Jadine 14

5.7K 269 3
                                    

Chapter 14: [ Tomorrow ]

-

Nadine's Pov

Nagising ako sa dahilang gutom, hindi pa kaya ako kumakain nang meryenda, at saka -- nasaan pala ako? Nasa kotse ako kanina? Tapos nakatulog ako. Sinong nag dala sa akin dito sa kuwarto?

Tumingin naman ako sa gilid ko, si James titig sa akin na naka taas ang kilay niya. Seryoso nang lalaking to ah.

"Hoy, hinay-hinay lang sa pag titig sa akin. Matutunaw ako oh." Sabi ko naman. Nagulat naman ako nang lumalapit siya sa akin. Ako naman umupo at umatras, naka dikit naman yung kama sa pader kaya hindi ako mahuhulog.

"H-hoy, hindi ako nakikipag biruan sayo Hayme. Hoy! Hindi porket tayo lang dito sa bahay, ga -- Ah!" Nakakainis nagkamali ako nang usog, nahulog tuloy ako sa kama. At aba ang loko pinag tawanan lang ako.

"Peste ka talaga kahit kailan." Sabi ko sa kanya at umupo sa kama.

"Haha, ang kulit mo kanina. Your face wifey -- pfft. HAHA." Sinamaan ko lang siya nang tingin, I rolled my eyes. Tatayo na sana ako papalabas nang hinila niya ako kaya napa higa ako sa may kama. Aray!

Bigla naman siyang umibabaw sa akin -- I mean, yung tuhod niya sa labas nang hita ko. Kinikilabutan ako sa lalaking to. >.<

"H-hoy Hayme, umalis ka nga." Sabi ko.

"What if I dont? What if I want to kiss you?" Lumaki naman mata ko at tutulak sana siya nang nahawakan niya yun.

"Haymeee! Umalis ka diyan isa! Pag hindi ka umalis, makakatikim ka na sa akin!" Sigaw ko sa kanya.

"I don't." Ilalapit na sana niya yung mukha niya sa akin nang tinuhuran ko yung ano niya at saka siya inihiga at tumayo ako.

"Ano? I don't, I don't ka pang nalalaman. Yan lang pala katapat mo, binalaan na kita ayaw mong makinig. Hmpf." Sabi ko at lumabas na.

"Mamaya ka sa akin wifey! Aray." Sigaw niya nang ikatawa ko naman.

-

Nandito kami ngayon ni James sa bahay nang mommy niya, nag aya kasi si Mommy na mag dinner daw dahil darating na si Ate Lauren galing sa pinas.

"So, mom, can we go to philippines tomorrow? Bibisitahin lang namin ni wifey yung mga kaibigan namin." Sabi ni Hayme.

"What did you call her James?" Tanong ni Mom.

"Wifey? Bakit ma? May bago ba dun?" Tanong ni James.

"None, no, nothing. I just asking." Sabi ni Mom at ngumiti lalo. Hala.

"I'm back!"

Agad naman kaming tumingin sa pintuan at si Ate Lauren nga.

"Ate Lauren!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Nadine, how are you?" Tanong niya.

"I'm fine." Sabi ko.

"Well, that's good to hear. Hinahanap na kayo sa pinas nila Yassi, at mag uusap tayo James mamaya." Sabi ni Ate Lau.

"Come ate, Eat breakfast." Sabi ni James, nagsi-upo naman na kami at nag dasal bago kumain.

"Ano naman ang ginawa mo sa pinas ba Lau?" Tanong ni Dad.

"Well, May tinapos lang ako pero hindi pa nga tapos. Hayaan ko na lang yun, sa susunod ko na lang tatapusin ang mission ko." Sabi niya at ngumiti sa amin dalawa ni James.

Napa-bikit balikat na lang kami ni James at kumain, after naman naming kumain. Pumunta na muna kami sa may pool ni James at itinampisaw yung paa.

"Nadine...." Sabi niya at sinandal yung ulo niya sa balikat ko.

"Hmm?" Sabi ko.

"Wag mo akong iiwan." Ngumiti ako nang malungkot.

"O-oo naman, hindi kita iiwan James. P-pangako." Sabi ko, at tumingin sa gilid saka pinigil yung luha.

"Pinky swear?" Sabi niya sabay diretso nang upo at inilahad yung daliri niya.

"Ano bata lang?" Natatawa kong sabi. Kinuha niya yung kamay ko at ginaya ang daliri niya saka niya pinag dikit.

"Nadine, sa pangako dapat walang paasa." Sabi niya. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa bawat salita na binibigkas ni James.

"Oh? Bakit ka umiiyak?. Don't cry." Sabi niya sabay yakap sa akin. Niyakap ko naman siya at saka ako umiiyak.

"Bakit ka umiiyak? I just saying. Hindi kita iiwan kaya wag kang mag alala. Kung hindi mo man maipa-pangako yun, okay lang sa akin pero sana hindi mo ako iiwan" Tumango lang ako.

Tinignan niya ako sa mata at pinahid yung luha ko sa pisnge, ngumiti siya at dinikit ang ilong niya sa ilong ko.

"No one can touch you. Ako lang ang puwedeng humawak sayo. Kahit sila Yass pa yan, pag mamay-ari na kita. You is my property." Sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Understood?" Sabi nito, I nodded.

"Say, you love me." Sabi niya.

"I love you." Sagot ko.

"I love you more than my life wifey, no matter what." Sabi niya sabay yakap sa akin.

Naramdaman ko na lang na hinalikan niya yung ulo ko, mahigpit ko naman siyang niyakap. Habang nabubuhay ako, gusto kong yakapin siya nang mahigpit, ayoko pang mawala sa mundo. Gusto ko pa magka-anak. Ayoko pang mawala sa akin si Hayme.

Magkakaroon pa kami nang pamilya. Tatanda pa kami at mag kaka-apo.

Hayme, habang nabubuhay ako, gagawin ko ang lahat nang gusto mo at para sayo. Habang nabubuhay ako, ayokong masaktan ka. Habang nabubuhay ako, kakayanin kong mabuhay nang matagal para sayo. Mahal na mahal kita.

-

Natuwa naman ako sa inyo, dahil 125 ang readers ko sa dalawang linggo pa lang. Kaya ako tuluyan na nag u-update, sana magustuhan niyo naman, okay na ako sa 100+ na readers. Kasi nagulat ako after 2 weeks ganyan na agad kadami ang mag babasa, maraming-maraming salamat guys.

He's My Bad Boy Husband | Book 1 | (JaDine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon