ONE DAY WITH YOU
Written by: Wade ArtemisNaranasan mo na bang magpakatanga sa iisang tao? Yung tipong alam mong hindi ka naman niya gusto pero pinipilit mo pa rin yung sarili mo? Nagpaka-martyr ka na rin ba kagaya ko?
Naranasan mo na bang magkagusto sa kaibigan mo pero ang gusto niya ay ang isa niyo pang kaibigan? Yung tipong habang ginugusto mo siya ay nakikita mo kung paano siya mahulog at magkagusto sa kaibigan niyo?
"Hoy Theo at Clarence gala tayo." Pagyaya ni Ava sa amin ng kaibigan kong si Theo.
Ava is my crush since I was sixteen years old. Grade 9 ako that time nang marealize ko na gusto ko siya. Never akong nagconfess sa kanya dahil sa takot rin ako nang mga panahon na 'yon. Takot na takot ako kasi baka iwasan niya ako. Marami na rin kasi akong narinig na kwento ng mga kaklase naming na nagkagusto sa kaibigan nila. They confess at ang ending nasira ang friendship nila kaya naman tinago at minahal ko na lang siya ng patago. Mas okay ng hindi niya alam.
"Saan pupunta madam?" natatawang sabi ni Theo rito habang nakaakbay pa kay Ava. Si Theo, Ava at ako ay magkakaibigan simula noong elementary kami gaya ko may gusto rin si Theo kay Ava pero hindi rin siya umaamin. Sa akin lang siya nagsabi na may gusto siya kay Ava. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit hindi ko magawang umamin kay Ava. Nangako kami ni Theo na never kaming magkakagusto sa iisang babae.
"Sa may taas doon sa rooftop diba maganda pagmasdan yung paglubog ng araw doon." Masayang sabi ni Ava.
"Doon na lang tayo sa bahay naming doon sa rooftop naming maganda din kasi ang view doon e." pagyayaya ko sa kanilang dalawa.
"Tara tara." Pagsang-ayon ni Theo sa akin. Naglalakad kami ng biglang umangkas si Ava sa likod ni Theo. Nakita ko naman ang pagngiti nilang pareho. Nauna silang maglakad mula sa likuran nila ay kitang kita ko kung paano sila tumawang dalawa. Kitang kita ko ang matatamis na ngiti ni Ava na si Theo lang ang nakakagawa. Para silang magkasintahang mahal na mahal ang isa't isa."Magiging gano'n din ba kasaya si Ava kung ako ang kasama niya?" mahinang tanong ko sa aking sarili.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Agad kaming dumiretso sa rooftop para pagmasdan ang paglubog ng araw. Kagaya ng nakita ko kanina ay masaya silang nagtatawanan at nagkukwentuhang dalawa. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan siguro dahil sa nakikita ko kung paano mahulog ang babaeng mahal ko sa ibang tao.
"Uuwi na pala ako kasi uuwi sila mama e ikaw na lang maghatid kay Ava do'n sa sakayan ha." Sabi ni Theo bago dali daling umalis.
Naiwan kami ni Ava sa rooftop. Pinagmasdan naming dalawa ang unti-unting paglabas ng buwan at ng mga bituin sa kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin kaya binigay ko sa kanya ang jacket na nasa gilid ko.
"Ava." Tawag ko rito. Natatakot man ako sa maaaring mangyari pero gusto ko nang aminin sa kanya yung totoo kong nararamdaman.
"Bakit Clarence?" tanong nito sa akin.
"Gusto kita. Ay mali, Gustong gusto kita." Pag-amin ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Agad siyang yumuko nang marinig niya ang pag-amin ko. Mukhang alam ko na ang isasagot nito sa akin.
"Sorry Clarence pero kasi may gusto na akong iba." Malungkot na sabi nito sa akin. Alam ko naming may lihim siyang pagtingin kay Theo e. kitang kita ko 'yon sa mga mata at galaw niya. Kung paano siya tumawa at sumaya kapag kasama niya si Theo. Ibang iba siya kapag si Theo ang kasama niya.
"It's okay. Matagal ko na rin naming alam na si Theo ang gusto mo gusto ko lang umamin sayo." Nakangiti kong sabi rito para hindi siya makaramdam ng guilt. Pinilit kong ngumiti kahit gusting gusto ko nang umiyak.
"Sorry talaga." Paghingi nito ng tawad sa akin.
"Ayos lang ano ka ba pero maaari bang maging akin ka sa loob ng isang araw? After no'n hahayaan na kitang magkagusto kay Theo gusto ko lang maranasang makasama ka kahit isang araw lang." sabi ko sa kanya. Tanging tango lang ang isinagot niya dahilan para mapangiti ako. Siguro napakamartyr nitong gagawin ko pero lahat kaya kong gawin para lang sa kanya.Dahil madilim na rin ay naisipan ko na siyang ihatid baka kasi hanapin na siya sa bahay nila. Inihatid ko siya sa sakayan dahil medyo malayo ang bahay nila sa bahay namin.
"Susunduin kita bukas ha." Sabi ko sa kanya bago siya sumakay sa jeep.
Siguro bukas na ang huling araw na magiging masaya ako habang kasama siya. Matagal tagal ko na rin siyang pinapanood kung paano mahulog sa kaibigan ko. Kaya bukas lulubusin ko na ang huling araw na makakasama ko siya.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Dali dali akong nag-ayos ng aking sarili para maging maayos naman akong tignan kapag nagkita kaming dalawa. Dapat ba akong matuwa dahil sa araw na ito ay masosolo ko siya o dapat ba akong malungkot dahil ito na ang huling araw na makakasama ko siya.
Pinaharurot ko ang motor na bigay sa akin ni papa papunta sa bahay nila Ava. Mula sa malayo ay tanaw ko na ang kagandahan nito. Lumapit ako sa kanya at nginitian naman ako nito.
"Ayos lang sayo? Iangkas kita?" tanong ko rito. Hindi pa lumalagpas ang isang segundo ay umangkas agad ito. Bigla kong naalala na gusting gusto pala niya ang iniaangkas siya sa motor. Dinala ko siya sa paborito niyang amusement park. Ideal date niya kasi 'yon.
Buong araw ay masaya lang kaming dalawa hindi naming inisip ang iba tanging siya at ako lang. Sa aming dalawa ang atensyon. Ngayon ko lang din naranasan at marinig ang tawa niyang napakalakas. Ngayon ko lang nakita ang mga ngiti niyang abot tenga. Sa sobrang saya naming ay hindi ko napansing pagabi na pala kaunti na lang ang oras na natitira. Kung maaari ko lang hilingin na 'wag ng matapos ang araw na ito ay kanina ko pa ginawa. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin bukas, kung ano na ang magiging sistema ko nang walang siya sa buhay ko.
Pero kasi hindi ko naman kailangan maging makasarili siguro ay tama na ang araw na 'to na naging masaya ako kasama ang babaeng pinakamamahal ko. Siguro ay dapat ko nang tanggapin na hindi kami ang para sa isa't isa.
"Ava, ihahatid na kita sa bahay niyo after mo diyan." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Picture tayo please first time ko kasing makasama ka sa lugar na 'to." Nakangusong sabi nito sa akin. Tumango lang ako at pinanood siyang kumain. Matapos niyang kumain ay nagselfie kaming dalawa gamit ang camerang dala dala ko at ang cellphone niya. Inihatid ko si Ava sa bahay nila.
"Salamat sa araw na 'to Ava nag-enjoy ako." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Nag-enjoy rin ako Clarence." Sabi niya sa akin. Lumapit ako kay Ava para yakapin siya ng mahigpit. Napangiti naman ako nang yakapin niya rin ako pabalik.
"Mahal na mahal kita Ava." Bulong ko sa kanang tenga niya. Agad akong umalis dahil sa unti-unti nang tumutulo ang luha ko.
Simula nang araw na 'yon ay iniwasan ko si Ava kahit pa hindi niya sinabing iwasan ko siya ay ako na ang kusang dumistansya. Hinayaan ko na lang siyang maging masaya sa piling ni Theo. Nabalitaan ko na rin na nagsimula na si Theo na ligawan siya.
Masaya ako na masaya siya sa iba kahit pa ikadurog ko. Nakakalungkot man pero kailangan kong tanggapin. Maybe this is my paubaya story.
BINABASA MO ANG
MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]
Cerita PendekCompilation of my one-shot stories posted on my FB account, "WADE ARTEMIS".