SIX YEARS WITH YOU

3 0 0
                                    

SIX YEARS WITH YOU
Written by: Wade Artemis

"Mahal kita Joaquin." Banggit ni Samatha sa pangalan ng ex boyfriend niyang si Joaquin.

Alam kong lasing lang siya kaya niya nasabi 'yon pero masakit para sa akin na marinig sa kanya 'yon. Inalalayan ko siya sa kanyang bewang dahil tutumba tumba na ito kaso naupo siya sa lapag kaya wala akong magawa kundi buhatin ito.

"Babe, malapit na tayo dun ka na sa bahay humiga higa." Sabi ko habang inaangkas siya sa likod ko. Binilisan ko ang paglakad para makapagpahinga na siya. Bakit kasi sobrang dami ng ininom niya sa reunion nilang magkakaibigan. Hindi ko naman siya magawang pagalitan dahil ilang taon rin naming silang hindi nagkikita-kita.

Ibinaba ko muna siya sa gilid ng pinto para buksan ang bahay namin. "Wait lang ah ditto ka muna babe." Mahinang sabi ko habang dahan dahan siyang inaayos ng upo sa gilid. Binuhat ko siyang muli nang mabuksan ko na ang pinto at agad siyang inihiga sa sofa.

"Joaquin, Saan ka ba kasi?" muling sabi nito habang pumapadyak padyan ang kanyang mga paa. Muli ko na naming naramdaman ang kirot sa aking puso dahil sa sinabi niya ngunit ipinagsantabi ko na lamang ang nararamdaman kong selos dahil mas kailangan niya ang pag-aalaga ko hindi ang pagtatampo ko. Agad akong kumuha ng maligamgam na tubig at pamunas para mawala siya sa kalasingan niya.

Dinala ko siya sa kwarto naming dalawa matapos ko siyang punasan at palitan ng damit niya. Ngayon ay mahimbing na siyang natutulog sa kama naming dalawa. Tinitigan ko lang ang maamong mukha nito.

"Napakaganda talaga nito kahit tulog." Natatawang sabi ko habang hinahawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya. Kinumutan ko siya at tumabi sa gilid niya. Nagulat naman ako ng humarap ito sa akin at niyakap ang nang napakahigpit.

"Goodnight my everything." Hinalikan ko ito sa noo at saka ipinikit ang mga mata ko. Dinama ko ang napakahigpit at mainit niyang yakap.

Nagising ako nang walang Samantha sa tabi ko kaya agad akong napabangon para i-check kung umalis ba ulit siya ng hindi nagpapaalam sa akin. Pinuntuhan ko siya sa bawat sulok ng bahay pero wala siya. Napatakbo naman ako ng mabilis sa kusina dahil sa kalabog na narinig ko. Napatawa naman ako ng makita ko siyang naiyak dahil sa natapon ang pagkain na niluto niya. Nilapitan ko ito at niyakap ng mahigpit.

"Babe, natapon." Umiiyak na sabi nito habang nakanguso at nakayakap sa akin.

"Hayaan mo na ipagluluto na lang ulit kita upo ka na do'n." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Pero kasi maaga ako gumising para do'n." nakanguso pa ring sabi nito sa akin. Nginitian ko ito at pisil pisil ang pisngi niya.

"Bukas gisingin mo 'ko para sasamahan kita magluto okay? 'wag na sad ang baby ko na yan." Nakangiti kong sabi habang hinahalikan ang pisngi nito. Nginitian ako nito bago siya umupo sa may lamesa.

Childish at crying baby si Samantha kaya kahit maliit na bagay ay iniiyakan niya. Sa anim na taon naming magkasa ay sanay na ako sa ugaling meron siya kaya kapag kasama ko siya ay ingat na ingat ako sa mga binibitawan kong mga salita dahil mabilis siyang masaktan lalo na kapag napagtataasan siya ng boses.

Ipinagluto ko siya ng paborito niyang pancake, nilagyan ko rin ng mga design na pusa ang gilid ng pancake niya dahil paborito niya ang mga pusa halos nga mapuno ng pusang design ang buong bahay naming dahil nga sa paborito niya ito.

"Babe, ito na breakfast mo." Sabi ko habang inilalapag ang pagkain niya.

"Saan yung strawberry?" nakangusong sabi nito sa akin habang may hawak hawak na kutsara at tinidor. Cute niya talaga.

"Mamaya kapag naubos mo na yang pancake mo." Sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya. Pinagmasdan ko lang siyang kumain. At naalala ko nga palang lasing ito kagabi.

"Babe." Pagtawag ko dito. Agad naman akong tinignan nito sa aking mga mata. Pinunasan ko muna ang nagkalat na syrup sa gilid ng labi niya bago nagsalita.

"Kagabi hinahanap mo si Joaquin." May tampong sabi ko sa kanya. Kitang kita ko sa mata niya ang pagkabigla.

"Sowwy lasing lang po ako sowwy." Sabi niya sa akin na parang baby kung magsalita. Niyakap niya ako nang sobrang higpit at pinaghahalikan sa aking pisngi. Gusto ko magtampo pero kung ganito niya ako susuyuin rurupok talaga agad ako.

"Sowwy na pwease." Dagdag pa niya habang nakanguso. Hinalikan ko ito sa labi niya saka tumango.

Mahal na mahal ko si Samantha at hindi ko alam kung paano na lang ako kapag nawala ang babaeng tulad niya. Paano na lang ako kung iwan niya ako bigla? Hindi ko alam kung ano na lang mangyayari sa akin kapag nawala na ang childish na tulad niya. Wala na akong ibang mahahanap pa na tulad niya. Yung tipo ng babae na kahit sobrang topakin at isip bata e mahal na mahal ako.

Today is our 7th anniversary. Nakasuot ako ng Gray na tuxedo habang hinihintay ang babaeng pinakamamahal ko. Sobrang ganda niya sa suot niyang white gown. Ayan yung pangarap niyang gown na susuotin niya kapag ikakasal na siya e. Ayan yung napag-usapan naming dalawa. Nagsimula ang seremonya at nagsimula ring bumalik ang mga ala-ala naming dalawa. Kung paano ko siya niligawan, pinasaya at yung mga araw na hinding hindi naming makakalimutan. Maging ang huling araw naming magkasama.

Last year 'yon nang iwan niya ako dahil sa mahal niya pa rin si Joaquin. Sa loob ng anim na taon naming magkasama may pagmamahal pa rin pala talaga siya kay Joaquin at hinding hindi ko 'yon mapapantayan.

Nabalik ako sa realidad ng magsalita ang paring nagkakasal kay Joaquin at Samantha. "You may now kiss the bride." Sabi nito kasabay ng pagtulo ng mga luha.

I was the one who build her up nung iniwan siya ni Joaquin. I was the one who fixed her broken heart. I was there when she need someone to comfort her. I was there.

"Joaquin." Tawag ko sa ex ni Samantha or should I say sa asawa na niya. Busy si Samantha sa mga bisita nila nang tawagin ko si Joaquin.

"Yes, Thank you pala bro at nakarating ka kala ko 'di na makakarating best man naming e." Masayang sabi nito sa akin.

"Can you do a favor for me?" tanong ko rito. Tumango naman ito sa akin.

"Pwede bang ingatan mo siya? Pasayahin mo siya? 'wag mo siyang sasaktan. At mahalin mo siya ng sobra sobra."
"Paborito niya ang cat kaya alam mo na gagawin mo." Sunod sunod kong paalala dito.

"Oo bro, salamat ha pangako di ko na siya sasaktan pa gaya ng dati mamahalin ko na siya ng sobra pa sa sobra." Sabi niya sa akin.

"Mag-ingat ka sa mga bibitawan mong salita sa kanya ha kasi iyakin yan e. 'Wag na 'wag mo siyang sisigawan ha." Sabi ko sa kanya.

"Oo pre salamat ha." Sabi niya.

Agad akong umalis at hindi na nagpaalam pa sa kanila dahil alam kong muli na naming babagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nang makauwi ako doon ko iniyak ang lahat. Nilibot ko ang buong bahay naming ni Samantha at muling nag-play ang ala-ala naming tapos na. Ang buong bahay na puno ng mga pusang paborito niya ang pancake na palagi niyang almusal at amoy na hindi ko na muling maamoy pa.

"Masaya na akong masaya ka. Salamat sa anim na taong nakasama kita." Sabi ko sa sarili ko.

MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon