1. pierce ravin

133 4 2
                                    


"Oh, Ravin! Hindi ko alam kung kailan ka naging ganito katangkad! It's like you were a toddler yesterday. Ang tangkad-tangkad mo na! You are as tall as your dad!" salubong sa akin ni Mama habang pababa ako sa hagdanan. Bihira ko lang silang madatnan sa umaga, usually wala sila at off to work na. Nagtataka ako at umasang ito ang araw na wala silang masyadong trabaho.

Hindi ko sila masyadong nakakasalimuha sa bahay dahil pareho silang abala sa kanilang mga trabaho. My dad is a well-known doctor, he is a surgeon and plus he is the chairman in the surgical department. He works in my grandfather's famous hospital.

Madalas siyang nasa ospital kaya parang pangalawang bahay na niya iyon. He is very dedicated to his work. A doctor, what is. He always wanted me to pursue a career in the medical field. So, I've enrolled in a preparation school during my vacation para sa medisina. My grandmother suggested to me and prepared everything.

And now, I'm surely going straight to hell as it seems.

Nilagay ko sa bag ang librong medisina na kinuha ko mismo sa library. After my grandmother announced to the family that I'm going to be the next doctor, I didn't even consider it yet but they are already rooting for me to take the crown. 

"Hmm... sa tingin ko nagmana siya saiyo, Estella. Tignan mo, ang gwapo ng anak natin. Mukhang magkakanobya na iyan ngayon." sabi naman ni Dad. Kagagaling niya pala sa kusina at may dala siyang lutong hotdogs at tocino. Tumalon naman iyong kapatid ko na si Ellie. "Wow! Nagluto pala si Daddy!" she clapped her hands and pulled a seat.

"Papasok ka na ba? Ang aga pa naman, Ravin. Umupo ka muna at kumain. Ihahatid ka namin sa school. Syempre, first day of school ng pagiging senior high mo di'ba?" sabi ni Mom at kumuha ng pinggan at nilagay sa usual seat ko. Tumango ako at umupo ng tahimik, I don't like to talk much... hindi ko alam saan ako mag-uumpisa kaya mas mabuti na lang na tumango kapag walang sapat na sagot.

Ngumiti si Mom sa akin, "Ipaghahain kita. Dapat damihan mo 'yung kinakain mo, Ravin. Para naman tumaba ka, hindi ka naman payat pero... ayoko lang nagugutom ka kaya. Mahirap din kaya mag-aral," kwento niya pa sa amin. Kukuha sana siya ng iilang hotdogs para ilagay sa pinggan ko ng biglang nag-ring 'yung phone niya na nakapatong sa mesa.

"Mommy, your phone." turo ni Ellie sa nag-riring at nag-vivibrate na telepono sa mesa. Naitigil niya ang paghahain sa akin ng pagkain at sinagot 'yung tawag. Tinignan niya ang caller sa screen at saka tumingin sa akin. "The caller is an important person, just a while," dugtong niya at saba'y talikod sa amin.

Meanwhile, my mother is 'warm-hearted' public attorney, she is also very dedicated on her work. Wala siyang pinipiling ipagtanggol, she would even fight for the right of a criminal kahit alam naman niya na ang kalabasan ay pumatay talaga ito ng tao, as long as nagsisisi ang taong iyon kahit paman ay dehado sa harapan ng judge... my mother would still fight until the end. Kaya ngayon, subsob siya sa trabaho dahil marami siyang pending na cases.

Ellie tapped me, "Kumain na tayo, Kuya." pag-aaya niya at kahit maliit pa ang kanyang mga braso, ay inabot niya pa rin ang kanin at kumuha roon. "Busy na naman si Mommy, intindihin na lang natin sila." humarap ako sa aking kapatid at pumilit na ngumiti, "Yes, we should understand them. They are serving the public, especially the poor and the underprivileged people." sagot ko.

Tumakbo naman si Dad para kunin ang kanyang car keys na nasa mesa rin. May katawag ito sa phone. Halos umaapaw ang kanilang boses ni Mom. Pareho silang nataranta.

"Okay, I'll come very soon. What is the time again? Eight am?" and he checked his watch. "I can still make it." Madali niyang nahablot ang coat niya at kaagad na sinuot iyon habang si Mom naman ay nahihirapan sa pagsuot ng kanyang heels.

34 seconds of falling ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon