Jadine 18

5.2K 178 19
                                    

Chapter 18: [ Why o why? ]

-

Nadine's Pov

"Bye na girls, malapit nang mag gabi baka pagalitan pa ako ni James." Sabi ko naman.

"Sige, ingat bhe." Sabi naman nila. Pumunta naman na ako sa parking lot at nandun naman na si Manong kaya pumasok na ako sa luob.

Pagkarating ko naman sa mansion, agad na sumalubong ang mukha ni James na masama at naka-simangot na galit.

"Bakit ganyan mukha mo?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi mo maaga ka uuwi, pero gabi na oh! Anong oras na kaya! Kanina pa kita hinahantay!" 

"Ka --"

"Tapos nagugutom na ako sabi ko sabay na tayo kakain eh, hinantay kita nang ilang oras tapos gabi ka na rin pala uuwi." 

"Na --"

"Tapos hindi ka man lang nag te-text kung uuwi ka nang maaga, hindi mo sinasagot yung mga tawag ko sayo. Sumagot ka!" Agad ko naman siyang binatukan.

"Paano kita masasagot tuloy-tuloy salita mo! Kaya lang naman ako ginabi dahil diyan sa pesteng Ericka mo na yan! Nakaka-bwisit siya! Ipinag mamalaki niya pa na girlfriend mo pa rin siya hanggang ngayon!" Sabi ko sabay pasok sa luob.

Uupo na sana ako nang agad na may humawak sa kamay ko at napaharap naman ako kay James na nag aalala ang mukha niya.

"May ginawa ba sayo si Ericka?! Anong ginawa niya sayo?!" O.a naman to masyado, o sadyang over protective lang?

"Wala naman siyang ginawa sa akin, ipinag-malaki ka lang niya at ang sarili niya na nagka-boyfriend siya nang isang katulad mo." Sabi ko naman at uminom nang tubig.

"Mabuti naman kung ganun, sabihin mo lang sa akin kapag may ginawa siyang masama sayo ha. Ako mismo makaka-laban niya." Sabi naman niya, tumango lang ako.

"Nadz, samahan mo akong kumain." Sabi niya.

"Pagod na ako eh, gusto ko nang matulog. Sige na kumain ka na diyan." Sabi ko naman.

"Nope, I want to eat with you." Akala ko gusto niya akong kainin eh. Charot lang.

"Ang arte mo... Sige na kumain ka na diyan, mauna na ako sa taas." Sabi ko naman at pumunta na sa taas para matulog.

Pagka-taklob ko nang kumot, agad naman na may pumasok sa kuwarto ko at ini-lock si James siguro to, pero nag taka ako bakit walang tumabi sa akin, agad ko namang ini-alis yung naka-taklob na kumot sa akin at nasa sofa si James.

Nag tampo-rurut na naman ang guwapo kong boyfriend. -,- Bumaba na muna ako para maka-usap si Nay Rose.

"Nay! Kumain po ba si James?" Tanong ko.

"Ay nako hindi pa yan kumakain simula kanina nuong umalis ka dahil sasabay daw siya sayo. Gutom na gutom na yun kanina kawawa nga eh." Nakonsensya naman ako.

"Ah sige salamat po." Pumunta akong kusina para mag luto nang sinigang at fried rice, favorite niya kasi ang sinigang lalo na kapag ako pa ang maglu-luto.

Ayaw niya nang ibang sinigang kapag hindi ko luto, maarte kasi yang lalaki na yan eh. So, after 45 minutes natapos na rin ako kaya inilagay ko na sa mesa at pumunta sa taas, pagkapasok ko sa kuwarto.

May narinig akong umiiyak, hala. Umiiyak siya? Hay nako naman ang kulit kasi nang lalaking to napaka-arte pa.

"James, tara na kain na tayo." Sabi ko sa kanya.

"I don't want to eat!" See? Ang arte talaga.

"Hubby naman, gusto mong mamatay ka diyan sa gutom?" Sabi ko naman sa kanya pero dedma lang.

"Ayoko nga.." Napa-tayo naman ako.

"Fine! Ayaw mo nang sinigang na luto ko?! Ngayon mo lang ako tatanggihan ah! Ikaw na nga tong pinag luluto ikaw pa yung may arte na ayaw! Edi sana hindi na lang pala ako nag luto!" Sigaw ko sa kanya.

Agad naman siyang umupo, at umiiyak pa rin. Haysh! Napaka-arte nang lalaking to nakakainis.

"Wala ka namang sinabi na nag luto ka pala, edi sana kung sinabi mo kanina pa ako kumain nuong una mo pa lang pagka-sabi." Sabi niya sabay akbay sa akin.

"Tara kain tayo, sabay dapat." Sabi niya pa, inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin.

-

"Hey, pang-ilan mo nang sinangag yan? Kanina ka pa kuha nang kuha ah." Sabi ko habang tinitignan siyang kumakain.

Kakatapos ko lang kumain at busog na ako pero itong lalaking to mahigit 30 minutes kumain, napaka-tagal. Kanina pa kain nang kain, sabagay gutom na gutom pala siya -,-

"Dahan-dahan lang baka mabigla ka sumakit yang tiyan mo." Sabi ko naman.

"No worries kaya ko po ang sarili ko and -- pang lima ko na." See? Pang lima na niyang kain, ang takaw nang lalaking to. -,-

Maya't maya natapos na rin siya sa wakas. Grabi tong boyfriend ko hindi ko kinaya ang lakas kumain, well, mabuti na rin yun.

"Mauna na ako sa taas ha." Sabi ko naman, pagkarating ko sa kuwarto umupo ako sa kama at nag wattpad, ito kasi ang gawain ko kapag busog na pag gabi na bawal pang matulog dahil baka pag natulog ako bangungutin ako.

Habang nag babasa naman ako, pumasok na si James at tumabi na sa akin para rin siguro matulog.

"It's 10 pm in the evening, you better go to sleep." Sabi niya sa akin.

"I can sleep by my self." Sabi ko naman.

"Ih sabay na nga tayo matulog." Sabi niya.

"Oh sige! Sabay na palagi, sabay matulog, sabay kumain, sabay lalabas, sabay papasok. Palaging sabay!" Sabi ko sa kanya.

"Sure, sabay tayong maliligo at mag bibihis ha." Naka-ngisi niyang sabi.

"Gag-" Tumawa lang siya, nasisiraan na talaga nang ulo tong lalaking to kung ano-ano pinag iisip, mabuti at nakaka-tiis pa ako!

-

Time check: 11:00 pm.

Nagising ako sa sakit nang tiyan ko at pagka-dilat ko nahihilo ako, anong nangyayare sa akin? Kalahating minuto pa nga lang tulog ko eh.

Agad akong napa-tayo at napa takbo sa banyo at nag suka, hindi kaya ako natunawan kanina sa pagkain ko o nasobrahan? Hindi naman puwede yun.

Nakita ko naman si James na hinagod yung likod ko. 

"Hey? Are you fine?" Kung hindi lang sana ako nahihilo kanina ko pa ito binatukan at sinigawan, nakita nang nag susuka eh.

After kong mag suka, ni-flash ko na yung inidoro at nag mumog na saka ako nag hugas. At muntikan na ako matumba dahil sa sobrang hilo ko pero naalalayan naman ako ni James.

"Wifey, are you okay? Dalhin na kaya kita sa hospital? Namumutla ka oh." Sabi niya.

"N-no. I'm fine. I just need to rest." Sabi ko at agad na humiga sa kama.

"Wait, kukuha lang ako nang tubig saglit lang." Sabi niya at dali-daling kumuha, pagka-kuha niya ininom ko naman agad.

"Ok na ako, siguro bukas wala na to." Sabi ko naman at pumikit na.

Naramdaman ko namang tumabi sa akin si James at saka niya ako yinakap, yinakap ko rin naman siya pabalik at sumiksik sa dibdib niya.

"You will be okay." Sabi niya. I just smiled and sleep.

Bakit kaya ako nag-suka sa wala dapat ika-dahilan. Why o why?!

-

Nag update ako kasi naging hero ako ngayon sa aming school, witness kasi ako sa amin - may kaganapan na nangyare. Pero sikret na yun! 

 Ano sa tingin niyo ang nangyare kay Nadine? Ano yun? Bakit siya nagsu-suka? 

He's My Bad Boy Husband | Book 1 | (JaDine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon