Jadine 6

5.7K 224 4
                                    

Chapter 6: [ Mata at Puso. Anyare? ]

-

James Pov

Nagising ako sa liwanag na tumapat sa mukha ko, the hell ang sarap nang tulog ko eh. Yayakapin ko sana si Nadz nang parang walang naka-higa sa tabi ko? Minulat ko naman mata ko at wala nga siya. Saan na naman pumunta yun? Umupo ako at kinusot yung mata. 10:00 na pala nang tanghali psh, may nakita naman akong note sa may computer, kaya agad kong kinuha.

From: Nadine

James, aalis lang ako saglit. Pupunta ako kela Yassi, mag ku-kuwentuhan lang kami. Kung gusto mong pumunta sige punta ka na lang. It's already 7:00 am maaga pa kasi eh kaya hindi na kita ginising :) Sorry..

Love,
Nadya

Aysh, hindi man lang akong ginising. Agad akong naligo at pumunta sa baba. Matanong na nga muna si Nanay Rose.

"Nay! Did Nadine eat her breakfast?" Tanong ko.

"Hindi eh, umalis na siya nung pag baba. Baka nasa kaibigan niyo." Sabi naman niya.

"Ah okay, mauna na po ako." Sabi ko naman at dumiretso na muna sa isang resto at nag order, panigurado nandun yung tatlong kaibigan ni Nadine, at yung tatlong kabarkada ko. Tsk.

-

Nadine's Pov

"Nadine! Uminom ka na. Ikaw na lang ang hindi pa namin nakikitang umiinom nang tanduay." Sabi sakin ni Inigo,

"Hindi pa kasi ako nag almusal, ayoko." Sabi ko naman, kahit snacks nga hindi ako kumakain dahil nga hindi pa ako kumakain.

"Hay naku, hinahantay mo yata si James eh. Tatawagan ko na." Sabi ni Andre.

"Ah hindi, hindi ko hinahantay. Akin na nga!" Inis kong sabi, in-abot naman nila sa akin yung maliit na baso, iinumin ko na sana nang may nag doorbell. Save by the visitor. Haha! Ibinaba ko naman na.

"Ako na! Ako na ang mag bubukas." Sabi ko naman.

"Bakit? Nag order ka nang pagkain?" Tanong nila.

"Hindi, ewan ko kung sino." Sabi ko naman, at pagkabukas ko -- Eh?

"James! Kanina ka pa niyan hinihintay, iiyak na nga dapat yan kasi wala siyang kapartner eh haha." Pang aasar ni Yas.

"H-hindi ah." Sabi ko sabay upo sa upuan.

Pumasok naman si James na may dalang KFC naman ngayon, dalawang 8 bucket meal, at mga coke, rice, macaroni salad. Tae, nagutom tuloy ako lalo.

"Oh sakto may pang-almusal ka na Nadz." Pang-aasar nila sa akin.

"Sige, pag tulungan niyo pa ako." Inis kong sabi, at pumunta na lang sa kuwarto ni Yass at sinarado yung pinto.

Mamamatay na lang ako sa gutom, nakakainis lagi na lang akong inaasar. Hmp, maya't maya may kumatok naman.

"Pasok!" Inis kong sabi.

At nakita ko si James na may dalang pagkain, tray yung dala niya meron talaga si Yass nang ganon.

"Tabi nga diyan." Sabi niya, umayos naman ako nang upo sa upuan, may mesa dito sa luob nang kuwarto ni Yass maliit lang naman pero kasya pa rin.

"Dito na lang tayo kumain dalawa para hindi ka nila asarin. Wala tuloy nag ta-tanggol sayo kanina. Tapos hindi ka pa nag --" Bago niya pa matapos yung sasabihin niya, sinubo ko na yung macaroni salad sa bibig niya.

"Ang daldal mo, kumain ka na lang." Sabi ko at saka kumain. Nginitian na lang niya ako at saka kami kumain.

Pagkatapos naman naming kumain, lumabas na kami sa kuwarto na ito at pumunta sa sofa, at tabi naman kaming umupo.

"Oh, ngayong kumpleto na tayo. Inuman na!" Sabi ni Aj.

After 5 hours

Tulog na yung mga kasama namin, yah, nag lasing silang lahat. At ako hindi nag paka-lasing masyado kasi hindi ako sanay uminom.

At itong si James, tulog na rin, so ako lang ang gising? Sa lapag kasi natulog yung anim, si Yass at Andre sa sofa. Naku kung ano-ano pinag sasabi nila nung nalasing sila.

Mabuti na lang at wala kami sa bar naku delekado yun, agad ko namang inalalay na pumunta muna to sa kuwarto ni Yassi. Dahil wala nang sofa at wala nang space para matulong tong lalaking to.

Ini-higa ko na muna siya sa kama, hay nako naman. Kahit kailan talaga tong lalaking to, basa na rin yung t-shirt psh. Wala naman akong ipag papalit dito na damit, ay try ko na lang yung damit ni Andre dito sa cabinet ni Yassi. Mag papaalam na lang ako mamaya pag gising ni Yass.

Kinuha ko na muna yung damit ni Andre at itinabi muna sa gilid, saka ko hinubad yung t-shirt ni James. Eh meyged yeng 6 pack abs niya. Ako ang pinag papawisan ee. At isu-suot ko na sana yung damit ni Andre nang bigla niya akong niyakap eh, ramdam ko na yung abs niya. Fishtea.

"H-hoy James! Mag bihis ka na muna ano ba." Sabi ko sabay layo sa kanya. Pagka-bitaw niya sa akin, agad kong sinuot sa kanya, halos abutin ako nang kalahating minuto mag bihis dito nang polo.

At saka niya ako niyakap ang mahigpit aysh, lalaking to.

"Ericka.. Asan ka na? Wag mo akong iiwan.." Napa-tingin naman ako sa kanya. Ericka? Yun ba yung babaeng gusto niya? Ano namang paki mo Nadz? Psh.

"Ericka, mahal pa rin kita."

Anong nang yayari sa mata ko, bakit parang may namumuong basa? Agad ko namang hinawakan yung pisnge ko, hala? Bat may luha sa mata ko? Agad ko namang pinahid yun.

Wala lang to, hindi naman ibig sabihin nun nasasaktan ako at saka wala akong gusto sa lalaking to. Asa pa. Pero bakit ganun? Yung puso ko, laging malakas ang tibok nang puso kapag nakikita ko siya at pag kalapit ko siya. Hays! Tumayo naman ako at lumabas na muna.

Kinuha ko yung bag ko at saka umalis sa condo ni Yassi, uuwi na lang muna ako sa mansion.

He's My Bad Boy Husband | Book 1 | (JaDine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon