OUR ALMOST
Masaya akong pinagmamasdan ang girlfriend kong mahimbing na natutulog. Pinagmamasdan ko ang mga labi niyang malarosas, ang mahahaba nitong pilikmata, ang napakaganda niyang mukha. Valerie is my girlfriend since I was 23. Nakilala ko siya sa school namin. Third year college ako habang siya naman ay first year college pa lang. Sa umpisa ay lihim lang ang relasyon naming dalawa dahil sa hindi pa siya pinapayagan ng mga magulang niya na magkaroon ng boyfriend kaya kahit gusting gusto kong ipagsigawan sa mundo na siya ang babaeng mahal ko ay hindi ko magawa dahil sa natatakot ako na mawala siya sa akin kapag nalaman ng pamilya niya. Tiniis naming dalawa ang hirap na pinagdaanan naming dalawa.
Valerie is not just my girlfriend. She's my queen, my food buddy, my home, my life. Valerie means everything. Never siyang nawala sa tabi ko. Palagi siyang nand'yan para damayan ako, para palakasin ang loob ko. Mabait siyang girlfriend sa akin. Kapag hindi ako maintindihan ng iba ay nand'yan siya para ipadama sa akin na kahit iwan at pagsarhan ako ng pinto ng iba ay nand'yan siya para pagbuksan at kupkupin ako. Lahat ng 'yon ay ginagawa niya noong panahong malakas pa siya.
Everything was fine. Not until, nalaman ng parents niya ang relasyon naming dalawa. Pinilit nila kaming paghiwalayin pero dahil mahal namin ang isa't isa ay kinaya naming dalawa. Kahit milyong espasyo ang naging hadlang sa aming dalawa ay kinaya namin ito. Dumating sa punto na nagmakaawa ako sa parents niya. Pinakita ko sa kanila na responsible akong lalaki. Noong una ay hirap na hirap ako hanggang sa napapayag ko silang lahat. Akala ko ang araw na 'yon ang pinakamasayang araw para sa amin ni Valerie pero hindi pala.
Sinugod siya sa hospital dahil sa may sakit nga siya. 'yon ay ang cancer niya. Stage 3 ang cancer na meron siya. Palagi siyang sinusugod sa hospital hirap na hirap siya sa kalagayan niya. Pero lahat ng 'yon ay kinakaya niya para sa akin, para sa amin. Pinapasaya ko siya, inaalagaan at mas lalong minamahal. Kapag kaharap ko siya hindi ko pinapakitang nasasaktan ako para sa kanya. Hindi ko magawang umiyak sa harap niya dahil ayaw kong makita niya akong nahihirapan sa sitwasyon niya.
Kahit pa sobrang sakit ng tadhana naming dalawa ay mahal na mahal namin ang isa't isa. Nangako kaming dalawa na sabay naming lalabanan ang mga problemang meron siya at meron ako. Things got worst, mas nanghina na siya. Ang dating masigla, malusog, palatawang si Valerie ay unti-unti ng bumabagsak ang katawan niya. Ang boses niya ay unti-unti ng nanghihina. Minsan nga ay gusto na niyang sumuko pero hindi ko hinahayaan na maramdaman niya ang bagay na 'yon.
"Mahal, kaya natin 'to diba? Cancer lang yan si Valerie ka kayang kaya mo yan mahal." Halos tumulo ang mga luha ko habang sinasabi ang mga salitang 'yon sa kanya.
"Diba magkakapamilya pa tayo? Sabay nating panonoorin ang paglubog ng araw at ang unti-unting paglabas ng tala at buwan sa kalangitan. Kakantahan pa kita kapag ikinasal tayo diba?" Pagpapaalala ko ng mga pangako naming sa isa't isa. Nginitian niya ako at lumuha gaya ko. Mas lalo akong naiyak dahil sa binitawan niyang mga salita.
"Mahal, kapag nawala na ako at hindi na tayo magkita tandaan mo na mahal na mahal kita at sobrang swerte kong nakilala kita. Dahil sobrang bait mo at palagi mong pinapalakas ang loob ko na labanan ang sakit na ito. Mahal takot na takot ako na baka hindi na ako magtagal pa." sabi nito habang umiiyak. Niyakap ko ito ng mahigpit para lumakas ang loob niya.
Mahal na mahal ko siya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ang babaeng tulad niya. Habang lumilipas ang mga panahon ay mas lumala pa ang sakit niya. Dumating sa punto na stage 4 na ang sakit na nagpapahirap sa kanya.
"Mahal." Tawag nito sa akin. Agad ko naman itinigil ang ginagawa ko para lumapit sa kanya. Sobrang hinang hina na siya na tipong hindi na siya makapagsalita ng malakas. Hirap na rin siyang kumain.
"Bakit mahal ko may kailangan k aba?" tanong ko rito habang hawak hawak ang kamay niya. Sobrang nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nahihirapan kung minsan hinihiling ko na bakit hindi na lang ako ang pahirapan.
"Mahal, hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal." Malungkot na sabi nito kaya agad tumulo ang mga luha ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya para palakasin ang loon niya.
"Mahal, gusto ko kapag wala na ako ay magahal ka muli ng babae ha yung malakas at aalagaan ka rin okay. Mangako ka sa'kin. Natatakot ako mahal, nahihrapan na ako gusto ko ng magpahinga." Umiiyak na sabi nito sa akin. Mas lalo pa akong humagulgol at tanging tango na lang ang nasagot ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "
"Mahal kakantahan kita ha matulog ka na anong oras na rin oh." Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya. Pinunasan niya rin ang luha ko. Agad kong kinuha ang gitara ko para kantahan siya. Sa bawat pagkalabit ko sa gitara ay kasabay nito ang mabilis na pagpasok sa aking isipan ng mga ala-alang aming pinagsaluhan. Ilang kanta pa ay nakatulog na siya. Inayos ko ang kumot niya pati ang mga aparatos na nakakabit sa kanya. Hinila ko rin ang upuan palapit sa tabi niya para doon ay tabihan ko siyang matulog. Hinawakan ko ang kamay nitong sobrang payat. Hinalikan ko ito bago ko ipikit ang mga mata ko.
Nagising ako ng makarinig ng mga hagulgulan sa loob ng kwarto ni Valerie. Naramdaman ko na ring nakabitaw na ang kamay ni Valerie sa akin dahilan para humagulgol na rin ako.
"Mahal diba lalaban tayo gising diyan diba nangako tayo kagabi." Umiiyak kong sabi rito.
"Anduga mo naman e gising na diyan." Niyuyugyog ko ang katawan nito nagbabakasakaling gigising pa siya kahit alam kong imposible na. Pinigilan ako ng mga magulang niya at niyakap ng mahigpit.
Halos gumuho ang mundo ko sa nangyaring 'yon. Mahal na mahal ko siya. Lahat ng laban nakayanan naming pero ang laban sa sakit niya ang siyang sumira sa amin.
Ngayon tanging larawan, old convos na lang naming ang meron ako. Binabalikan ko ang mga ala-alang pinagsaluhan at iniwan niya sa akin.
"Mahal, hintayin mo ako sa susunod na buhay ha mahal na mahal kita Valerie." Sabi ko habang nakatingala sa asul na kalangitan.
Sa susunod nating buhay sabay na nating panonoorin ang paglubog ng araw at ang dahang dahang paglitaw ng mga tala at buwan. Mahal na mahal kita.
BINABASA MO ANG
MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]
Cerita PendekCompilation of my one-shot stories posted on my FB account, "WADE ARTEMIS".