Tumayo ang class president sa harapan habang wala pa ang history teacher namin, I don't really plan to listen on the new annoucements sa school, I will just stick on abiding the rules. Kinuha ko na lang ang phone at binasa ang mga messages ni Ellie. Hindi pa ako nakadalaw ulit sa bahay simula noong tumira na ako sa 2nd floor na boarding house na iyon.
Ellie: Kuya, good morning!
Ellie: Are you going to take me to the playground?
Ellie: Play with me, please. I want to see your dorm. Can you also take me there?
Ellie: I miss you, Kuya.
Ravin: I miss you too, Ellie.
Ravin: Sure, kukunin kita diyan after class.
Just so you wait, Ellie. I will take you out of there. For now, I don't have the temerity to do that. Binalik ko ang phone ko sa bag at nagbukas na lang ng libro sa history. I'm always in the doldrums in the subject, I don't know how to keep myself alive. I'll try to be awake.
"Siguro narinig niyo naman ang napagkasunduan ng mga teachers noong nakaraang meeting," nag-umpisang maghayag ang class president na parang nagrereport ng headlines sa telebisyon tungkol sa pagbisita ng pangulo sa ibang bansa. "At naipasa na ito sa student council."
Destine stood up, tumalon siya bigla, "Magkakaroon tayo ng school outing!" School outing?
Surely, this school prioritizes extra-curricular activities rather than imposing on the improvement of student's skills and knowledge. Nag-ingay ang karamihan sa klase, boses ko lang yata ang hindi nakisali sa sigawan dahil sa excitement.
"Talaga? Saan naman iyon?"
"Anong tema ng school outing? At saan gaganapin?"
"I'm sure magiging excited 'to dahil buong grade 11 ang p'wedeng sumama!"
"Tara, samahan mo ako mag-shopping mamaya, ano kaya ang p'wede natin bilhin? Sana ay on sale naman ngayon sa mall."
"Bago muna ang mga plano na iyan, tanungin muna natin kung kailan,"
"Parang team building daw, isang araw lang natin gagawin, hindi naman daw tayo mag-oovernight. Hindi papayag ang principal kung overnight iyon," paliwanag ng class president. "Sa susunod na daw i-aanunsyo ang detalye ng school outing, rather, team building natin. May ipapasa akong papel para sa mga sure na sasama, ilagay lang ang kumpletong pangalan nila."
.
.
.
Pagkatapos ng kumain ng lunch, nag-aya si Arianna sa akin na magpunta ng library para doon gawin ang research niya sa english literature, natapos ko na 'yung akin kagabi kaya namimili na lang ako ng librong ukol sa medisina. Pagkakuha ko sa isa, nakita ko ang mukha ni Destine sa butas ng libro. Hindi ko na kailangan pang atakihin sa puso, I've already prepared myself in case she'll show up.
BINABASA MO ANG
34 seconds of falling ✔
Teen Fictionyou can change your mind and fall for someone in 34 seconds.