"Ang aga mo gumising ah, may dapat ka bang tapusin ngayon sa school?" dumiretso si Mama sa mesa kung saan ako ay naghahain ng agahan.
"Oh! Gising ka na pala, Ma! Bilis maligo ka na po at baka ma-late ka po sa work. Terror pa naman si Boss James. Yari ka na naman," binigyan ko siya ng tuwalya at tinulak papasok sa bathroom. "Ipagtitimpla po kita ng kape 'yung pasok na pasok sa tastebuds mo!" nag okay sign ako kay Mama kaya siya napangiti saka sinirado iyong pintuan ng bathroom.
Gusto kong gawin ito sa kanya habang nabubuhay pa siya. Si Mama na lang ang nandito, wala na si Papa. Iyong tipong ang sakit ng pagkawala ni Papa kasi hindi ko man lang naibuhos lahat ng gusto kong gawin sa kanya. Gusto ko pa siyang suklian sa lahat ng pasasakripisyong ginawa niya sa amin ni Mama. Rest in Peace pa, alam ko naman na nand'yan ka pa rin. And you will always be remembered in our hearts.
Nagsimulang naghanda na rin ako sa school. Sinuot ko na ang uniform ko at ini-on ang electric fan. Bakit kaya mainit dito sa taas? Nasa taas pa naman, dapat mahangin. Umagang-umaga pinagpapawisan na ako, muntik na nga akong hindi makatulog kasi ang kati ng likod ko, parang may kumakagat. Siguro dahil ito sa bahay? Nasa taas naman kami. Siguro hindi lang dumadaan si haring hangin dito kasi may 8th storey building kasi sa gilid. Naisipan kong bumili na lang ng plants para naman may oxygen dito sa bahay.
.
.
.
.
.
Nagpaalam na si Mama, nand'yan na kasi iyong sundo niya. Niligpit ko muna iyong mga kalat saka lumabas. Na datnan ko si Aling Tikay na papunta sa amin.
"Maganda umaga po," bati ko. "May kailangan po ba kayo?" singil sa kuryente? Tubig? Or utang na naman sa upa? Hindi ko alam. Sana may tatanggap sa akin na part time para makatulong ako kay Mama sa pagbayad sa gastusin o hindi kaya para ako na ang magbayad sa mga projects and requirements ko sa school.
"Ah wala. Papaalam ko na sainyo na may bagong lilipat dito sa teritoryo ko. Maging mabait kayo sa kanya, mas mahal pa ang bayad niya sa binabayad niyo kada buwan."
Kahit nakaka-offend, kailangan talagang maging magalang sa lahat, "Opo. Noted na po 'yan," sinirado ko ang bahay saka nagpaalam na rin, "Alis na po ako." pero bumalik din kaagad dahil nalimotan kong dalhin ang Chemistry laboratory book ko. May pa-oral na naman si Ma'am. Sure akong tatawagin na naman ako para sumagot sa pisara. Bakit ko ba ginawa iyon noong isang araw? Nakakahiya.
.
.
.
Sinalubong ako ni Trisha sa pintuan. Hingal na hingal ako sa kakatakbo galing sa gate papunta rito. Hindi pa naman ako late. Pero wala pa akong sagot sa laboratory sheet namin! Dapat mas maaga pa ako.
"Bakit ngayon ka lang? Ilang minuto na lang para sa laboratory natin sa Chemistry!" galit niyang bulyaw sa akin. Nag peace sign ako sa kanya pero tumingin ako saglit sa likuran niya para hanapin si Ravin. Nandoon pa rin siya sa usual seat niya during laboratory, nagbabasa ng libro habang nakikinig ng musika. Ano kaya ang pinapakinggan niya?
BINABASA MO ANG
34 seconds of falling ✔
Teen Fictionyou can change your mind and fall for someone in 34 seconds.