Jadine 7

6.3K 232 10
                                    

Chapter 7: [ Airport]

-

Nadine's Pov

Kakarating ko lang sa mansion ngayon, at sino ba yung ericka na binabanggit niya? Siguro girlfriend niya yun, hays wala kang pake nadz. Wala kang pake okay! Nag mano naman ako kay Nanay.

"Oh? Nasaan si James?" Tanong ni Nanay.

"Ah nandun po sa condo nila Yassi, matutulog na muna po ako." Sabi ko sabay taas at bukas nang aircon saka bagsak sa kama at pinikit ang mata.

-

Nagising ako dahil parang may nakatitig sa akin, pagka-mulat nang mata ko agad ko namang tinulak yung mukha ni James sa akin. 1 inch na lang mahahalikan na ako nang kulugo, halos lumuwa yung puso ko kanina.

"Bakit mo naman ako iniwanan dun sa condo, dapat natulog ka na lang sa tabi ko, wala tuloy ako kayakap. Psh." Sabi niya sabay pout.

"Hindi ako unan para yakapin mo. At mainit sa kuwarto nila Yass, kaya hindi ako dun natulog." Sabi ko naman.

"Edi buksan mo yung aircon baliw din to, at grabi pinag nasaan mo muna ako bago ka umalis." Agad ko naman siyang binato ng unan.

"Anong pinag nasaang pinag-kakana mo? Duh! Basang-basa kaya nang pawis yang damit mo. Magka-sakit ka pa." Sabi ko naman.

"Concerned siya."

"Kaibigan kita eh."

Medyo naging malungkot naman mukha niya, problema nitong lalaking to.

"Oo nga pala, tumawag si Daddy. Good News, pupunta daw tayong states. Gusto daw nila tayong mayakap at kamustahin." Sabi niya.

"Kailan tayo uuwi?" Tanong ko.

"Mamaya."

"Ha? Bakit naman mamaya? Puwede namang bukas." Sabi ko.

"Ang flight natin 9:30 pm, at nakapag ayos na ako nang gamit. Kasi 6:30 na nang gabi eh." Dali-dali naman akong nag ayos nang maleta.

"Bakit naman gabi pa!" Pag re-reklamo ko.

"Aba ewan ko." Sabi niya.

After ko namang nag ayos nang mga maleta, saka ako nag palit nang damit, isang pants at isang shirt lang nama ang sinuot ko.

"Oh, excited ka yata? May dalawang oras pa naman bago mag flight ah." Sabi naman niya.

"Hindi ako excited, baka ma-delay. Wala nag bihis lang ako, para hindi ako ginawin mamaya. Saka nagu-gutom na ako."Sabi ko naman.

Mag sa-salita na naman siya nang inunahan ko na.

"Ano? Sasabihin mo na naman na getem ke ne nemen? Psh." Sabi ko at tatayo na sana para lumabas nang bigla siyang humarang sa akin.

"Hindi, inuunahan mo na naman kasi ako. Ang sasabihin ko, wag ka nang kumain. Dun na lang sa airport, para dinner date tayo." Sabi niya sabay kindat at kinuha na yung maleta ko at lumabas.

Phew, muntikan na ako dun ah. Paano ba naman pagka-sabi niya nung ''para dinner date tayo.'' palapit nang palapit yung mukha niya. Hays, kainis.

-

Kakalabas lang namin dito sa gate, at nag paalam na kami kay Nanay Rose, at siya na daw ang bahala dun sa mansion. Sumakay na ako sa kotse namin, at si Manong pala ang mag da-drive.

"Sure ka bang naka-usap mo sila mommy at daddy? Baka naman ikaw mismo ang nag desesyon na pumunta sa states." Pag ta-taka ko.

"Oh, bumalik ka na lang dun sa mansion. Bahala ka, kahit tawagan mo pa si mommy at daddy eh." Sabi naman niya. Inirapan ko na lang siya. Parang bata psh.

Nanahimik na lang ako, habang papunta kami sa airport, naka-limutan kong tawagan or i-text yung mga kaibigan ko, agad ko namang ni-pm sila.

To: Julia,Shy,Kath and Yass

Uy! Guys, nag ba-byahe kami papunta sa airport. Punta na kaming states, biglaan kasi eh kaya hindi na ako nakapag paalam. Bigyan ko na lang kayong pasalubong! Bye.

-

Itinago ko na sa bag yung phone ko baka ma-low bat pa, at hindi pa ako maka-call or makapag sound trip mamaya.

Maya't maya naantok ako, ba naman yan! Ayokong antukin eh, pero hindi ko talaga napipigilan muntikan na ako masubsob sa unahan.

"Dito ka na nga, higa ka sa lap ko." Sabi ni James sabay hatak nang braso ko at inihiga yung ulo ko sa lap niya, saka ko itinaas yung paanan ko at sinandal duon sa upuan.

"Matulog ka na, gising na lang kita kapag nandiyan na tayo." Sabi niya, ngumiti ako at saka naman ngumiti.

-

James Pov

Ayun mahimbing na natutulog si Nadz, hay ang ganda niya talaga. Oh, wag kayo. Maganda naman talaga siya. Hindi ko alam kung bakit ako nag kaka-ganto.

Minsan gusto ko siyang halikan pero ayaw ko, pero gusto nang labi ko. Ang dami kong problema. Kanina naman iniwan ako sa condo nila Yassi nakaka-inis lang. Nasobrahan yata ako kanina sa alak, hindi na ako uulit.

Maya't maya naman nakarating na rin kami, kaya agad ko namang ginising si Nadine, kaso ayaw gumising.

"Pag hindi ka umupo nang maayos, hahalikan talaga kita." Agad naman siyang bumangon at tumayo kaso nauntog yung ulo niya sa bubong nung kotse.

"Excited masyadong bumaba? Tara na nga." Sabi ko sabay hatak sa kanya palabas nang kotse at agad ko namang kinuha yung maleta niya.

"Ako na sa maleta ko, baka sabihin nila kinakawawa ko ang katulad mong.. guwapo." Ngumiti naman ako nung binulong niya yung salitang guwapo, akala siguro nito hindi ko narinig.

"Oo alam kong guwapo ako, eh asawa naman kita kaya dapat ako na ang mag dadala nang maleta mo. Pero kung ayaw mo, okay lang." Sabi ko at saka hinawakan yung kanan niyang kamay na walang hawak na maleta pero hawak nang kaliwa niyang kamay yung maleta.

"Holding hands while walking tayo papunta sa eroplano." Sabi ko at saka siya kinindatan, inirapan naman niya ako pero namula. Haha, hay nako.

"Yiee bagay sila! Anoba!"

"Nakaka-kilig, ba naman yan!"

"Ang guwapo nung lalaki."

"Kaya nga, tas simple lang yung babae."

"Ano ba kasi nakakakilig."

Napa-ngiti na lang ako sa mga naririnig ko. Sana ganto na lang palagi.

-

Kakarating lang namin sa eroplano, inilagay ko na sa taas yung maleta namin at saka ako umupo sa tabi ni Nadine.

"Oh baka antukin ka na naman?" Sabi ko.

"Hindi na noh, saka titignan ko yung baba dito kasi may mga ilaw mamaya kapag lumipad na yung eroplano, saka pi-picture-an ko pa." Sabi naman niya, tumango na lang ako.

"Gutom ka na ba? Tatawagin ko yung stewardess kapag gutom ka na." Sabi ko.

"No thanks, kaya ko pa naman saka okay lang ako." Sagot niya, ngumiti lang ako sa kanya.

He's My Bad Boy Husband | Book 1 | (JaDine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon