JaDine 4

7K 272 15
                                    

Chapter 4: [ Sweet moments ]

-

Nadine's Pov

Nagising ako sa parang may mabigat na nakapatong sa may tiyan ko, ang sarap-sarap ng tulog ko eh. Banaman yan, agad ko namang minulat yung mata ko at kamay pala ni James yun, nakayakap na naman.

Dahan-dahan ko namang tinanggal yun pero hinigpitan nang loko, hays ang kulit. Gising na pero ayaw pang tumayo, kakain na ako nang gabihan eh.

"Robert!" Sigaw ko sa pangalan niya.

"Don't call me that name, it's so annoying. I don't want you to call me Robert or Roberto, just call me James." Sabi niya, ang arte naman nito.

"Tsk, Ok, I'm going to down stair. Kaya tumayo ka na diyan." Sabi ko sa kanya, umupo naman siya ng maayos, kaya umupo na rin ako at tumayo na.

"Gutom ka na naman?" Ayan na naman yung words niyang getem ke ne nemen? Kainis tong lalaking to.

"Hindi, kakain lang ako." Sabi ko sabay ayos ng damit.

"Papatay na la ---" Gago talaga, bago ko pa matapos yun lumabas na siya, siraulo kahit kailan. So, pinatay ko na lang nga dahil umalis na eh.

Lumabas naman ako at bumaba nakita ko naman siya sa sofa na nanunuod nang tv. Lumapit ako at binigyan siya ng pektus.

"Aray!" React niya.

"Bakit mo ako kinutusan?" Inis na sabi niya.

"Siraulo ka kasi, pinapapatay ko sayo yung aircon lumabas ka na agad. Siraulo ka talaga." Sabi ko sa kanya at inirapan.

"Sorry naman." Napa-hinto naman ako sa pag lalakad, first time niyang mag sorry sa akin ng ganun lang na dahilan. Tumingin naman ako sa kanya, nag kibit balikat na lang ako at dumiretso na muna sa labas para mag pahangin.

Pumunta ako sa pool, umupo ako at itinampisaw yung dalawang paa ko dun habang naka babad yung paa ko, tumitingin ako sa mga bitwin sa langit. Hayss, ang lamig.

"Akala ko ba kakain ka?" Tanong ni James sabay tabi sa akin at ginaya rin ang puwesto ko.

"Mamaya na ako kakain." Sabi ko naman habang nakatingin sa pool.

"Ang lalim nang iniisip mo ah? Gusto mo sisirin natin?" Pang-aasar niya.

"Korni mo." Sabi ko na lang.

"Ang ganda nung pool noh ang lamig pa?" Sabi niya.

Nag smirk naman ako, masaya to. "Oo nga eh bakit hindi mo subukan kung malamig." Sabi ko sabay tulak sa kanya kaya nabasa siya.

"Hahaha, lamig diba?" Sabi ko at aalis na sana kaso hinila niya yung kamay ko kaya nabasa rin ako. Ay kainis.

"Hahaha, ano malamig diba?" Tanong niya na sarcastic.

"Ah ganun ah." Sabi ko sabay wasik nang tubig sa kanya, umiilag naman siya lumangoy ako papalayo sa kanya.

"Lagot ka sa akin Nadine!" Sigaw niya.

"Bleeh!" Binelatan ko na lang siya habang winawasik niya yung tubig sa akin.

"Ah! Kainis, pag ako naka-kuha ng --" Bago ko pa matapos yun eh, nagulat ako nang bigla niya akong yinakap.

"Ang lamig, payakap nga." Sabi niya, ako tulala lang eh.

"Chansing ka ah." Bulong ko sa kanya.

He's My Bad Boy Husband | Book 1 | (JaDine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon