Jadine 9

5.6K 220 5
                                    

Dahil sa good mood ako ngayon at suwerte ako ngayong araw dahil tatlong beses kong hindi akalain na bigla bigla ko na lang mapapakinggan yung mga songs nang Jadine.

Una kong narinig, 'alam niya ba' sumunod after 20 min. 'para-paraan' sumunod yung napanuod ko naman sa MTV pagkalipat sa MTV, 'hanap-hanap' as in tili agad ako. Salamat naman at good mood ako! Sarap sa feelings, sana ganun din bukas. XD

-

Chapter 9: [ She's back ]

-

James Pov

Umaga na naman ngayon, at ang aga-aga tumawag ni .. Andre? Bakit naman napa-tawag tong lalaking to? Sarap nang tulog namin ni Nadz eh, joke.

Agad ko namang sinagot.

"Anong problema mo?"

"Si Ericka, bumalik na hinahanap ka. Anong sasabihin ko?"

"Ano?! Si Ericka?! Bumalik na?"

"Oo unli lang bro? So anong sasabihin ko?"

"Ah ganto, sabihin mo na lang may pinuntahan lang ako, after 1 week babalik na ako. Basta dapat hindi niya malaman na nandito ako sa states."

"Ah sige, sige. Thanks bro."

In-end ko naman na yung call.

Kung kailan na malapit na akong ma-fall sakanya. Saka pa pumunta dito si Ercika. Ano ba namang buhay to.

Agad naman akong nahiga na muna at nag isip-isip, si Ericka Villongco nga pala ang girlfriend ko, yah she's my girlfriend while I'm have a wife, alam kong magulo. Pero si Nadz, may kontrata kaming dalawa. At hindi niya alam na girlfriend ko si Ericka hindi yun kasama sa kontrata pero sasabihin ko na sa kanya pag nagising siya.

"Hayyy! Good Morning States!" Sabi ni Nadz habang nag hihikab at saka umupo habang naka-pikit ang mata, maya't maya humiga rin siya, tsk. Baliw talaga to.

"Uy gising ka na pala, morning." Sabi niya nung pagka-kita sa akin.

"Bakit hindi good morning ang sinabi mo sa akin?" Tanong ko.

"Eh kasi naka-busangot yang mukha mo, kaya morning lang sinabi ko, try mong mag smile nang masabi kong good mood ka." Sabi naman niya, napa-iling na lang ako.

"Oo nga pala Nadz, sa next week na tayo uuwi nang pinas." Sabi ko naman.

"Ha? Next week na? Ang bilis naman, puwedeng 3 months pa?" Tanong niya.

"Bakit? Gusto mo bang dito na lang tumira?" Tanong ko.

"H-hindi, ahm.. k-kasi yung a-ano alam mo na." Sabi niya, tumawa naman ako.

"Hayaan mo, hindi naman kita pipilitin kong ayaw mo." Sabi ko sabay tap nang ulo niya at tumayo na ako, saka pumunta sa labas.

-

Nadine's Pov

Sayang naman, bakit kaya napa-aga yung uwi namin sa pinas at lumungkot yung mukha niya kanina? May problema kaya? Don't mind it Nadz.

Tumayo ako at inayos yung higaan saka ako lumabas nang kuwarto at nakita ko naman na naglu-luto siya.

"Oh? Himala at ikaw na ang naglu-luto?" Tanong ko sabay nag tooth brush at pagkatapos saka ako umupo sa sofa at binuksan yung tv.

"Wala lang gusto ko lang." Napa-taas naman ang kilay ko, bakit ba ang bad mood nito ngayon?

"Ah James? Bakit parang bad mood ka yata?" Tanong ko.

"Basta." I just rolled my eyes.

Meron nga tong problema, napa-iling na lang ako. Parang hindi ako sanay na bad mood siya, aba ewan ko.

Makapag mall na lang nga, iwanan ko na muna tong lalaking to, bumalik na naman siya sa papaging bad boy niya tsk.

"Aalis na muna ako James." Sabi ko.

"Sige lang." Inis naman akong pumasok sa banyo, bakit ba nagkaka-ganto ako? Hindi niya lang ako tinanong kung saan ako pupunta nagkaka-ganto na ako, hays.

-

Kakatapos ko lang maligo at mag ayos nang sarili, pumunta na ako sa labas at saka ako pumunta muna sa bahay nila mommy, ayoko nang mag mall, kayla mommy na lang ako.

Pagkarating ko naman duon nakita ko na sila mom at dad, kasama ang pamangkin ko na anak ng ate ko malamang.

"Hi Tita Nadz!" Bati sa akin ni Dori.

"Hello baby, how are you na?" Tanong ko.

"I'm fine po, where's tito James?"

"Oh, tito James is busy."

"Can he come here?"

"I don't think so, maybe later I call him for you ha."

"Opo, salamat po."

Pumasok naman na kami sa luob at nag mano ako kay mommy at daddy.

"Oh? Bakit naparito ka anak ang aga-aga bumisita ka na agad? At asan si James?" Tanong ni daddy.

"Ah nandun po siya sa bahay, ma, anong ulam?" Tanong ko.

"Nag away ba kayo?" Tanong ni Mommy.

"Ha? Hindi po kami nag away." Sabi ko.

"Mabuti naman kung ganon, naku, ayokong mag away kayo ni Ijo James, ayoko ring magka-hiwalay kayo, naku bagay na bagay pa naman kayo." Ngumiti na lang ako sa sinabi ni dad.

Pumunta ako sa kusina at saka kumain, maya't maya may tumawag sa phone ko, si Yassi lang pala.

"Napa-tawag ka Yas?"

"Bhe, wag kang mabibigla ha, nalaman ko kay Andre na niloloko ka lang pala ni James. He have a girlfriend, kakarating lang ni Ericka dito sa pilipinas at ayun pala ang pangalan nung babae, Ericka."

"Ericka? Parang narinig ko na yang pangalan na yan, ah oo, I know kay James galing yang salitang yan, nuong nasa bahay niyo kami, nung nasa kuwarto mo siya, sabi niya dun mahal na mahal niya si Ericka. Ano namang paki ko?" Hininaan ko lang boses ko kasi baka may makarinig.

"Bhe, ano nang plano mo?"

"Wala, alangan namang makipag divorce ako sa kanya? Paano naman yung lolo niya noh?"

"Secret lang natin to ha, baka pagalitan ako ni Andre, siga na bye."

In-end ko naman na yung call.

Kaya pala bad mood si James kanina, pero bakit naman siya naba-bad mood mabuti nga iyon eh para makita na niya si Ericka, saka bakit ako nagkaka-ganto parang may basa sa pisnge ko. B-bakit ako umiiyak? Nung isang araw pa to ah.

Anong nangyayare sa akin?

He's My Bad Boy Husband | Book 1 | (JaDine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon