LOVE IS GONE
Written by: Wade ArtemisI have a girlfriend and her name is Aia. We’ve been together for almost six years. At sa totoo lang ay unti-unti na akong nawawalan ng gana sa kanya. Hindi ko alam kung bakit basta isang araw gumising na lang akong hindi ko na siya mahal. Minsan ko na rin sinubukang magloko para lang palayain niya ako but I failed. Hindi niya ako sinukuan ginawa niya ang lahat para lang manumbalik ang dating sigla ng pagmamahalan naming dalawa.
Aia is sweet, caring and understanding na girlfriend at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong dumating sa puntong nagsawa ako sa kanya. She’s my food buddy, crying shoulder, my supporter and also a friend to me. Palagi siyang nandyan through up’s and down, never niya akong iniwan. Kahit na sobrang sungit, cold, at kahit pa sobrang busy ako never niya nagawang lokohin o ipagpalit ako.
Ilang beses ko na ring sinubukan ang makipaghiwalay kay Aia pero hindi ko magawa kasi naaawa ako kapag nakikita ko siyang umiiyak. Palagi siyang nagmamakaawa sa akin na ‘wag ko siyang iiwan dahil pagod na siyang maiwan. Dahil don ay nanatili ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba siya o naaawa na lang ako sa kanya. Ayokong makaramdam ng guilt kapag iniwan ko siya kaya mas pinili ko na lang manatili sa tabi niya kahit alam ko sa sarili ko na hindi na siya, hindi na siya yung mahal ko.
Two weeks ago ng may bagong trainee ang pumasok sa aming kumpanya at aaminin kong maganda ito. Siya si Alexanda. Masaya siyang kasama at hindi kill joy na tao. Mabilis mo rin siyang makakasundo dahil nakikisama siya sa lahat. Simula noong nagkaroon ng bagong trainee ay palagi na lang akong maaga kung pumasok kung minsan ay hindi na ako umuuwi dahil nagkaroon kami ng secret relationship ni Alexandra. Nagawa kong magsinungaling kay Aia na busy lang ako sa trabaho kaya hindi ako nakakauwi sa bahay at naiintindihan naman ako nito. Masaya kaming dalawa ni Alexandra palagi kaming nagda-date. Yung mga bagay na hindi naming nagagawa ni Aia ay nagagawa naming ni Alexandra.
Ngayon ay umuwi ako sa bahay para kumuha ng mga gamit ko nang bigla pumasok si Aia sa kwarto ko.
“Saan ka pupunta, love.” tanong nito sa akin habang may inilalapag ang dala niyang tea para sa akin. Alam niyang paborito ko ang tea. Naaalala ko bigla kung saan kami nagkakilala ni Aia. Yun ay sa isang tea shop, nakasuot siya ng isang fitted na t-shirt at isang mini skirt. Sobrang ganda niya ng mga araw na ‘yon siguro love at first sight kung tawagin ng nakararami ang pangyayaring ‘yon.
“Ah sa ano lang trabaho mags-stay in na lang ako dahil sobrang busy naming e.” pagsisinungaling ko rito. Ang totoo n’yan ay mag o-out of town kami ni Alexandra dahil gusto niyang icelebrate ang birthday ko doon sa paborito niyang lugar.
“Pero love birthday mo na next week diba?” tanong nito sa akin. Sa totoo lang tuwing birthday ko ay grabe ang effort ni Aia.
“Celebrate na lang natin sa ibang araw basta kailangan kong umalis ngayon.” Hinalikan ko ito sa noo bago ako tuluyang umalis. Hindi ko na pinakinggan ang sinabi niya.
Naging masaya ang celebration ng birthday ko kasama si Alexandra. Masasabi kong ito na ang pinakamasayang kaarawan ko dahil kasama ko ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko alam kung bakit koi to nagagawa kay Aia. Minsan nga ay naiinis na ang mga kaibigan ko sa akin dahil sa ginagawa ko pero wala akong pakialam basta masaya ako.
“Pre, hindi k aba naguguilty? I mean bro sobrang swerte mo kay Aia pero bakit mo nagagawa sa kanya ‘to?” tanong sa akin ng isa sa mga tropa ko. Bakit nga ba? Siguro dahil sa sawa at pagod na ako kay Aia. Siguro hindi ko na nararamdaman yung dating saya sa kanya.
“Hindi ko alam basta masaya ako ngayon kay Alexandra.” Maikling sabi ko rito.
“Hindi mo naman mahal si Alexandra e, saya lang yan pre.” Sabi nito sa akin dahilan para mainis ako.
BINABASA MO ANG
MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]
Short StoryCompilation of my one-shot stories posted on my FB account, "WADE ARTEMIS".