Nanginginig pa ang tuhod ko ng dumating ako sa school. Ang nangyari ay kasalanan ko. Hindi sana ako nakialam. Hindi sana ako sumunod sa sinabi ng Alfredo na 'yan. Lagot 'yon sa akin kapag nagkita kami.
Pero kahit galit na galit si Ravin sa akin, ang gwapo pa rin niya.
"Destine?" niyugyog ako ni Sarah, nakita ko ang kamay niyang sasampakin ako. Napatingin ako sa kanya, wala pa rin sa sarili. "Anon'g ginagawa mo?" tanong ko at binaba ang kamay niya. "Hello! Kanina ka pa namin tinatawag at sinusundan, hindi mo kami naririnig! Ano bang nangyari sa'yo ha?" si Trisha na ang nagpatuloy. Umiling ako, "Wala naman, may iniisip lang ako."
"Probably, ang pagpapantasya mo kay Ravin. Umamin ka na ba? Sus, kita mo naman ang dami mong kakompetensiya. Malaking bakod pa 'yung si Ariana." humahalupkipkip siya. Hinila ako ni Sarrah papunta sa classroom namin, "Halika nga, pasok na tayo sa English class natin. Natapos mo na ba 'yung research mo?" umiling ako. "Ano ba 'yan! Kailangan mong gawin 'yan mamaya. Bukas na ang pasahan." komento pa ni Sarrah. Bumili muna kami ng juice sa vendo sa'ka nagpanhik na sa classroom.
Habang nakikinig sa English lesson namin, iniisip ko kung paano ako magso-sorry kay Ravin.
.
.
.
Noong lunchtime, nauna na sila Trisha sa cafeteria. Panay ang tanong nila kung anong nangyari sa umaga ko at bakit ang tahimik ko raw. Kung sasabihin ko sa kanila, siguradong sasabihin nila na masyado akong pakialemera sa buhay ni Ravin. I know I've crossed the line.
Nagpunta ako sa likuran ng school at hinanap ko si Alfredo. Kapag mahanap ko siya, sasapakin ko talaga siya ng buong lakas. May biglang humila sa akin at idinikit ako sa pader. Umirap ako, hindi ko na pala siya kailangan pang hanapin.
"Yo, Destine! Nandito ka? Pupuntahan sana kita sa classroom niyo mamayang hapon, manghihingi ng update sa nangyari kahapon." malaki pa ang ngisi niya. "Oh ano? Nakuha mo na 'yung love letter ng Yuri my loves ko?" kumikinang pa ang mga mata niya. Hindi ko napigilan at sinapak na siya sa inis. "Ano'ng love letter ang pinagsasabi mo? Walang love letter na naibigay!"
"Eto naman, grabi naman siya. Nanapak agad!" hinaplos-haplos niya ang mukha niyang namumula.
Sinipa ko siya, "Kulang pa 'yan! Hindi mo ba alam na malaki na ang naging kasalanan ko kay Ravin?" kung nakita mo lang kung gaano siya ka-galit kanina!
"Kung hindi iyon love letter, ano?"
Natahimik ako sandali, "Isang imbitasyon sa family dinner nila." naalala ko na ngayong September 10 pala iyon, kasabay ng school outing namin. Pero hindi dadalo si Ravin sa family occasion, sinabi niya iyon ng malinaw sa mama niya. Ano kaya ang dahilan?
"Hoy, natulala ka na naman! Sabihin mo sa akin kung bakit si Yuri pa ang nagbigay kay Ravin? Anong kinalaman ni Yuri sa family dinner nila?"
Masama ang tingin ko sa kanya, "Hindi ko rin alam. Iyan ang dapat mong alamin, tapos na ako. Bye." nag-martsa ako paalis pero bumalik ako kaagad dahil may nakalimotan akong itanong. "Alfredo, since may atraso ka sa akin, may alam ka bang part time job?"
BINABASA MO ANG
34 seconds of falling ✔
Teen Fictionyou can change your mind and fall for someone in 34 seconds.