The days had passed like I was never been here. Hindi ako nagising sa alarm clock, nagising ako sa tawag ni Ellie. Inaantok pa ako pero Ellie is the only person I don't want to be disappointed in me.
"Ellie?" bumangon ako at nag-suot ng slippers.
"Kuya! Do you forget about today?" umagang-umaga ang lakas na ng energy niya.
"Of course, I'm going to visit you in the afternoon, magpapalaundry lang ako ngayong umaga." sabi at pinaandar ang electric kettle. Umupo ako habang naghihintay na kumulo ang tubig.
"Have you told tita Destine to come?"
Bumuntong-hininga ako, bakit ko naman aayain 'yun? I'm not mad at her pero she's beyond the line. How would I react?
"Kuya!" bumalik ako kay Ellie. "I think she's busy, Ellie. Marami kaming school activities ngayon." sabi ko.
"But you didn't even ask her!" pagmamaktol niya. Naririnig ko si yaya sa background na pinipigilan siya.
Tumayo ako at naglakad palabas, still in wearing my pyjamas. "I will try to ask her now but if she said no, you can't force me to change her mind. I will call you back,"
Pinatay ko ang tawag at nakitang paakyat si Destine dito. Nagtaka ako, may kailangan na naman ito sa akin? What? Is she going to borrow my notes again? Right, last night, I saw her crying over a piece of trash. Dealing Destine is complex. I don't want that. But we're neighbors... definitely hindi ko talaga siya maiiwasan.
Nanatiling nakatingin lang siya sa akin. I don't want to be mad at her, gusto ko lang lumayo siya sa akin. "May kailangan ka na naman?" ako na ang unang nagsalita, baka magtitigan lang kami rito.
"Uhm, dadaan lang sana ako." napayuko siya at napahigpit ang hawak niya sa dulo ng palda. Tumango ako at nagbigay daan. Kaagad naman siyang naglakad. I am the only one who lived here. What does she want from here? I don't want to know. She seems so out of her mind kaya hindi ko na lang siya yayain na makipaglaro kay Ellie.
Papasok na sana ako pabalik sa room ng biglang lumabas si Yuri. I was kinda shocked to see her there. Paano siya napunta dito? Sa baba 'yung inuupahan nila di'ba?
"Hi, Ravin! Good morning sa'yo! Wow grabe ang hot mo pa rin kahit naka-pyjamas ka lang..." bigla siyang nangigil kaya napaatras ako. Talaga? Umagang-umaga makaka-eksena ko naman silang dalawa? She was so dressed up na parang may sasalihang party at mag aabroad sa dami nang gamit na dala. Tinignan ko lang siya.
"Ikaw pala ang sinasabi ni Alfredo na bago kong assistant?! How dare you take the role!" napasigaw siya halatang gulat na gulat sa presensya ni Destine.
"Oo, ako nga pala si Destine, bago mong assistant. Nag-booked na nga pala ako ng taxi na maghahatid sa venue ng shooting mo--"
"Sa tingin mo hindi kita kilala? Alisin mo nga yang red riboon mo sa ulo. Naaalibadbaran ako!"
BINABASA MO ANG
34 seconds of falling ✔
Teen Fictionyou can change your mind and fall for someone in 34 seconds.