KILLING ME SOFTLY
Written by: Wade Artemis
Maaga akong natulog sa kadahilanang narinig kong aalis daw kami nila mama. Ngayon ko lang kasi narinig na buong pamilya kaming aalis kadalasan kasi ay si kuya at ate lang ako palaging kasama at ako lang ang maiiwan dito sa bahay para magbantay. Inihanda ko ang pinakamaganda kong damit. Sobrang espesyal ng white dress na ito dahil ito ang kauna-unahang regaling natanggap ko sa aking ina. Matapos ko ihanda ang dress ko ay naghilamos na ako bago matulog.
Nagising ako nang may tumamang sinag ng araw sa aking mukha. Dali-dali akong bumangon para maghanda nan g aking sarili dahil aalis kami. Mabilis akong naligo at nag-ayos ng aking sarili para naman kaaya-aya akong tignan kapag lumabas na kami. Ayaw kasi ni mama ng hindi maayos ang suot. Nagmamadali akong bumaba na halos mahulog na ako sa hagdan.
"Mama han-" naputol ang aking sasabihin ng wala ng tao sa baba. Agad kong tinignan ang kwarto nila para tignan kung tulog pa sila pero wala na siguro ay umalis na sila. Iniwan na naman nila akong mag-isa sa bahay. Malungkot akong bumalik sa aking kwarto para bumalik na lang sa aking pagtulog. Sobrang saya ko pa naman kasi akala ko ay aalis kami kaso sila na naman pala."Bakit nga ba ako umaasang isasama nila ako e hindi naman nila ako itinuturing na pamilya." Mapait akong ngumiti habang pinupunasan ang mga luhang nag-uunahang pumatak. Nasanay na rin ako sa ganitong sistema dahil paulit-ulit lang rin naman.
Nagpalit na ako ng damit dahil hindi naman ako kasama sa pag-alis nila. Kinuha ko na lang ang mga gamit ko para gawin ang mga projects ko. Nang matapos ko ang mga projects ko ay naglinis ako ng bahay. Ginawa ko lahat ng gawaing bahay gaya ng pagluluto,paglilinis,paglalaba at pagsasaayos ng mga nagkalat na gamit rito. Pasado ala sais y media ng gabi na ako natapos dahil sa dami ng ginawa ko sa bahay. Dahil sa sobrang pagod ko ay ibinagsak ko ang katawan ko sa aking kama.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata para matulog nang marinig ko ang tawanan ng mga taong dumating. Rinig na rinig ko mula sa aking kwarto kung gaano sila kasaya.
"Magiging ganyan ba sila kasaya kung kasama nila ako?" nagsisimula na namang pumatak ang mga luha ko dahil sa selos na nararamdaman ko kila ate at kuya. Sana gaya nila ay paboritong anak rin ako para palagi rin akong nabibigyan ng atensyon at pagmamahal. Pero kasi kapamilya ang tingin nila sa akin kundi malas. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa aking pag-iyak.Paggising ko ay inayos ko ang sarili ko para pumasok sa paaralan. Hindi na ako nag-umagahan dahil sa alam kong ubos na ang pagkain.
Mula sa malayo ay natatanaw ko na ang aking mga kaibigan. Masaya silang nagtatawanan na halos ay hindi na sila makahinga. Sila na lang ang meron ako kaya labis ko silang pinahahalagahan. Masaya ako kapag kasama sila.
"Uy nand'yan ka na pala Sayuri." Sabi ng isa sa aking mga kaibigan.
"May gawa ka na bas a math Sayuri? Pwede bang mahiram yung notes mo?" tanong nito sa akin.
"Sige lang halika dun tayo sa room." Pagyayaya ko sa kanila.Naglalakad kami papunta sa classroom. Sila yung nasa unahan habang ako naman ay nasa likod nila. Bakit ba lagi na lang akong napag-iiwanan. Masayang masaya silang nagtatawanan habang hindi nila napapansin na nasa likod ako. Nang makarating kami sa room ay agad nilang kinuha ang notebook ko para kopyahin ang gawa ko.
"Uy gala tayo mamaya after class."
"Dun tayo sa bagong bukas na milktea shop.""Sige sige sama ako."
"Sama din ako." Masayang sabi ko sa kanila. Nagtinginan naman sila na para bang ayaw nila akong isama.
"Sorry pero para lang sa apat yung pera ko e next time na lang." sabi nila sa akin. Tanging tango at ngiti na lang ang nagawa ko dahil pagod na rin akong ipagpilitan ang sarili ko sa kanila.Matapos ang klase naming ay naghanda na ako pauwi. Uuwi na naman akong walang kasabay dahil sa yung mga kaibigan ko ay may pupuntahan ng hindi ako kasama. Palagi na lang akong napag-iiwanan. Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung kaibigan ba talaga nila ako.
Naglalakad ako pauwi ng makita ko ang boyfriend kong may kahalikang babae. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Agad kong nilapitan at sinabunutan ang babaeng kahalikan niya. Pero mas kinampihan pa niya ito.
"ANO BANG PROBLEMA MO!?" sigaw nito sa akin dahilan para tumulo ang mga luha ko.
"I-ikaw yung problema ko! Girlfriend mo ko pero ano 'to!" umiiyak kong sabi sa kanya habang hinahampas hampas siya.
"Break na tayo sobrang boring mo hindi ka pumapayag na halikan kita saka wala kang kwenta kaya ka iniiwan e." sigaw nito sa akin sabay talikod. Akmang aalis na siya ng pigilan ko siya.
"Alam mo ang dami kong problema tapos ganito ka pa. Sobrang nasasaktan ako para bang pinapatay niyo ko sa sobrang sakit. Ano bang kulang sa akin at ganyan kayo sa akin? Ano bang mali kong ginawa at tinatrato niyo akong parang basura." Humahagulgol kong sabi rito. Tinawanan lang ako nito dahilan para mas lalo akong masaktan.
"Bakit ano bang inaakala mo? Na mahal ka talaga ng mga taong nakapaligid sayo? 'Wag ka ng umasang mamahalin ka nila dahil isa ka lang basura. Wala kang kwenta ginamit nga lang kita e." sabi nito sa akin saka umalis kasama ang babaeng kahalikan niya kanina.
Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko at ganito ang mundo sa akin. Halos lahat naman ginawa ko pero bakit parang balewala pa rin. Lahat naman binibigay ko para lang pahalagahan din nila ako pero bakit ganito pa rin? Bakit parang basura pa rin nila ako kung ituring.
Pagpasok ko sa bahay ay sabunot agad ni mama ang sumalubong sa akin.
"ANO SAN KA GALING HA KABABAENG TAO MO ANONG ORAS KA NA UMUUWI!" sigaw nito sa akin habang hila hila ang buhok ko.
"Lumandi na naman yang anak mo, Ma." Gatong ni ate dahilan para mas magalit si mama sa akin.Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ayaw kong magalit sa kanila pero sagad na pagod na pagod na ako. Paulit-ulit na lang.
"IKAW ANG LANDI LANDI MONG BATA KA PAR---" naputol ang sasabihin ni mama ng sigawan ko siya.
"Palagi na lang ma,""Galing ako sa school pagod na pagod ako sa buong araw ko kakaaral para lang ipakita sa inyo na kaya ko rin maging katulad nila ate at kuya. Alam niyo ba kung anong pinagdadaanan ko?" tanong ko sa kanila ngunit tanging yuko lang ang kanilang nagawa.
"Hindi niyo alam kasi wala naman kayong pakialam sa akin. Puro ate si kuya lang naman ang iniisip niyo paano naman ako? Paano naman akong kailangan din ang oras at pagmamahal niyo. Hindi na nga ako nagrereklamo kapag umaalis kayo ng hindi ako kasama. Hindi ko magawang magreklamo kapag may ipapabili ako pero hindi niyo binibili kasi mas kailangan ni kuya mas kailanga ni ate." Sunod sunod kong sabi sa kanila. Naramdaman ko naman lalapit si ate sa akin kaya umatras ako.
"At ngayon yung boyfriend ko nakita kong may kahalikang babae. At alam niyo ba kung anong sabi niya sa akin? Sabi niya walang nagmamahal sa akin dahil wala akong kwenta." Umiiyak kong sabi sa kanila.
"Anak hindi yan totoo." Sabi ni mama sa akin.
"Hindi ma totoo yun kasi kahit nga kayong pamilya ko ay itinuturing akong basura, Yung mga kaibigan ko ginagamit lang ako. Alam niyo para niyo kong pinapatay. The way na itrato niyo ko yung mga pinaparamdam niyo sa akin. Pagod na pagod na po ako pwede bang tama na? Kasi hindi ko na kaya e.""Sa bawat araw na lumilipas unti-unti na lang akong nasasanay e. At sa bawat araw oras taon na lumilipas dahan dahan niyo rin akong pinapatay." Hindi ko na kinayanan at tumakbo na lang ako paakyat sa aking kwarto. Ni-lock ko ang pinto at hinayaang umagos ng umagos ang mga luhang gusto ng kumawala sa mga mata ko. Isa lang ang alam ko ngayon. Yun ay ang pagod na ako. Pagod na akong mabuhay sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]
Cerita PendekCompilation of my one-shot stories posted on my FB account, "WADE ARTEMIS".