SCARED OF FALLING
"Calli, What if may taong nagkakagusto sayo hahayaan mo ba siyang ligawan ka?" tanong ng kaibigan kong si Ivan sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at kitang kita ko sa mga mata niya na seryoso siya sa tanong niya. Ewan ko ba ngayon ko lang siya narinig na nagtanong ng tungkol sa pagmamahal o ligawan nay an dahil hindi naman siya yung tipo ng lalaking pala tanong about love.
"Siguro ay hindi muna." Maikling sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ba takot na takot akong muling magmahal.
"Bakit? Natatakot ka bang masaktan muli?" tanong ulit nito sa akin. Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil alam naman niya ang nangyari sa akin.
Two years ago nang magkaroon ako ng boyfriend. His name was Ethan. Our relationship is almost perfect. Mahal namin ang isa't isa. Binibigyan ko siya ng oras despite my busy schedule. Lahat ng gusto niya ay sinusuportahan ko. Minsan na rin siyang nagloko pero pinatawad ko siya dahil mahal na mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala sa akin. Everything was fine. Not until, I caught him cheating on me. I always asked my self why? Do I deserve this kind of pain?
Ilang taon na rin yung nakalipas simula nung maghiwalay kami pero yung sakit at hinagpis narito pa. Ang bawat kasinungalingan at paglalaro niya sa feelings ko ay patuloy pa ring nananatili at nagsusugat sa puso ko. At sa bawat araw na nakikita ko siyang naglalakad sa daan kasama ang babaeng mas pinili niya ay para ba akong sinasaksak ng paulit-ulit dahil sa kirot na nararamdaman ko.
Gaya ng iba ay takot na akong muling magmahal at magtiwala pa. Siguro nga gano'n talaga kapag paulit-ulit ka na lang nasasaktan ay matatakot ka ng muling magtiwala dahil baka sa huli ay iwan ka lang at paglaruan. Nakakatakot muling sumugal dahil baka sa huli ikaw rin ang magiging talunan. Kahit alam kong hindi naman lahat ng tao ay pare-pareho nando'n pa rin ang pangamba sa aking dibdib nab aka ang ending muli na naming madurog ang puso kong minsang binuo ng maling tao.
Nakakatakot, nakakapagtaka, naguguluhan ang puso ko kung paano ko muling maibabalik ang tiwala ko sa isang tao. Natatakot akong muling magmahal dahil sa natatakot akong muling mapag-iwanan na naman sa gitna ng kawalan.
"Calli, What if gusto kita pagbibigyan mo ba akong ipakita sayo ang pagiging tapat ko?" tanong ni Ivan sa akin na labis akong nagulat. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Matagal ko na siyang kilala at nakasama. Noong mga panahong nasasaktan ako ay nand'yan siya para i-build up ako. Binuo niya ako nung mga panahong durog na durog ako pero natatakot pa rin ako na bigla siyang mag-iba kung maging kaming dalawa.
"Ivan, alam mo naming takot ako diba." Nakayukong sabi ko sa kanya. Agad naman ako nitong hinawakan sa kamay at tumingin ng diretso sa aking mga mata ko. Kitang-kita ko naman na seryoso ito pero....
"Hindi naman ako tulad ng iba, Calli. Kilala mo naman ako." Seryosong sabi nito.
"Ganyan rin ang sinabi nila sa akin pero sa huli iniwan at sinaktan rin nila ako. Kahit gaano kita kakilala hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod na araw. Hindi ko alam kung hanggang kalian ka magiging tapat sa akin. I'm so scared na muling sumugal kasi natatakot akong muling maiwan na naman." Sunod sunod kong sabi sa kanya habang unti-unting tumutulo ang mga luha ko.
"Hayaan mo kong tanggalin ang lahat ng takot na meron ka ngayon." Pangungulit nito sa akin.
"Pero hindi pa ako handa. Kung mahal mo naman ako ay hihintayin mo ako." Muling sabi ko sa kanya bago ako tumayo at lumabas sa kwarto.
Siguro tama sila na kapag nasaktan ka na matatakot ka ng muling sumugal at magtiwalang muli. Natatakot kang muling ipagkatiwala ang puso mo sa iba dahil baka sa una lang nila ako pahalagahan at sa huli ako na naman ang maiiwang mag-isa lalabang muli at bubuoin ang puso kong muli na naming sinira ng maling taong pinagkatiwalaan ko.
BINABASA MO ANG
MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]
Historia CortaCompilation of my one-shot stories posted on my FB account, "WADE ARTEMIS".
![MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]](https://img.wattpad.com/cover/255780875-64-k176765.jpg)