Abala kami sa paghahanda ng Sumire Days ng ilang araw... magiging open to all schools kasi ang Sumire High ng tatlong araw kaya todo paghahanda, halos wala na kaming pahinga. Nakakapagod talaga maging parte ng school council. I wonder bakit ako sumali... well, mabuti naman nakapasa ako sa mga subjects... pasang awa lang pero okay na rin.
"Musta ang life, girl?" bumisita si Trisha sa akin sa office. Abala ako sa pagdedesign ng dalawang booth. Tinignan ko siya sa'ka kumuha ng brush. "Medyo stress te." irap ko sa kanya.
"Nagpunta ba dito si Sarrah?" tanong niya sa akin. Hindi man lang niya ako tinulongan kunin ang pintura. "Hindi, akala ko ba magkasama kayo..." sabi ko habang nag-aaply ng new shade of color sa horror house sa classmates ni Alfredo. Bakit ba kasi ako pumayag...
"Hindi... sabi niya pupunta siya rito para tulongan ka, kita ko naman nahihirapan ka na." umupo siya sa bakanteng upuan. Wala ba talaga itong balak na tulongan ako. "Alam mo noon ko pa nakikita ito e, she's doing some activities behind us at mukhang wala siyang balak na sabihin sa atin." umiling ako, normal lang naman 'yon sa kanila. Ni minsan hindi ko na inaalam kung sino ang dinedate nila.
"Hayaan mo na 'yon baka nag-cr lang." sana matapos na itong ginagawa ko.
Dumating si Yuri at tinawag si Trisha, "Titignan mo lang ba d'yan si Destine? Sayang ang oras mo." sabi nito. Wala talaga balak ang mga ito na tulungan ako. "May dala akong bagong make-ups, i-try kaya natin? Na-imbita daw dito ung Sacred Peace... baka may gwapo." tumango naman si Trisha, e mahilig din 'yan sa mga kolorete sa mukha. Napabuntong hininga na lang ako habang tinitignan sila palayo.
Mga kaibigan talaga sa ganitong oras... sa bagay pinili ko naman ito.
"Yo, Destine! You seemed not enjoying the time of the year..." nakatayo sa harapan ko si Tyron habang ako ay nakayuko at nagpipintura sa mga kahoy na gagamitin sa horror house. Kumuha ako ng tissue at nagpunas ng pawis sa noo. Grabe 'to. Dapat nandoon pa ako mamaya sa game nila.
"May practice kayo di'ba? Punta ka na doon. Mamaya na 'yung laban niyo with Sacred Peace." hindi naman sa hindi ko gusto si Tyron, gwapo siya e, ayoko rin na magka-crush sa kanya. Teka lang... kanina ko pa hindi nakikita si Ravin a, tanungin ko kaya?
"Nah, I'm already good enough. Don't worry, I'll beat them up." pinakita niya pa sa akin ang muscles niya, 'yung ibang babae napapahinto sa paglalakad. Ang g'wapo rin naman kasi ng isang 'to. Hindi pa rin ako p'wedeng ma-fall. Isa lang ang heart ko 'no.
"And by the way, Destine. Can I have some of your time tomorrow?" Hindi ako nakapag-defense 'dun ah.
"Ha? Bakit naman? Ano'ng meron bukas?" 2nd day naman ang Sumire Days... wala namang masyadong ganap? Susubukan lahat namin 'yung mga booths. At mag mumukbang.
"You'll see." kinurot niya ang pisngi ko sa'ka tumakbo papalayo. Hindi pa nga ako nakakapagsagot.
"Tulala ka d'yan?" nagising na lang ako sa katotohanan na mukha na ni Alfredo 'yung nakikita ko. Time lapsed? "Dikit na dikit sa'yo ang englishero na 'yun a. Hilig mo sa mga kano." naglagay siya ng tools sa gilid at kinuha 'yung mga natapos ko na para buuin.
"Hindi ko crush 'yon..." namula na lang ang pisngi ko.
"Lalaki ako... kaya sinasabi ko sa'yo 'to. Huwag kang papatol sa dalawang Mirandas..."
BINABASA MO ANG
34 seconds of falling ✔
Roman pour Adolescentsyou can change your mind and fall for someone in 34 seconds.