a failure. Dahil kasi sa akin namatay ang mama ko. My mom is a rape victim at ako ang bunga. Hindi niya kinaya ang pagbubuntis niya sa akin kaya mas pinili niya akong iligtas.
“I love you mama.” Sambit ko at tumingin sa buwan. Moon lover si mama sabi ni papa kaya naman kapag nangungulila ako sa kanya ay tumitingin ako sa buwan.
Mapayapa akong naglalakad nang biglang may humila sa akin. Nagpupumiglas ako ngunit masyado silang malakas. Masyadong madilim kaya hindi ko maaninag ang mukha nila.
“Tulong! Tulungan niyo ako!!” sigaw ko habang nagpupumiglas pa rin sa higpit ng pagkakakapit nila sa akin.
“Tu---“ naputol ang sasabihin ko ng bigla nila akong sikmuraan. Wala na akong nagawa dahil sa sakit. Mabilis nila akong hinuburan at ginawa ang kanilang balak sa aking katawan. Bawat ulos na kanilang ginagawa ay siya ring pagpatak ng aking mga luha. Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang. Hindi ko magawang ipaglaban ang aking sarili dahil sa ako’y mahinang babae lamang.
Matapos nilang magpakasawa ay inayos nila ang kanilang sarili at dinuraan ako. Isang sasakyan ang dumating dahilan para makita ko ang mukha ng isa sa kanila. Mas lalong gumuho ang mundo ko ng maaninag ko ang mukha ng aking pinsan. Iniwan nila akong hubo’t hubad sa damuhan kung saan nila ginawa ang kababuyan.
Inayos ko ang sarili ko at umuwi habang umiiyak ng makasalubong ko ang kuya kong pulis.
“Anong nangyari sayo!” alalang tanong niya sa akin habang tinitignan at chinecheck ang katawan ko. Tanging iyak lang ang sagot ko kay kuya at niyakap ito ng mahigpit.
Agad akong inuwi ni kuya at doon ako tinanong.
“Si Emmar k-kuya ginahasa ako ng mga kaibigan niya.” Umiiyak na kwento ko rito. Halos masira ang pinto ng aking kwarto ng dahil sa kwento ko sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit para iparamdam sa akin na ligtas ako kapag kasama siya.
“Kakasuhan natin sila naiintindihan mo makukuha natin ang hustisya tandaan mo yan Ella.” Mariing sabi niya. Bakas sa boses niya ang galit.
____________________________________________________________________
Ilang buwan bago naasikaso ang kaso na isinampa naming laban sa mga gumahasa sa akin. Nagbunga ang pambabababoy na ginawa nila sa akin.
Nakaupo ako sa tabi ng abogadong kinuha ni kuya para sa akin. Napatingin ako kay kuya dahil nagsimula na ang paglilitis.
Sigurado akong mananalo ako sa kasong ito dahil sa ebidensyang narito mismo sa aking sinapupunan. Alam kong hindi ako bibiguin ng ama kong na sa harapan. Alam kong ibibigay niya ang nararapat at patas na hatol.
Ngunit akala ko lang pala.
Halos gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi n’ya bago ko marinig ang tatlong sunod sunod na pukpok.
“The defendant is found not guilty.” Sambit ng ama ko.
“Paanong not guilty papa! Kitang kita mo naman diba buntis si Ella! Dahil yan sa mga gagong yan!” rinig kong sigaw ni kuya habang pinipigilan siya ng ibang pulis na nasa loob ng korte.
Yumuko lamang si papa at umalis na. Umiiyak akong lumapit kay kuya at niyakap siya ng mahigpit. At doon ko lang napagtanto mayaman nga pala sila. Kaya magagawa nilang bilhin ang hustisyang dapat ipagkakaloob sa akin. Dahil sa panahon ngayon mas importante na ang pera.
"it really hurts to see criminals using their money to cover up their guilt"
—S U P R E M O O N.
BINABASA MO ANG
MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]
Short StoryCompilation of my one-shot stories posted on my FB account, "WADE ARTEMIS".