8. faith destine

105 3 0
                                    

Replay...


"Destine! Ang ingay-ingay mo! Dinig na dinig ko iyong boses mo mismo sa kwarto ko, ba't hindi mo na lang ako tulongan sa paglilinis ng kwarto ng ate mo? Darating na iyon sa susunod na buwan or mas aaga pa!" dumagsa si Mama sa kwarto ko habang ako ay nag-aantay sa comeback ng paborito kong banda, walang-iba kun'di ang Never Island.


Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama sa akin, hindi naman sigurado kung darating ba nga si Ate, hindi pa kasi tapos ang semester, kaya baka sa ma-postpone na naman. 


"Ma! Mag cocomeback ulit ang Never Island! Baka naman... pabigyan mo ako ngayon, gustong-gusto kong makakuha ng first full album nila." sabi ko pero imbis na pabigyan, sinapak lang ako ni Mama. 


"Ayan ka na naman sa mga pagpapantasya mo! Wala tayong pera! At isa pa, hindi mo naman mapapasayo 'yung nagugustuhan mong drummer, ang layo ng agwat ninyong dalawa! Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo at mag focus na lang sa pag-aaral!"


Kay Jake, mukhang wala akong pag-asa pero kay Ravin, susubukan kong mapapasa-akin siya... kahit pa man marami akong kakompetensiya sa school, as long na walang siyang binibigyan ng pansin, hindi pa rin ako titigil. Pero paano si Ariana? Parang may namamagitan sa kanilang dalawa. Pero hindi bale, gagawin ko pa rin ang best ko. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.


"Mama naman e, ang cute kaya ni Jake." tinignan ko ang poster ni Jake Francis sa pader, kung hindi lang siya artista, noon pa man ay naplanuhan ko na kung paano ko siya maaakit, kaso ang layo nila e, hindi ko pa nga alam kung saan ang entertainment nila. Kailangan ko pang makisali sa mga fan clubs. 


"Ang gwapo talaga niya..." bulong ko. Kinuha lang ni Mama ang unan at binato sa akin saba'y sabi, "Umayos ka, Faith Destine. Huwag ka munang maglandi-landi, baka nakakalimutan mo ang usapan natin. One week akong hindi uuwi sa bahay simula bukas kaya pakilinis ng kwarto ng ate mo at baka magagalit naman iyon kapag umuwi sa rito. Matulog ka nang maaga, okay?"


Ngumuso ako sa'ka tumango, bumalik ang atensyon ko sa paghihintay ng release ng music video ng Never Island, ang lead single nilang 'Leaving Me,'.


Sinabayan ko ang first verse ng kanta,


'Just like you and I in an empty room

The lights are here but you burned the stars down

I brought you here not for that reason

That you will not be here next autumn season...'


Binuksan ko ang bintana at doon kumanta habang nagsamsampay ng mga underwears. Nakapatay ang ilaw sa second floor ng bahay at isa pa, wala pa naman nakatira doon ayon kay Aling Tikay, baka nag back out daw. Pero ang nakatira sa baba, isang babaeng model daw kuno. Hindi ko pa siya nakikita, baka takot lang lumabas. Pero ang tanong, bakit dito pa siya lumipat? Hindi naman ito isang ligtas na lugar para sa privacy niya. Pero ewan, ayoko nang makialam.


.

.

.

34 seconds of falling ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon