'TIL OUR NEXT ECLIPSE,MY MOON
Written by: Wade Artemis
I have a girlfriend and her name is Luna. We've been together for almost two years. Napapangiti na nga lang ako kapag naaalala ko yung mga panahong nililigawan ko pa lang siya. Dahil kay Luna malaki ang pinagbago ko kaya mahal na maha ko siya.
Naaalala ko pa noon noong marami pa akong babae, na tipong bawat araw ay papalit-palit ako ng babae. Nagbago ang takbo ng buhay ko nang dumating siya. Siya lang kasi yung babaeng hirap na hirap akong mapasagot. Noong una trip trip ko lang naman siya pero habang lumilipas ang mga araw ay napapamahal na rin ako sa kanya. Lahat ginawa ko mapasagot ko lang siya. Hinarana, pinag-igib pati ang kaniyang mga magulang ay niligawan ko. Halos tatlong taon ko rin siyang niligawan at sobrang worth it nito dahil ngayon akin na siya.Maraming nagsasabi na almost perfect na ang relasyon naming dalawa ni Luna at hindi ko naman ito maitatanggi dahil I found someone na sobrang matured para ihandle ang ugaling meron ako. Siya yung tipo ng babae na hindi kailangan hawakan ang account mo, hindi ka niya pipilitin sa mga bagay na ayaw mo. Sobrang saya ko dahil sa dami ng matinong lalaki ay ako ang minahal niya.
Pero hindi naman maiiwasan ang mga away at selos sa aming dalawa. Kung minsan ay nagkakaroon rin kami ng misunderstanding pero mabilis naming itong inaayos hindi dahil sa marupok kami kundi dahil sa mahal namin ang isa't isa.
Luna is caring and sweet. Palagi niya akong inaalala kung minsan ay para ko na siyang magulang kung mag-alaga siya sa akin. She's my food buddy, my crying shoulder and also my bestfriend. Everytime na makakaramdam ako ng insecurities nand'yan siya para i-cheer up ako. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko sa past life ko at sobrang blessed ko ngayon. Wala na akong ibang hinahangad pa kundi ang makasama si Luna sa buong buhay ko. Gusto kong igugol ang lahat ng atensyon, oras at pagmamahal ko sa kanya.Kasama ko siya sa lahat ng gagawin ko at ang pinakapaborito naming gawin ay ang pagmasdan ang buwan at mga bituin sa kalawakan. Sabay kaming nangangarap habang saksi ang kalawakan. Nangako kaming dalawa sa ilalim ng buwan. Pero gaya ng sabi nila, hindi sa lahat ng oras ay palagi na lang kayong masaya. Darating kayo sa punto kung saan puro problema.
Maayos naman ang lahat, masaya kaming dalawa hanggang sa dumating ang araw na bigla na lang siyang naging cold. Wala naman akong ginawang masama para maging gano'n ang pakikitungo niya sa akin. Kapag pupuntahan ko naman siya sa bahay nila palagi siyang wala. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako or what. Sinubukan ko rin siyang kausapin pero seen and cold replies lang ang natatanggap ko.
Naglalakad ako papunta sa bahay nila nang makasalubong ko si Luna. Agad ko itong niyakap dahil sa sobrang miss ko na siya. Pero hindi man lang ako nito nginitian o tinignan sa aking mata.
"Luna may problema ba?" tanong ko rito.
"Doon tayo sa garden mag-usap." Sagot nito sa akin at naglakad na papunta sa garden. Hindi ko alam kung bakit ba ako nakakaramdam ng takot at kaba sa aking puso. Bakit tila'y may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Agad kong sinundan si Luna sa garden. Ilang hakbang pa ay nakarating na kami sa garden.
"Let's end this." Malamig nitong sabi sa akin. Ngunit hindi ko maintindihan, hindi nagsi-sink in sa akin ang narinig ko. May nagawa ba akong mali?"Hey, may problema ba? May nagawa ba ako?" tanong ko sa kanya habang hawak hawak ang kaniyang mga kamay. Hindi ko kakayaning mawala si Luna sa akin, Hindi ako papaya.
"Wala." Maikling sagot nito.
"Pero bakit? Anong let's end this? May mali ba sa'kin? Babaguhin ko. Ayusin natin 'to." Sunod sunod kong sabi sa kanya.
"Wala nga. Pwede ba palayain mo na lang ako?" sabi nito habang nakatingin sa aking mga mata. Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala si Luna sa akin. Hindi ko alam kung paano magsisimula.
"Hindi na kita mahal Tristan. Ewan ko ba gumising na lang ako ng hindi na ikaw. Siguro pagod na ako sayo? Wala ng spark." Sunod sunod nitong sabi sa akin.
"May iba na? Nihindi nga tayo nag-uusap paano ka napagod? Luna two years na tayo ngayon ka pa ba susuko?" halos lumuhod na ako sa harap nito. Lahat gagawin ko kahit magpakamartyr pa ako ay gagawin ko 'wag lang siyang mawala sa akin."Walang iba pero hindi na ikaw. Please Tristan ayaw kong magcheat sayo kaya please palayain mo na ako.Ayaw rin kitang masaktan pa kaya please let me go, set me free." Sabi niya sa akin.
"No. Hindi kita susukuan baka naguguluhan ka lang. Mahal mo ko diba? Ayusin natin 'to." Pagpupumilit ko sa kanya."Mahal mo ko diba?" seryosong tanong nito sa akin.
"Mahal na mahal kita Luna lahat gagawin ko para lang sumaya ka." Seryosong sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kaniyang mga mata.
"Sasaya ako kung palalayain mo ko. Sorry." Sabi nito bago ako talikuran.
"Find someone na hindi ka sasaktan. Be happy without me. Continue your story without me my sun." dagdag pa nito bago tuluyang umalis.
Paano ko naman gagawin yun kung sa bawat pahina ng aking istorya ikaw ang gusto kong makasama. Mas gugustuhin ko na lang isara ang librong ito kung hindi ikaw ang aking kasama.Iniwan niya akong durog na durog. Halos malulong ako sa alak at bisyo. Hanggang sa narealize ko na hindi naman siya babalik kung gagawin ko ang mga bahay na ito. Ginugol ko ang sarili ko sa paggawa ng mga blue prints.
Ilang buwan ang nakalipas at narito ako ngayon sa airport dahil may malaking opportunity ang naghihintay sa akin sa ibang bansa. Nalaman ko rin na may bago na siyang boyfriend.
"Sayo pa rin ako aasa kahit alam kong malabo na. 'til our next eclipse my moon." Huling sambit ko bago ako sumakay sa eroplano. Dala dala ko ang alaala naming dalawa. Sa bawat araw na lumilipas mas lalo ko siyang minamahal kahit pa sobrang sakit na. Minamahal ko siya ng patago kahit alam kong may minamahal na siyang iba.
BINABASA MO ANG
MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]
Historia CortaCompilation of my one-shot stories posted on my FB account, "WADE ARTEMIS".