Jadine 10

5.5K 227 1
                                    

Chapter 10: [ Manhid ]

-

Nadine's Pov

Kakarating ko lang dito sa hotel, pagkapasok ko naman, nakita kong nasa sofa si James, hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa kuwarto ko at saka inilapag yung bag at saka humiga. Nakita ko naman na pumasok siya at naka-tingin siya sa akin.

"Saan ka galing?" Tanong niya.

"Paki mo?" Mataray kong sabi.

"Bat wala ka sa mood?" Tanong na naman niya.

"Ano bang paki mo ha? Wala ka namang paki diba, dun ka na nga sa Ericka mo! Pumunta ka nang pilipinas, kailangan ka ni Ericka." Sabi ko naman at tumalikod na sa kanya.

"A-anong? P-paanong?" Naguguluhan niyang tanong, humarap ako sa kanya at umupo ako sa kama, nginitian ko siya.

"Alam ko na, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may girlfriend ka? Un-fair James! Un-fair masyado! Ako na hindi lumalapit sa mga ibang lalaki para makipag kaibigan tapos ikaw na may girlfriend na! Ano ba! Gag-han ba to?! We had a contract James!" Sigaw ko sa kanya.

"B-balak ko naman kasing sabihin sayo ngayon.." Ngumiti ulit ako.

"Wow ha! Kung kailan na bumalik siya saka mo pa sasabihin sa akin? Porket ba bumalik na siya ha?! Paano pala kung hindi siya dumating?! Hindi mo pa sasabihin?!" Hindi ko alam kung bakit ako sumisigaw. Aba! Ewan ko ba.

"Are you jealous?"

"Aba! Nagawa mo pang mag biro?! Ako nag se-selos. Are you out of your mind?!"

"Halata sayo."

Inikot ko na lang yung mata ko at saka tumalikod ulit sa kanya at humiga saka pinikit yung mata ko at sinimulang matulog na lang. Pero hindi ako maka-tulog, naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin.

"Nadya, this question is serious. Are you Jealous?" Paulit-ulit na tanong niya.

"What if I said Yes?" Sabi ko sabay harap sa kanya at tinignan siya sa mata.

"Nothing, wala ka naman dapat pag selos-an, dahil hindi ko na siya minahal mula nung umalis siya at iniwan ako. Bakit naman siya bumalik dito sa pilipinas? Mang gugulo lang yun sa ating dalawa noh. Saka ayoko naman talaga siya makita eh." Mas lalo namang lumungkot yung mukha ko.

"James, alam ko namang mahal mo si Ericka. Okay lang naman sa akin na maging kayo at saka ikaw na rin mismo ang nag sabi nung nalasing ka, sinabi mo sa akin na mahal na mahal mo siya." Sabi ko naman.

"Hindi ko nga siya mahal! I didn't love her anymore, cause I love someone! Bat ba mas marunong ka pa sa akin?" Naiinis niyang sabi.

"Then who is the lucky women that you love?!" I shout.

Huminga siya nang malalim at tumingin nang deretso sa mata ko at hinawakan yung dalawa kong kamay.

"You is the lucky women who I love. I love you Nadine."

-

"Nadine!"

"Ay Love you!"

Ano ba naman yan, ha? Panaginip lang ba yun?! Ano?! Hindi man lang ba totoo yung sinabi ni James sa akin?! Na-ako yung mahal niya?! Waa, sino bang nag gising sa akin?

"So you love me?" Si James pala.

"Asa ka pa." Sabi ko naman, nakatulog pala ako. Hindi pala totoo yung mga sinabi ni James kanina, akala ko yun na eh. Nakakainis naman.

Tumayo ako at pumuntang kusina para uminom nang tubig, ginising pa kasi ako ni James, sa panaginip na nga lang yun eh. Kainis.

"Hoy! Kanina ka pa sipsip nang sipsip diyan sa baso, wala naman nang tubig." Agad ko namang tinignan.

"Ay, wala na ba?" Agad ko namang binaba at pumunta sa sofa at umupo.

"Bakit ba naka-busangot ka?" Tanong niya.

"Pakilam mo ba?" Sabi ko at binuksan yung tv. Tumabi naman siya sa akin, at nakatingin lang siya sa akin pero hindi ko siya pinapansin.

"Bakit ba ang taray mo? Samantalang kaninang umaga ang bait mo naman." Ang kulit talaga nang lalaking to kahit kailan.

"Ano bang paki mo ha?" Napapa-sigaw na tuloy ako.

Tumayo naman siya at nagulat ako nang sinipa niya yung upuan na plastic at saka inis na nakatingin sa akin, nakakatakot.

"Why are you always saying na I don't have any care to you?! Of course I have a care cause were friends! Diba magkaibigan tayo dapat lagi tayong may paki sa isa't isa." Ouch.

"Kaibigan lang ba turing mo sa akin James?" Tanong ko.

"Bakit? May iba pa ba dapat? Were totally bestfriends, para nga tayong mag mutual understanding sa mga pinapakita natin eh, lagi tayong sweet. Siguro hindi tayo mag kaibigan." Sarcastic na sabi niya.

"Exactly, kung kumilos tayo parang mag m-u, pero James ibahin mo tayo sa mag m-u, were just friends, hindi tayo mag asawa, that is totally faked marriage, so don't you dare to call me sweet lines or what ever! Cause were just friends totally bestfriends." Sabi ko at saka tumayo, pero hinila lang ni James yung kamay ko at saka ako niyakap.

"I'm sorry for what I'm saying. Sorry kung wala akong pake sayo, but I have a care to you. Promise." Sabi niya, at saka niya pinahid yung luha ko? Ako? Umiiyak?

"Why are you crying? Ganoon mo ba talaga ako ka-mahal dahil kaibigan mo ako?" Sabi niya at naka-ngiti.

I smiled. "I don't know why I'm crying. Yeah, I love you cause were friends, pupunta na muna ako sa labas, saglit lang." Sabi ko at saka lumabas pagka-labas ko, pumunta ako sa banyo, kahit alam ko namang may banyo sa luob.

Hindi ko mapigilan yung luha ko, ba-bakit ba ako nagkaka-ganto? Why I am always crying for him? Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi ba talaga mahalata ni James yung feelings ko?!

Napaka-manhid mo James. Manhid ka!

He's My Bad Boy Husband | Book 1 | (JaDine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon