2. faith destine

122 2 2
                                    


Malinaw na sinabi ko sa aking sarili na pag-aaral muna ang aatupagin ko at hindi ang... pagpapanic sa ideya na hanggang ngayon, wala pang nagtangkang manligaw sa akin!


Nakakapressure habang tinitignan ko silang kasing sweet ng tsokolate at para bang walang pakialam sa mundo!


Si Sarrah, ayon sa kanto nakikipaghalikan sa kanyang boyfriend na senior din dito. Ginamit pa nila iyong curtains para pang takip! Si Trisha naman, maraming naghahabol sa kanya kasi maganda siya at maayos ang pagkahubog sa kanyang katawan kaya wala siyang problema sa paghahanap ng boyfriend. Iyong dalawang kaibigan ko ay kasing tingkad na ng bahaghari ang kanilang mga love life habang dito sa akin... kumukulimlim pa!


Binuksan ko ang librong matematika. Napagdesisyonan kong hindi iyon ang importante sa ngayon. Ayon pa kay mama at ate Princess, mag-aral ka ng mabuti Destine! Si mama pala ay nagtratrabaho ng maiigi para may pang bigay sa akin habang ako ay... nag-iisip ng ganito. Napaka-walang utang na loob ko naman. P'wes, magpopokus na ako sa pag-aaral. Mahina pa naman ako sa math.


Lumipas ang mahigit kalahating oras na kakatitig sa exercise number one. Nahilo ang utak ko sa kakaintindi. Bakit hindi ko maintindihan kahit ilang beses ko nang binasa? Mukhang hindi maganda kung unahin ko iyong matematika. One plus one lang yata ang alam ko rito e. Sa Chemistry muna ako mag-uumpisa. Medyo may interes ako sa mga oxygen at carbon dioxide at kung paano sila nakaka-contribute sa kalikasan.


'Air is 78% Nitrogen, while Oxygen only makes up 21% of the air we breathe. The content of Carbon Dioxide in the air is not more than 0.03% and the remaining gases (Ar, CH4, H2 and water vapor) do not make up more than 1%...'


Huh? Akala ko Oxygen at Carbon Dioxide lang... bakit marami? Hindi pa ito nababanggit ni Ma'am sa klase niya!


Isasara ko na sana ang libro at sa English na lang magsisimula ng mahanap ng tingin ko si Ravin. Kakatransfer niya pa lang noong isang araw at... marami nang nagkakagusto sa kanya. May iba pa ngang mga babae ay naghihintay sa kanya sa labas. I wonder kung papatulan niya ang mga iyon. Siguro dahil mabait siya, mukhang hindi niya sila itataboy. Lumapit ako kay Ravin at umupo sa bakanteng upuan. Wala pa kasi iyong katabi niya, pumunta sa cafeteria siguro. Dinala ko ang chemistry book ko at mahinhin na nagtanong.


"Ravin, sorry kung iistorbohin na naman kita ah, may hindi kasi ako maintindihan sa Chemistry... baka ano, may idea ka. Kung may idea ka lang," sabay pa-cute kong tono.


Walang expression ang mukha niya ng ito ay humarap sa akin. Lumipat ang tingin niya sa pahinang binabasa ko kanina. "What part of here that you don't understand?" sabi niya. At ang smooth ng pagkakasabi niya 'nun in english. May hinala ako na hindi talaga ito lumaki sa pilipinas at baka iyong mga magulang niya ay may lahing banyaga. Makaka sana all na lang ako.


"Destine? What I am asking is, ano iyong hindi mo maintindihan. I will explain it to you." iyong tinig niya... ang bait pakinggan. Biglang naibalik ko ang sarili ko galing sa walang humpay na pagkakahanga sa kanya. "Ay ito... hindi ko maintindihan." tinuro ko iyong phrase na binasa ko kanina.


"It's simple. Yes, we need oxygen to breathe but the composition of air is not really made of oxygen. This means that we breathe chemicals into our lungs and majority of it is Nitrogen. Nitrogen is needed for proteins and DNA. Kailangan din ito sa plant growth." he explained it. At muli itong tumingin sa akin, "Is there something you don't understand?" Bigla akong lumayo ng marealized ko na ang lapit namin sa isa't-isa. Ang gwapo niya totally. At dahil sa umaapaw niyang kagwapohan ay ayokong tignan siya sa mga mata. Hindi ko alam pero napapalunok na lang ako.

34 seconds of falling ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon