MY BIGGEST MISTAKE
Written by: Wade Artemis
"Pre, anong gagawin mo kapag yung girlfriend mo biglang sumuko sayo?" tanong ng kaibigan ko sa akin habang nagiinuman kami dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Ako? Iiwan ni Katty? Malabo yan pre alam mong napakalabong mangyari yan." Mayabang na sabi ko sa kanya. Hinding hindi ako magagawang iwan ni Katty dahil alam kong pagkawala ko ang kahinaan niya. Kung iiwan niya ako bakit pa siyang nagmakaawa sa aking 'wag ko siyang iiwan.
"Natanong ko lang naman pre dahil gaya ng sabi nila, Even the hottest coffee gets cold." Muling sabi nito sa akin. Napailing na lang ako sa sinabi niya at nagfocus sa mga babaeng nagsasayaw sa unahan. Halos lunurin ko ang sarili ko sa alak at bisyo para lang iwan ako ni Katty. Ewan ko ba sa babaeng 'yon kahit lokohin at gaguhin ko na ng harap harapan ay hindi pa rin ako iniiwan.
Oo, ilang beses ko nang niloloko si Katty pero hindi niya pa rin ako iniwan. Tinanggap niya pa rin ako kahit napakagago kong tao. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit naging ganito ang pakikitungo ko kay Katty. Maayos naman kami noon pero kasi habang patagal ng patagal pa-boring siya ng pa-boring. Nagbago rin ang lahat noong niyaya ko siya sa kama pero hindi siya pumayag. Lalaki ako at may pangangailangan rin. Hinanap ko sa ibang babae ang bagay na hindi niya maibigay sa akin.
Ala una y media na ng medaling araw nang umuwi ako sa bahay naming ni Katty at gaya ng inaasahan ko ay gising pa ito at hinihintay ako. Agad itong lumapit sa akin at inalalayan paupo sa sofa. Pinaghanda niya ako ng pagkain. Alagang alaga ako ni Katty. She always care for me kahit pa puro panggagago lang ako ginagawa ko. Hindi ko nga alam kung bakit mahal na mahal ako nito kahit pa puro sakit lang ang binibigay ko sa kanya.
"Katty?" Tawag ko rito.
"Hmm?" maikling sagot nito sa akin.
"Bakit hindi mo ko iniiwan kahit ganito ugali ko?" muling tanong ko sa kanya. Gusto ko talagang malaman kung bakit ba kasi hindi na lang niya ako iwan.
"Mahal kita Ian e. Mahal na mahal kita at hindi ako nawawalan ng pag-asa nab aka one day magbago ka at mahalin mo ko ng totoo. Pero alam mo kahit mahal kita kahit tanggap ko kung ano ka hindi ko maintindihan kung bakit mo ko ginaganito hinihintay ko na lang na mapagod ako sa kakaintindi sayo." Sunod sunod na sabi nito saka dumiretso sa kusina.
Hindi ko alam kung bakit sa ikli ng sinabi nito ay nakaramdam ako ng kirot at awa sa puso ko. Hindi ako yung tipo ng tao na medaling masaktan pero sa sinabi niya sobra akong nasaktan. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nakatulog na ako sa sobrang kalasingan.
Nagising ako ng may maramdaman akong gumalaw sa gilid ko at pagmulat ng mga mata ko ay si Katty ang bumungad sa akin. May dala-dala siyang tray ng pagkain para sa umagahan ko. Inilapag niya 'yon sa gilid ko at saka dumiretso palabas. Palaging ganito ang sistema naming dalawa.
Halos dalawang linggo akong hindi nag-inom at hinayaan ko ang sarili kong makasama si Katty at mahalin siya ng buo. Naging masaya naman ako kahit papaano. Naramdaman ko yung naramdaman ko noong bago pa lang kaming dalawa. Akala ko ay ayos na kaming dalawa pero umayaw pa rin siya sa kama. Halos pitong taon na kami pero wala pang nangyayari sa aming dalawa. Nimagpahalik sa akin ay ayaw niya.
Bumalik ako sa paglalasing at pangbabae. Doon ay nakilala ko si Ysa. Maganda at sexy si Ysa masaya rin siyang kasama hindi tulad ni Katty. Dahil kay Ysa ay isang beses na lang akong umuwi sa bahay naming ni Katty. Minsan ang mga kaibigan ko na lang ang nagsasabi sa akin na hinahanap daw ako ni Katty.
Nagdesisyon akong umuwi ngayon para naman kamustahin din si Katty baka kung ano ng nangyari sa babaeng 'yon. Pagpasok ko sa bahay ay bumungad sa akin ang dalawang maleta at ang nanonood na si Katty.
"Nand'yan ka na pala." Nakangiting sabi nito sa akin.
"Ah may kukunin lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. "Sa'n pala punta mo?" tanong ko sa kanya.
"I'm breaking up with you Ian. Pagod na rin kasi akong magpakatanga sayo e ingatan at alagaan mo yang sarili mo salamat sa lahat." Sabi nito sa akin at hinila ang maleta niya palabas.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil finally nakalaya na rin ako sa kanya o dapat ba akong malungkot dahil sinukuan na ako ng babaeng never kong inaasahang iiwan ako.
Months had passed since iwan ako ni Katty gaya ng inaasahan ay naging kamim ni Ysa. Habang patagal kami ng patagal ni Ysa ay nagiging boring na rin siya kaya iniwan ko siya. Sobrang bilis kay Ysa na hayaan akong mawala sa kanya na never kong naranasan kay Katty. Ewan ko ba bigla ko na lang namiss si Katty.
Dati kapag uuwi ako sa bahay ay siya ang makikita kong naghihintay sa akin. Siya yung nandyan para alagaan ako at asikasuhin. Pero ngayon wala na. Wala ng maghahanda ng pagkain ko sa umaga, wala ng maghihintay sa akin na umuwi kahit dis oras na nang gabi.
Naglalakad ako sa mall para mamili ng makita ko si Katty sa isang food court. Agad koi tong nilapitan at kitang kita ko na ang laki ng pinagbago nito. Kung dati ay hindi nag-aayos si Katty, ngayon ay sobrang ganda na nito lalo pa siyang gumanda dahil sa suot niyang peach na dress.
"Ian?" tawag nito sa akin ng mamukhaan niya ako. Nginitian ko naman siya. Sobrang namiss ko ang boses at mga ngiti niya ilang buwan ko rin 'yong hindi nakita.
"Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya.
"Ito masaya naman. Okay lang ako lalo na at nakita ko na yung halaga ko." Masayang sabi nito sa akin. Tila ba'y sinampal ako sa sinabi niya.
"May kasama ka ba gusto mo sumama ka sa'kin dun sa paborito mong coffee shop?" pagyayaya ko sa kanya.
"Galing na kami doon ng boyfriend ko e. Oh ayan na pala siya." Sabi niya sa akin habang palapit ang isang lalaki.
"Love ano tara na? ay friend mo love?" masayang sabi ng boyfriend niya habang nakaakbay at hawak hawak ang mga kamay ni Katty. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Katty kasama ang boyfriend niya. Ngayon ko na lang siya muling nakitang ngumiti ng gano'n.
"Ian si Kevin boyfriend ko, Kevin si Ian ex ko." Pagpapakilala nito sa akin. Nagkamayan lang kaming dalawa ng boyfriend niya. Sobrang bait at ang approachable nito kaya siguro nagustuhan siya ni Katty.
"Mauna na kami pre ha may appointment pa kasi si Katty." Pagpaalam nila sa akin. Nginitian lang ako nito bago sila umalis.
Siguro tama nga sila you'll never know the value of a person until they're gone. Yun ang pinakamalaking pagkakamali ko, ang sayangin ang babaeng minsan ng naging akin. Yung babaeng walang naging rason para iwan ako pero dahil sa kagaguhan ko ay nawala siya. At ngayon ay masaya na siya sa iba habang ako siya pa rin ang mahal. Sana pala ay pinahalagahan ko siya nung mga panahong ako pa yung pinakamamahal niya.
BINABASA MO ANG
MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]
Kısa HikayeCompilation of my one-shot stories posted on my FB account, "WADE ARTEMIS".